CHAPTER 2: HAVEN'T MOVED ON

1.5K 43 6
                                    

Arhianne's P.O.V.

"Zeff?!"

Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya at siniguradong malayo ang distansya naming dalawa.

"Wow naman. Ganito ka pala magsabi ng 'I miss you, too.' Napaka-romantic mo naman,"halata sa tono niya ang hinanakit at sama ng loob pero nagawa pa rin niya akong bigyan ng masayang ngiti.

"Zeff. Hanggang dito ba naman? Hanggang ngayon ba naman? Hindi na—"

"Oh, nagkita na pala kayo ni Zeff. Halina kayo sa loob. Arhianne, hinihintay ka ng mga tita't tito niyo," sigaw ni Tita Vera mula sa pintuan.

"Sige po, Tita. Susunod na po kami," sagot ko naman. Binigyan niya kami ng isa pang tingin bago siya tuluyang pumasok sa loob.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpapasalamat dahil hindi nakita ni Tita na nakayakap sa akin si Zeff kanina. Nagpapasalamat din ako dahil dumating siya sa tamang oras—kung kailan muntik ko na namang awayin si Zeff.

"Pero hindi na tayo tulad ng dati?" maya-maya ay nasabi ni Zeff.

"Z-Zeff..."Napatigil ako bago pa man ako makapagsabi ng bagay na pagsisisihan ko. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kanya sa sitwasyong ito.

"Ano? Di mo masabi? Ayos lang, sanay naman ako na ganyan ka e. Dibale na, huwag ka nang mag-aksaya ng oras para magsabi pa ng kahit ano. Alam ko namang na-miss mo ako ng sobra. Tara na Aianneko," masaya niyang sabi at tinulak ako papunta sa loob ng bahay pero tinanggal ko ang kamay niya sa aking balikat. Ngunit pilit niya akong inaakbayan.

"Zeff, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Kaya kung pwede lang tumigil ka na, matagal na tayong wala diba? Kaya kung pwede lang, hayaan mo na akong mabuhay na hindi ka kasama." Napatigil siya sa pangungulit sa akin. Nagseryoso siya at tumingin sa akin habang nakapamewang siya.

"Hindi mo rin ba nakikita na hindi ako nakikipagbiruan sa'yo? Hindi mo ba nakikita na ayaw kitang hayaang mag-isa kasi kung alam mo lang, gustong-gusto kitang yakapin ng mahigpit sa pagkakataong ito." Iniwas ko ang aking tingin at tumalikod mula sa kanya. Narinig ko ang marahas niyang paghinga pero hindi ko na gustong humarap pa sa kanya.

"Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras para sa akin, Zeff. I'm not worthy of all of these." Nagsimula na akong maglakad at mas nilakihan ko ang aking mga hakbang para makalayo agad ako sa kanya.

Ngunit bago pa man ako makalayo ay naramdaman ko na ang presensya niya sa aking likuran na siyang nagpatigil sa akin sa aking kinatatayuan.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, hindi ka pa rin talaga marunong magsinungaling," bulong niya bago siya naunang maglakad papunta sa bakuran ng bahay. Hindi na lang ako umimik.

Hindi ako nagsisinungaling noong sinabi ko na I am not worthy of all his effort kasi totoo naman. At hindi rin ako nagsisinungaling noong sinabi ko na wala na siyang maaasahan sa akin.

Sa nakikita ko sa ikinikilos niya, hindi pa rin siya natauhan sa sinabi ko sa kanya two years ago. Bakit ba hindi pa siya makapag-move-on? Wala naman nang pag-asa pa na bumalik kami sa dati kaya ano pang silbi ng mga ginagawa niya? Sinasaktan lang niya ang sarili niya at binibigyan lang niya ako ng konsumisyon.

Sa totoo lang, ang gusto ko lang na mangyari ay bumalik kami sa pagiging magkaibigan. Kahit iyon man lang sana ang mangyari, makokontento na talaga ako. Pero parang magiging malabo na rin ngayon.

Hay ewan! Kung kanina hindi ko nararamdaman ang pagod mula sa biyahe, ngayon sobrang ramdam ko na. Ayoko na nga sanang makisalamuha pa sa mga tao sa bakuran pero ayoko namang may masabi sila sa akin. Kaya kahit gusto kong umiwas sa mga tanong ng tao at sa mga tingin ni Zeff, wala akong nagawa kundi lumabas sa bakuran at makipagkwentuhan kasi nga naman, para ano pa't naghanda sila Tita kung hindi rin lang ako magpapakita.

Scared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon