CHAPTER 17: PLAN B HAPPENED UNEXPECTEDLY THOUGH

541 20 0
                                    

Drew's P.O.V.

Dalawang oras na ang lumipas pero di pa nagigising si Arhianne. Gago kasi itong si Zeff e. Kung anu-anong malisya ang pumapasok sa utak niya.

But now that I think of it, what happened to Arhianne now is one of her plans. Dahil nga ayaw niyang ma-epic fail ang surprise niya ay nagkaroon siya ng dalawang plan. And now that everything turned out this way, her Plan B came true. But I never wished the real thing would happen because the plan was supposed to be a fake accident. Fuck this whole plan thing!

So anong susunod? Amnesia? Like what was in the plan? Punyeta!

Tumingin ako sa gawi nila Tita Vera na nakahawak sa kamay ni Arhianne, hindi rin sila mapakali. Lahat naman kami e. We are all worried now.

Tapos bigla ay napatayo si Tita.

"Arhianne, iha. Are you okay? May masakit ba? Can you hear me?" sunod-sunod niyang tanong. Agad namang lumabas si Tito para tawagin ang doctor at mga nurse.

Tumayo rin kaming lahat at agad na lumapit sa kama ni Arhianne. Nakamulat na ang mata niya at sinusubukan niyang suriin ang mga bagay-bagay sa paligid niya.

"Arhianne, ayos ka na ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Zeff habang hawak ang kamay ni Arhianne. Blanko naman ang ekspresyon ni Arhianne na napatingin sa kamay nila ni Zeff.

"Uh, who are you?" Tanong niya kay Zeff at lahat kami ay nagulat. Dahan-dahan namang bumitaw ang kamay ni Zeff sa kamay ni Arhianne at namuo ang mga luha sa mga mata niya.

Dammit! This plan B is taking it's effect and Arhianne is not even aware na nagkatotoo ang dapat sana ay fake amnesia niya.

It was that time when I wished everything is just fake; that Arhianne is just faking what she is showing us. I wished everything was just some kind of a show but it wasn't.

"A-aianneko, wag ka ngang magbiro ng ganyan," sabi ni Zeff na umiiyak na.

"No, I'm serious. I don't really know who you are. And who's Aianne?" Pagdidiin naman ni Arhianne.

"Doc, what's going on?" Confused na tanong ni Zeff.

Chineck naman ng doctor si Arhianne at lahat ng naririnig namin ay "normal" pero blanko pa rin ang ekspresyon ni Arhianne.

"Let me see," sabi ng Doctor at tumingin siya kay Arhianne.

"Do you know who these people are?" Tanong ng Doctor at binigyan siya ni Arhianne ng confused look.

"All I can remember is Tita and Tito, Cassy and Jerry?"

"Jeremy," Pagko-correct ni Jeremy.

"Oh right, sorry. Then Aliyah and Dan."

Napatakip naman ng bibig sina Aliyah at Cassy at halatang babagsak ang mga luha nila any moment now.

"These two..." nakaturo si Arhianne sa amin ni Zeff.

"Who are they?" sabi niya kay Tita Vera at para siyang batang nagpapatulong ng sagot sa nanay niya. I cussed in my head. Hindi ito totoo, hindi ito nangyayari. Arhianne, sabihin mong nagbibiro ka lang; please laugh out loud and say you are just playing a prank on us.

Hindi ko na maiwasang hindi mainis at magalit sa sitwasyon na ito.

"Okay, we will observe her more. Please calm down for now and let her get some rest," sabi naman ng doctor at sumenyas na siya na aalis na sila ng mga nurse niya. Sumama naman kami ni Zeff sa labas, kasama sina Tita at Tito.

"From the way she acted, it is likely that she is undergoing a shock, and it can be compared to a selective amnesia. This happens in most cases actually. By the way, are you two with her before the accident happened?" tanong ng Doctor sa amin ni Drew at tumango naman kami pareho.

Scared HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon