Chapter 12

18 3 0
                                    

AIDEN'S POV

Habang nag lalakad kami ni aiden ay may nakita akong anino ng mga tao pa punta sa amin kaya naman nag madali akong mag hanap ng mapag tataguan hanggang sa naka kita ako ng kwarto ulit at agad kong dinala si Blaire doon

" Aiden ano ba--- "

" ssshhh "

Pag papatahimik ko sa kaniya dahil baka marinig kami ng mga kalaban

Alam kong si Blaire ang hanap ng mga ito kaya naman pumuslit ako sa barko na ito para protektahan si Blaire

- Flashback... -

" wala kang kwenta! "

Galit na sigaw ni boss pagka suntok niya sa akin

" trabaho mong bantayan si Blaire at protektahan pero hindi mo nagawa! "

Galit parin na sigaw ni boss at sinuntok naman ako sa tiyan dahilan para mang hina ako at mapa luhod

" tanggal kana sa organisasyon na ito! "

Sigaw ni boss at pinag tulungan na ako ng mga tauhan ni boss dahilan para mapa higa ako sa simento hanggang sa mag sawa na sila at kita ko ang anino ni boss na paalis na kasama ang mga tauhan niya

Habang ako ay naiwang sugatan at hinang hina sa abandunadong lugar

Nung maka ipon ako ng lakas ay bumangon na ako at dumiretso na lamang ako sa bahay ko at ginamot ang sarili

Ilang araw na akong hindi nag papakita kay Blaire dahil baka mas lalong lumala ang galit ni boss sa akin

Binabantayan ko parin si Blaire ang pinag kaibahan nga lang ay binabantayan ko siya sa malayuan at sinisigurado kong hindi niya ako makikita

Alam ko namang hindi ko na trabaho ang bantayan si Blaire pero hindi ko mapigilan dahil alam kong wala siyang pake sa paligid niya at malaki ang chance na mapahamak nanaman siya

Habang binabantayan ko si Blaire sa Club ay may napansin akong nag mamasid din sakaniya kaya naman sinuri ko ito at nung napansin naman ako nito ay agad siyang tumakbo kaya naman sinundan ko kaagad siya

Mabilis itong tumakbo pero naabutan ko parin siya saka ko siya tinutukan ng baril at sinigurado kong hindi niya ako matatakasan

" anong kailangan mo sakaniya?! "

Galit na tanong ko rito at kita ko naman ang panginginig sa kanyang kamay

" napag utusan lang ako "

Takot na sagot nito sa akin

" sinong umutos sayo?! "

Sigaw ko rito

" si Mr. Villa--- "

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya at agad ko na siyang pinaputukan ng baril sa ulo niya at naka silencer naman ako kaya walang naka rinig ng putok ng baril ko

Hindi pa niya natatapos ang pangalan ay kilala ko na kung sino ang nag utos, ang matinding kalaban ni Boss

Umalis na agad ako at binalikan si Blaire sa club ngunit wala na siya sa table nila kaya naman sinubukan ko na siyang hanapin sa ibang parte ng club at nakita ko naman na siya sa dance floor

Halos man dilim ang paningin ko nung nakita ko siyang nakikipag sayaw sa iba kaya naman agad akong pumunta sakaniya at binuhat siya na parang sako

Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon