Chapter 4

28 3 0
                                    

BLAIRE'S POV

napa tingin ako sa magiging body guard ko mula ulo hanggang paa

Dark brown at messy hair ang buhok niya. maganda ang mata niya. matangos ang ilong. magandang labi at magandang korte ng mukha lalo na yung jawline niya. Maganda ang hubog ng katawan matangkad at maganda ang kulay ng balat

" tsk fine! "

Inis na sabi ko dahil wala na akong magagawa kung iyon ang desisyon ng daddy ko

" titira siya sayo para mabantayan ka niya ng maigi kaya naman ihanda mo na yung room niya doon "

sabi naman ni daddy kaya kumunot yung noo ko

" daddy! alam mo namang ayaw na ayaw kong may tao sa sarili kong place! "

inis na sabi ko kay daddy dahil hindi ko naman kilala tong lalaking toh tapos papapasukin ko siya sa lugar ko? ha!

" wala kang dapat ipag alala dahil mapag kakatiwalaan si Aiden "

malumanay na sabi ni daddy kaya naman napa iling na lang ako

'hmmm san ko kaya siya i pu pwesto? dun kaya sa kwarto na pinaka malapit sa main door ko? uh no no no lalagyan ko yun ng mga shoes eh ... argh bahala na'

" makakalabas kana Blaire, may pag uusapan lang kami ni Aiden "

sabi ni daddy kaya naman tumayo na ko sa kina uupuan ko saka nag lakad paalis sa office ni dad

pag labas ko ay sumalubong n ni tita pero d ko na lang siya pinansin sa sobrang inis ko

Pasalampak akong na upo sa sofa at nanood na lang ng tv nung marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng office ni dad

" hey "

Napalingon ako nung tawagin ako ng body guard ko kaya naman lumingon ako sakaniya saka ko siya tinaasan ng kilay

" what?! "

Inis na sabi ko rito habang naka cross arm at tinitignan siya ng diretso sa mga mata niya

Agad kong tumayo sa sofa saka nag lakad pa puntang parking lot

" saan ka pupunta? "

Tanong nito kaya naman inirapan ko siya saka ako lumapit sakaniya

" baket mo tinatanong?! Saka bat ko kailangan ipaalam?! "

Inis na sabi ko saka naman siya napa ngisi dahilan para mas lalo akong mainis sakaniya

" kase body guard mo ko kaya kailangan kung nasaan ka ay dapat nandun din ako "

Naka ngising sabi nito na natatawa pa at tila nang aasar kaya naman mas naiinis ako

" bakit ba ang laki ng galit mo sakin? Simple lang naman ang tanong ko, saan ka pupunta? "

Seryosong sabi nito dahilan para mapa buntong hininga ako

" sa mall "

Sabi ko rito saka naman na ako pumunta sa may kotse ko at nung maka rating siya ay nilampasan na lamang niya ako saka siya umaktong papasok na sa sasakyan niya

" uh hello?! Bakit ka jan sasakay?! "

Sabi ko saka siya inirapan habang naka sandal sa sasakyan ko

" kase kotse ko toh "

Kaswal na sabi nito kaya napa taas ako ng kilay ko

" duh! Body guard na kita ngayon kaya dapat ikaw ang mag drive para sakin "

Malakas na sabi ko kaya naman napa ngisi siya saka napa sandal sa kotse niya

" body guard mo lang ako at hindi driver "

Naka ngising sabi nito kaya naman inirapan ko na lang siya saka padabog na pumasok sa sasakyan ko

Nung binuksan ko na ang makina ay nag simula na akong mag maneho pa punta sa main gate at kita ko pa sa side mirror na naka sunod siya sa akin

Nung buksan nung guard yung gate ay agad akong humarurot ng takbo para maka takas ako rito ngunit natanaw ko parin siya mula sa side mirror ko kaya naman mas binilisan ko pa ang pag mamaneho at paliko liko ang ginawa kong pag mamaneho upang malito siya at mailigaw ko siya

Nung napansin kong wala na siya ay mas ginanahan akong bilisan ang sasakyan ko upang hindi na niya talaga ako masundan

" ha! Akala mo ha? Hahahaha "

Natatawang sabi ko saka halos mabaliw na ako sa kakatawa dahil na ligaw ko yung bugok na iyon

Napag isipan kong bumalik na lang sa penthouse ko dahil kung pupunta ako sa mall ay baka doon din siya pumunta at makita ko nanaman ang nakakainis niyang mukha

Ilang minuto lang ay naka rating na ako sa private parking lot ko

Pinatay ko na ang makina ng sasakyan ko at kinuha ang bag ko

Lumabas na ako sa may sasakyan ko nung biglang may nang corner sakin na lalaki dahilan para mapa sandal ako sa sasakyan ko at nung unti unti ko nang na aninag kung sino yun at nag umpisang uminit ang dugo ko

" akala mo makaka takas ka huh? "

Naka ngising sabi niya sa akin dahilan para mag cross arm ako at irapan siya


Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon