Chapter 27

14 1 0
                                    

BLAIRE'S POV

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari

" pero Cross ... "

Nag aalinlangan kong sabi sakaniya at ngumiti naman siya sa akin

" nalinawan na ako sa mga sinabi mo sakin Blaire, hindi ko na hahayaang masaktan ka pa ng dahil sa akin "

Naka ngiti si Cross ngunit alam mong may pait sa kaniyang mga ngiti

" salamat Cross "

Nakangiti kong sabi sakaniya saka ko pinunasan ang mga luha ko

Agad akong tumakbo kay Aiden kahit na hirap ako dala na rin sa bigat ng gown na suot ko

Agad akong sinalubong ni Aiden saka niya hinawakan ng aking mga kamay

" i can make trouble just to be with you, Blaire "

Sabi nito sa akin saka kami sabay na tumakbo palayo sa lugar na iyon

Bago pa kami maka labas ay narinig ko ang pag putor ng baril dahilan para mapatingin ako

" CROOOOOOSSSSSSSSSSSS!!! "

Napasigaw na lamang ako nung nakita kong binaril si Cross at naka ngiti pa ito sa akin habang bumabagsak siya

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko at gusto kong tumakbo pa punta sakaniya ngunit hinila agad ako ni Aiden

" Baby, We need to go "

Sigaw nito sa akin saka ako hinila palabas at sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko

Agad akong pinasok ni Aiden sa isang sasakyan saka siya pumunta sa driver's seat saka pinaharurot ang sasakyan

" Aiden! Balikan natin sila Aiden "

Umiiyak na sabi ko kay Aiden

" Blaire! Sa oras na bumalik tayo dun ay mapapahamak tayong dalawa "

Sabi nito habang nag fo focus sa pag mamaneho

" pero Aideeen "

Umiiyak na sabi ko rito at nag kalat na ang make up sa mukha ko sa kakaiyak ko

" Baby please calm down, kailangan nating gawin toh "

Mahinahong sabi ni Aiden saka niya hinawakan ang kamay ko dahilan para kumalma ako

" asan na yung Blaire na nakilala ko? Asan na yung Blaire na matapang? Huh baby? I need that Blaire Now "

Sabi nito at pinunasan ko naman ang mga luha ko saka pilit ikinalma ang sarili ko

" shit! "

Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan nung nag mura si Aiden at dun ko nakitang may humahabol sa aming mga body guard ni Daddy

Kinuha ko kay Aiden ang Baril niya saka ko pinag babaril ang sasakyang sumusunod sa amin

Medyo nahihirapan ako dahil magalaw ang sasakyan kaya naman pumikit ako saka huminga ng malalim

Inalala ko yung mga panahong binaril ko ang gumagalaw na mansanan noong tinuturuan ako ni daddy kung paano bumaril

Inalala ko lahat lahat kung paano ko nagawa iyon

Saka ako nag focus sa gulong

" Baby mag ingat ka! "

Sigaw ni Aiden nung inilabas ko ang ulo ko sa bintana

Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon