CHAPTER 4: "IS" WILL NEVER BE A PAST TENSE

1.3K 34 2
                                    

Arhianne's P.O.V.

"Whoa! What a surprise? My girlfriend is here!" Yan ang unang binanggit ni Zeff nang makita niya ako sa may fountain sa bakuran ng bahay nila.

"Shhh! Zeff pwede ba, hindi mo kailangang sumigaw. Baka may makarinig sa'yo't iba pa ang isipin nila," sita ko sa kanya. Kapit-bahay pa man din niya ang isa sa mga family friends namin. Natatawa siyang lumapit sa akin.

"Ha-ha. Last week, ayaw mo akong makasama ka lalo na't maraming matang nakatingin sa atin. Ngayon naman, kinakahiya mo na ako kahit wala namang nakatingin. Ha-ha. Bukas kaya? Sasabihin mo na kayang mahal mo pa rin ako? Dalawang beses mo na akong sinusugatan ha, pwede bang sa pangatlo, sabihin mo na biro lang lahat ng sinabi mo simula nung umalis ka at bumalik ka? Kasi kung hindi mo pa rin maintindihan, mahal pa rin kita," natatawa niyang sabi pero seryoso ang kanyang mga mata. Naupo na lamang ako sa tabi ng fountain.

Unti-unti siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Umusog naman ako ng kaunti pero lumapit pa rin siya, hinayaan ko na lang dahil hindi na kami mga bata para magkulitan sa ganoong bagay. Habang katabi ko siya ngayon, parang nawala lahat ng dapat kong sabihin sa kanya. Narito pa rin sa puso ko 'yong pakiramdam na ayoko siyang saktan. Kasi hindi naman talaga niya deserve 'yong sakit. Hindi niya deserve ang kahit ano sa mga ginawa at sinabi ko sa kanya these past few years, even until this present.

"Why can't we just go back to being the old us? I mean... you know how much I love you and I know you still feel the same way for me, too. Arhianne, alam mo bang sa bawat umagang gumigising ako these past years even until this day, 'yong litrato mo ang una kong tinititigan. Alam mo ba kung ano ang lagi kong sinasabi sa sarili ko? 'She IS the only girl who made me act this way. And she IS the girl that I am willing to die for. So I will be strong and live my life for her because I know, she will never be my past. She is my present and she will be my future.' Hanggang ngayon, iyon pa rin ang pinaniniwalaan ko," nakatingin siya ng direkta sa aking mga mata.

At habang nakatingin din ako sa kanyang mga mata, napansin ko na namumula ang mga iyon, bagay na nakakapanibago kasi hindi naman siya umiiyak. Actually, he is happy while telling me how he survived from the pain I caused him. Tumingin muli ako sa kanyang mga mata at nasiguro ko ang isang bagay na hindi ko nahalata sa kanya kanina nung dumating ako.

"Lasing ka ba?" tanong ko at bigla na lamang siyang natawa.

"Lasing? LOL. Hindi ako nalalasing sa kahit anong inumin. Nalalasing lang ako sa pagmamahal ko sa'yo," biro niya at napailing na lamang ako. Hindi ito tama.

"Bakit nga pala nandito ang girlfriend ko?" Dagdag niya habang hinahawakan ang kamay ko pero binawi ko agad iyon sa kanya at agad na tumayo.

"Lasing ka nga. I'm leaving. I'll just come back kapag matino ka ng makipag-usap." Sabi ko at natawa na naman siya.

Lasing talaga ang loko. Ito lang naman ang kaisa-isang habit niya kapag nalalasing siya e, ang tumawa.

Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinila ang kamay ko, dahilan para mapaharap ako sa kanya, at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. Nanigas ako at hindi ko siya magawang itulak.

"Sa tingin mo ba hindi matino ang isip ko habang sinasabi ko sa'yo lahat ng narinig mo kanina? Oo, siguro nga lasing ako at hindi matinong makipag-usap. Pero iisang tao lang naman ang nagpapatino at makapagpapatino sa akin e. Alam mong IKAW 'yon. Mahal na mahal kita, Arhianne. At ni minsan hindi iyon nabawasan; kahit kailan hindi iyon nawala. Sabihin na nating sobrang tagal na ng dalawang taon na 'di tayo nagkita. E ano naman ngayon? Para sa akin kahit gaano pa katagal, hindi ko magagawang kalimutan ka kasi kahit subukan ko, ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko. Alam mo bang kahit sumuko ka na para sa sinimulan nating dalawa, lumalaban pa rin ako kasi umaasa ako na pag bumalik ka, babalik ka na rin sa akin. Hinihintay pa rin kitang bumalik sa akin Aianneko. Hinihintay kitang maging matapang para sa pagmamahalan nating dalawa. Kaya pwede ko bang hilingin ito sa'yo? Pwede ko bang hilingin sa'yo na maging matapang ka naman." Umiiyak na siya habang nakayakap pa rin sa akin. Hindi na tama ito.

Scared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon