Chapter 9

23 4 0
                                    

AIDEN'S POV

Kasabay ng pag hinto ng sasakyan ang pag mulat ng mata ko, agad akong bumaba sa sasakyan upang pag buksan ng pinto si Blaire ngunit na unahan ako ng isang guard

pag labas ni Blaire ng sasakyan ay agad siyang kumapit sa mga braso ko saka ako nginitian

inintay pa namin sila boss maka labas ng sasakyan saka kami nag lakad sa likod nila

gaya ng lagi kong napupuntuhan pag gantong event ay kadalasang mayayaman at mga drug lords ang nandito

kaya nag set ng gantong event ay para makipag palitan ng mga pera at droga ang mga ibang negosyante

sa pag kakaalam ko ay ngayon lang isinama si Blaire sa gantong event dahil hindi ko siya nakikita tuwing may ganto noon

Mistulang kastila ang itsura ng mataas na building na ito habang napapalibutan ng mga palamuting mga fairy lights

Maihahalintulad mo ito sa isang palasyong puno ng nag nining ningang ilaw tuwing may pag titipon ang mga may matataas na posisyon

na unang mag lakad sila boss habang nasa likod naman kaming dalawa ni Blaire

binukas ng mga guard ang napaka laking pinto para sa aming apat at pag bukas nito ay halos lahat naka tingin sa amin at nag palakpakan

May malaking chandelier na nakaagaw ng pansin naming dalawa ni Blaire na tila nag bibigay ng ilaw sa buong lugar

pag pasok namin sa loob ay kaniya kaniyang kamayan na sila kay boss habang may nag guide naman samin ni Blaire kung saan kami uupo

may mga onting seremonyas na naganap hanggang sa si Boss na ang nag salita

" attention everyone, i would like you to meet my one and only Daughter, Blaire Santos "

Masayang sabi ni Boss saka naman nag palakpakan ang mga tao at inalalayan ko si Blaire pa punta sa maliit na stage at kita mo sa mata niya ang saya na ipinakilala siya ng sarili niyang ama

*takka takka takka takka takka takkatakka takka takkatakka takka takka*

at sa isang iglap lang ay nagka gulo na at namatay ang lahat ng ilaw kaya agad agad kong inilabas ang baril ko at pinuntahan agad sila Boss at Blaire ngunit wala na sila sa lugar kung saan ko sila huling nakita

halos manlamig ako

agad ko silang hinanap nung makarinig ako ng pamilyar na sigaw kaya naman sinundan ko iyon at palabas iyon

nakita ko pang pumipiglas ang anyo ng babae at nasisiguro kong si blaire yun kaya dali dali kong pinaputukan ang mga armadong lalaki sa ulo mismo nila

Sa sobrang gulat nila ay yung iba itinakbo na si Blaire kaya mas patuloy ko silang pinaputukan

Iisa na lamang ang natitira sa kanila at yun ay ang may hawak hawak kay blaire

Ipinang harang niya si Blaire saka naman niya tinutukan ito ng baril sa sintido

" hindi mo gugustuhing mamatay itong pinaka mamahal mong girlfriend "

Napa ngisi ako sa sinabi niya habang pinag mamasdan ko naman ang kamay niya kung saan hawak niya ang baril, nanginginig

" ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo nito "

Pananakot nito sa akin kaya naman nginitian ko na lamang siya saka umastang ibababa ang baril

-----

BLAIRE'S POV

Kasabay ng pag putok ng baril ni Aiden ay ang pag takas ko sa braso ng lalaking tumutok sa akin ng baril

Wala akong ibang nakikita kundi si Aiden habang tumatakbo ako pa punta sa kaniya nung bigla kong naramdaman ang pag tagos ng isang bala sa tagiliran ko dahilan para mamanhid ang buong katawan ko Nandilim ang paningin ko at ang naramdaman ko na lamang ay ang pag bagsak ko sa sahig

" blaireeee giiiirl gising na "

Ang nakaka iritang boses na gumising sa akin

Tatayo na sana ako nung naramdaman ko ang pag sakit ng tagiliran ko

" oh giiiirl mamaya kana bumangon ohhh fresh pa sugat mo "

Nag aalalang sabi ni Kyle kaya naman inirapan ko na lamang siya

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at hindi ko makita si Aiden

" asan si Aiden? "

Inis na tanong ko kay Kyle at umupo naman siya sa sofa sa kwarto at umirap sa akin

" nako girl ah ako unang nakita mo pero iba hinahanap mo nako nako "

Inis at maarteng sabi nito sa akin kaya naman inirapan ko ulit siya

" hindi ko alam girl huling kita ko lang sakaniya eh nung dinala ka niya dito sa may hospital tapos ayun d ko na ulit siya nakita "

Dagdag na sabi pa nito

" ilang araw na ba ako dito? "

Takang tanong ko kay kyle

" nako girl 3 days kang tulog ah tinalo mo pa beauty sleep ko "

Pag sagot nito sa tanong ko kasabay ng pag bukas ng pinto at iniluwa nito si Adiona na may dala dalang pagkain

" oh gising kana pala eh eto bumili ako ng pagkain "

Naka ngiting sabi ni Addy saka naman niya inihain ang mga pagkain sa harap ko

" kumain ka para mabawi mo ang lakas mo "

Sabi niyo sa akin at sumunod naman ako sakaniya

Lumipas ang ilang oras ay puro lang sa panonood ng tv at pag hihintay kay Aiden ang ginawa ko nung dumalaw si daddy

" daddy "

" anak "

Masayang bati ko kay daddy

" giiirl labas muna kami ah? Tito labas po muna kami "

Singit ni Kyle kaya naman tumango na lamang ako saka sila lumabas ni Addy sa room ko

" kamusta kana anak? "

" dad asan si Aiden? "

Imbis na sumagot ay tinanong ko kaagad kay Daddy kung nasaan si Aiden

" tinanggal ko na siya sa trabaho niya "

Malamig na sabi ni daddy dahilan para mapa kunot ang noo ko

" what?! Bakit dad?! "

" hindi niya nagawa ang trabaho niya "

" what?! Ayoko! Ibalik niyo siya dad! "

Galit na sigaw ko kay daddy at napa buntong hininga na lamang siya

" hanggat hindi niyo binabalik si Aiden hindi ako kakain! "

Inis na sabi ko kay dad saka siya inirapan

" c'mon princess hindi ka nga niya na protektahan eh ano pang silbi nun? "

Inis na sabi ni daddy pero hindi ko lang siya pinapansin at nakatutok lang ang mata ko sa tv

" ok fine susubukan kong ibalik siya "

Pag buntong hininga ni daddy saka ko lang siya tinignan

" but for now si secretary kim na muna ang mag aasikaso sayo, mamaya ay pwede kanang umuwi sa bahay mo, dadaanan kana lang ni secretary kim mamaya para sunduin "

Pag papaliwanag ni daddy saka na siya tumalikod at umalis na sa room ko

Hindi ko alam ang nararamdamang inis ko kay Aiden dahil iniwan niya ko kaya naman inubos ko na lang yung oras ko sa panonood ng mga movies


Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon