BLAIRE'S POV
Halos biyakin yung ulo ko sa sobrang sakit nung pagka gising ko at inalala ang mga nangyari kagabi
" SHIT! "
Halos atakihin ako sa puso nung nakita ko si Secretary Kim sa gilid ng kama ko
" gosh! ginulat mo ko "
inis na sabi ko rito at napa ngiti naman ito
Maayos ang porma ng buhok ni Scretary Kim at maskulado ito, singkit na mata, matangos na ilong, manipis na labi, perfect jawline, maputi
Koreano si Secretary Kim pero dito siya sa pinas lumaki kaya naman marunong siyang mag tagalog
" Ma'am, pinapabigay ni Sir "
pormal nasabi nito sa akinkaya naman tumango ako sakaniya saka ko kinuha yung invitation na ibinigay sa akin ni Secretary Kim
" ipapadala na lamang po ang iyong gown at ang tuxedo ng iyong body guard mamayang alas tres ng hapon at ang inyong ama na mismo ang susundo sa inyo "
pormal na sabi nito sa akin at tumango naman ako saka siya umalis na sa kwarto ko
6:00pm mag sisimula ang party at cruise ship formal party ito
every year toh nagaganap at sigurado akong nandun ang mga business partners ni daddy at sigurado ako na nandun din sila Kyle at Adiona dahil mag business partner ang parents namin
napa higa ulit ako sa kama ko saka ako nag text ng mag aayos sa akin at 2:00pm ko sila pina punta
1:00pm na pala, ang haba ng tulog ko
agad na akong bumangon mula sa kama ko saka ako dumiretso sa cr at naligo na agad
pag tapos ko maligo ay bumaba na ako at naabutan ko naman don si Aiden na nanonood ng tv
hinayaan ko na lamang siya at dumiretso na lang sa kusina nung nakita kong naka ready na sa lamesa ang pagkain ko
" buti nagising kapa "
sarkastikong sabi sa akin ni Aiden saka umupo sa harapan ng inupuan ko kaya inirapan ko siya
" kung mang bu bwiset ka wag ngayon ok? "
inis na sabi ko sakaniya saka nag tuloy na sa pag kain
" ready kana mamaya? "
tanong nito sa akin at tumango naman ako sakaniya
" wag kang hihiwalay sa tabi ko "
ma otoridad na sabi niya saakin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay
" at sino ka naman para sabihin sa akin yan huh? "
inis na tanong ko sakaniya
" delikado ang lugar na pupuntahan natin "
" anong delikado dun? party ang pupuntahan natin at hindi gera okay? "
" kahit saang lugar, basta mayaman ka ay delikado "
" hay ewan ko sayo, napaka oa mo! kaya ko sarili ko okay? tss "
" basta wag kang aalis sa tabi ko "
" hindi bat trabaho mo iyon? ang wag umalis sa tabi ko? tss "
" sinisigurado ko lang ang kaligtasan mo "
" hindi ako mapapahamak don okay? event yun ni daddy, imposibleng may maka pasok na kaaway dun ni daddy saka sigurado akong madaming body guards dun si daddy kaya wag kana sumabat at kakain na ko okay? "
pag tatapos ko sa pag tatalo namin at tumango na lamang siya
pag tapos kong kumain ay pumunta muna ako sa sala at nanood ng movie kasama si Aiden nung may narinig kaming nag doorbell
" ako na "
sabi ni Aiden kaya tumango na lang ako at sinundan ng tingin si Aiden pa punta sa may pinto saka niya ito binuksan
" ayyy! hello fafs! "
malanding sabi ng tatlong bakla na alam kong mag aayos sa akin
" papasukin mo sila "
sabi ko kay Aiden saka naman niya ito pinapasok
" hello mamsh! ayusan kana namin ha? "
sabi nung isang bakla saka ko naman sila tinanguan at umakyat na sa kwarto ko
yung isang bakla ay ang nag me make up sa akin at yung sa naman ang nag aayos sa buhok ko at yung isa ay sa taga manicure
nag p-phone lang ako habang inaayusan nila ako at halos isang oras lang ay natapos na nila akong ayusan
" ayan mamsh! bongga! ang ganda ganda mo "
napapapalakpak na sabi ng isang bakla
kaibigan sila ni Kyle kaya naman pinag kakatiwalaan ko sila at pag may event ay sila ang nag aayos sa akin
" sige mamsh gora na kami at aayusan pa namin si Baklitang Kyle "
sabi naman nung isa at tumango ako sakanila
" ipapasok ko na lang sa account niyyo yung bayad "
naka ngiting sabi ko sakanila at tumango naman sila saka na umalis
pag alis nila ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin
hindi masyadong makapal ang make up ko pero alam kong bagay sa akin
napa tingin ako sa pinto nung biglang pumasok si Aiden
nagka titigan pa kami ng ilang segundo at ako na mismo ang umiwas ng tingin
" ma'am nandito na yung gown niyo "
sabi nito saka inilapag sa kama ko yung malaking box
" mag bihis kana rin at baka pumunta na sila dad "
sabi ko sakaniya saka naman siya tumango at lumabas na sa kwarto ko
agad kong binuksan yung box at tinignan yung gown na pinadala sa akin, sigurado ako ay si Tita ang namili nung gown
nude silk gown ang gown na toh at may slit din
agad ko na itong sinuot at nag suot na rin ako ng heels na babagay sa kulay ng gown ko nung may kumatok sa pinto ko kaya pumunta ako dun para buksan at bumungad sa akin si Aiden
black and nude tuxedo ang suot niya kaya nababagay ito sa suot ko
" nanjan na yung daddy mo "
sabi nito sa akin at tumango naman ako sakaniya nung pinorma niya ang braso niya kaya naman kumapit ako rito at sabay kaming bumaba at gaya ng sinabi niya ay nandun si Daddy saka si Tita
" wow ang ganda mo blaire, bagay na bagay sayo yung gown "
naka ngiting sabi ni Tita kaya naman nginitian ko siya
" let's go? "
tanong ni daddy at tumango naman kami saka kami sabay na pumunta sa elevator at pag baba sa parking lot ko ay ang daming body guard ang naka palibot sa dalawang sasakyan na color black
sa unang sasakyan sumakay si dad, tita at secretary Kim habang sa pangalawang sasakyan naman kami ni Aiden
magkatabi kami ni Aiden sa backseat dahil may driver na at isang body guard sa front seat at nag simula ng umandar ang sasakyan
BINABASA MO ANG
Trouble Maker (COMPLETED)
AksiIto ay kwento tungkol sa isang serial killer na walang choice kundi ang pumatay dahil sa kahirapan at sa utang na loob na rin at mag babago ang buhay niya nung nakilala niya ang anak ng boss niya na napaka bratinela. Mula sa pagiging serial killer a...