AIDEN'S POV
Hinihintay ko ang pag daan ng isang napaka importanteng tao dito sa Madilim na subway habang naka tayo ako at naka sandal sa pader at nililinis ang dala dala kong Silent Gun na gagamitin ko sa napaka importanteng tao na iyon
Nag mamasid ako sa paligid kung mayroon bang ibang tao na makakasagabal sa gagawin ko upang maging malinis at maayos ang lahat at sa tingin ko naman ay walang sagabal na darating rito dahil malayo sa kabihasnan ang lugar na ito at halata mong rito ang kalumaan niya
Nung may narinig na akong yabag ng mga paa ay sinigurado kong naka takip ang aking mukha at sinigurado ko rin na siya ang parating dahil hindi ako maaaring mag kamali sa gagawin kong ito
Natanaw ko na siya kaya naman itinago ko sa Coat ko ang Armas na nililinis ko kanina at sumalungat ako kung saan siya pa punta
kada hakbang ng aming mga paa ay siya rin ang pag lapit namin sa isa't isa
Habang palapit kami ng palapit sa isa't isa ay napapa ngisi ako hangang sa isang hakbang na lamang ang agwat namin kaya naman napag desisyunan ko na hugutin na ang armas na hawak ko kanina at putukan ang napaka importanteng taong hinihintay ko kanina
walang naka rinig
walang naka kita
walang naka alam
Malinis na malinis
Hindi na ako nag abala na linisin pa ang bangkay niya dahil ayun ang iniutos sa akin at agad ko nang tinawagan ang taong nag utos sa akin na gawin iyon
isang ring lamang ay sinagot na niya ito
" Nagawa mo ba ang ipinapagawa ko sa iyo? "
naniniguradong tanong nito sa akin kaya napa ngisi ako habang nag lalakad paalis sa lugar na iyon
" Malinis na Malinis Boss "
Naka ngising sabi ko sa telepono habang pinag mamasdan ko ang lugar na dinadaanan ko
" Ipapadala ko na sa iyo ang pera "
sabi nito sa akin saka ako binabaan ng telepono kaya naman agad kong ibinulsa ang telepono ko at nag lakad ng malayo sa pinang galingan ng krimen kani kanina lamang
Itinago ko na ang armas sa coat na suot suot ko saka naman ako pumunta sa pinag usapan namin upang kuhain ang pera
at naka rating na ako sa isang eskinita malapit sa subway kanina
walang ka tao tao rito at napaka tahimik ng lugar nung may nakita akong isang naka sumbrerong itim at coat na lalaki at iniabot naman niya ang isang paper bag sa akin saka na ito umalis
nung naka alis na ito ay saka ko binuksan ang paper bag at kinuha ito upang bilangin ang perang ibinayad sa akin
' isang daang libong piso '
pag tapos kong mabilang ito ay dumiretso na agad ako sa Sasakyan ko kung saan na ako halos naninirahan saka ko itinago ang pera at tinawagan ulit si Boss
" Boss, natanggap ko na. Salamat "
Sabi ko saka ko ibinaba ang telepono ko at nag maneho na pa punta sa bar kung saan maaari akong mag saya at uminom na lamang
Ako si Aiden Della Cruz at isa akong Serial Killer
Binabayaran ako upang pumatay ng tao at wala akong choice kundi ang gawin ito dahil na rin sa kahirapan at sa utang na loob ko sa boss ko
-----
BLAIRE'S POV
Inom lamang ako ng inom ng alak at sayaw lamang ako ng sayaw dito sa bar kung saan pag ma may ari ng aming pamilya
Wala ako sa katinuan at wala rin akong pakialam sa nang yayare sa buhay ko basta ang alam ko lang ay ang mag saya
wala na ako sa natural na katinuan ko habang sinasabayan ko ng sayaw ang tugtog at tila sinusundan ko ang ritmo nito sa aking pag sayaw
hindi ko maaninang ng maayos ang mga mukha ng taong malapit sa akin at ang tangging ilaw laman na nakikita ko ay ang makukulay at magalaw na ilaw kung saan ito ang nag bibigay buhay sa bar na ito
patuloy ko lamang tinutungga ang boteng hawak hawak ko saka ako sumayaw ng sumay na parang walang nakakakita
wala akong pake sa nang yayari ngayong gabi dahil nilamon na ng alak ang sistema ko hanggang sa may maskuladong lalaki ang lumapit sa akin saka niya ipinalupot ang kaniyang braso sa bewang ko
" Hey Baby girl "
Mapang akit na sabi nito sa akin habang sumasabay sa mga galaw ko at nakipag sayaw naman sa akin kaya nakipag sayaw na lamang ako sa kaniya
Maingay
Magulo
Madilim
ayan lamang ang nangyayari rito sa bar tuwing gabi
Habang ang iba naman ay nag papasahan na ng droga sa sa kani kanilang kaibigan at ang iba naman ay sumisinghot na upang mawala sa katinuan
halos lahat ay nawawala na sa katinuan sa oras na suminghot na sila
hindi ako sigurado sa mga nangyayari pero isa lang ang nasisiguro ko at yun ay napaka wild ng gabing ito
Ako si Blaire Santos at anak ako ng isa sa pinaka mayamang tao sa Pilipinas
Wala akong ginawa kundi ang mag saya at mag lustay ng perang kinikita ng aking ama galing sa kaniyang kumpanya at sa pakikipag transaksyon na rin sa mga Drug dealers
BINABASA MO ANG
Trouble Maker (COMPLETED)
AcciónIto ay kwento tungkol sa isang serial killer na walang choice kundi ang pumatay dahil sa kahirapan at sa utang na loob na rin at mag babago ang buhay niya nung nakilala niya ang anak ng boss niya na napaka bratinela. Mula sa pagiging serial killer a...