Chapter 13

21 4 0
                                    

AIDEN'S POV

Pag gising ko ay napag tanto kong nasa ospital ako

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa makita ko si Blaire na natutulog sa sofa

Tatayo na sana ako kaso biglang kumirot ang tagiliran ko, nabaril nga pala ako

' pero sino ang nag ligtas sa amin ni Blaire? Sila boss? '

Napa inda ako sa kirot dahilan para magising si Blaire

" Aiden, sa wakas gising kana "

Mangiyak ngiyak na sabi nito sa akin dahilan para matawa ako

" haha teka bakit ka umiiyak jan? "

Natatawang tanong ko sakaniya dahilan para mainis siya sa akin at hampasin ang tagiliran ko kaya napa sigaw ako sa sakit

" ARAY! "

Inis na sigaw ko sakaniya saka naman niya ako tinarayan

" nag aalala na nga sayo yung tao tapos tatawanan mo pa! Akala mo ba hindi ako kinabahan nung bumulagta kana nung mga oras na yon ha?! Akala mo ba hindi ako natakot ha?! Tapos ilang araw ka pang tulog jan! Akala ko hindi kana gigising! Tapos pag gising mo pa tatawanan mo lang ako ha?! "

Umiiyak na sabi nito sa akin dahilan para naman maawa ako sakaniya

" tahan na binibiro lang naman kita "

Sabi ko sakaniya saka siya dahan dahang hinila pa punta sa akin at niyakap kasabay ng pag hagod ko sa likod niya

" nakakainis ka naman kase eh huhuhu akala ko katapusan ko na nung oras na yun akala ko d kana gigising huhuhu "

Iyak na sabi niya at naramdaman ko ang basa sa dibdib ko ng dahil sa luha niya

" tahan na, sorry na oh "

Pag papatahan ko sakaniya at umiyak lang naman siya kaya hinayaan ko na lamang na ilabas niya yung sama ng loob niya sa akin

Maya maya ay tumahan na din si Blaire kaya naman pinunasan ko na ang mga luha niya at pinakalma siya

" wag kanang umiyak, tandaan mo mahirap patayin ang masamang damo haha "

Pag bibiro ko sakaniya dahilan para mapatawa naman siya

" puro ka kalokohan "

Natatawang sabi niya sa akin at napa ngiti naman ako nung nasilayan ko ulit yung mga tawa niyang matagal kong hindi nasilayan

" yan bagay sayo yung tumatawa, mas gumaganda ka "

Nakangiting sabi ko sakaniya ng hindi ko namamalayan kaya't nabigla rin ako

" talaga maganda ako? "

Mapang asar na tanong niya sa akin dahilan para matawa naman ako

" oo naman ikaw ang pinaka maganda sa mga panget "

Natatawa kong asar sakaniya dahilan para tarayan nanaman niya ko kaya naman natawa na lang ako sakaniya

" nakaka tawa yon ha? "

Inis na sabi niya sa akin at tumango naman ako habang tumatawa

Natigil ang asaran namin nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mrs. Santos

" oh Aiden gising kana pala, ilang araw nang umiiyak si Blaire dahil sayo "

Naka ngiti namang sabi ni Mrs. Santos dahilan para mapangiti ako

' so nag alala talaga siya sakin? '

" talaga po Mrs. Santos? "

Naka ngiti kong tanong sakaniya at tumango naman si Mrs. Santos

Kasabay ng pag pasok ni Mrs. Santos ang pag pasok ng isa sa mga body guard ni Boss na may dala dalang pagkain

" o sige kumain kana muna para mabawi mo yung lakas mo "

Naka ngiting sabi ni Mrs. Santos saka na siya nag handa ng makakain namin

Habang kumakain ay nanood din kami ng movies

Magkatabi kami ni Blaire sa higaan habang si Mrs. Santos naman ay nasa upuan lamang at nag p-phone lamang

" ang astig niya noh? "

Tanong ko kay Blaire dahil ang astig makipag laban nung bida

Pag tingin ko sakaniya ay nakatulog na pala siya kaya naman napa ngiti na lamang ako at inayos ang higa niya

" tulog na ba si Blaire? "

Tanong ni Mrs. Santos saka tumigil sa pag gamit ng phone at lumapit sa amin

" alam mo doon ko lang nakitang lumaban si Blaire "

Naka ngiting sabi ni Mrs. Santos sa akin dahilan para mapa kunot ang noo ko

" lumaban po saan? "

Takang tanong ko rito

" nung nagkagulo hinanap agad ng boss mo si Blaire sobrang alala ko nun para kay Blaire hanggang sa na ubos ng mga tauhan ng boss mo ang mga kalaban sa loob at bigla na lamang kaming naka rinig ng putok ng baril sa labas ng cruise ship kaya naman agad na pinuntahan namin ng boss mo at ng mga tauhan niya yon at nakita namin kung paano makipag laban si Blaire sa mga kalaban habang nakita ka naman naming naka halandusay na sa sahig, nagulat na nga lang ako dahil ang alam ko ay sinesante ka ng boss mo hanggang sa naubusan ng bala si blaire at saktong may isa pa siyang kalaban na natitira kaya ang tauhan na ng boss mo ang bumaril doon buti na nga lang ay tinuruan siya ng boss mo noong bata pa niya kung paano makipag laban at nagulat na lamang kami nung umiyak si blaire ng dahil sayo. Nung na ospital ka nga ay halos hindi na siya umaalis dito dahil hinihintay niya ang pag gising mo "

Mahabang kwento ni Mrs. Santos dahilan para hindi ko malamang ang sasabihin ko kaya natahimik na lamang ako nung may narinig kaming tunog ng phone

" o sige baka hinahanap na ako ng boss mo, mag iingat kayo rito ah "

Naka ngiting sabi ni Mrs. Santos dahilan saka siya umalis na agad

Napatingin ako sa natutulog na si Blaire

' totoo ba lahat ng narinig ko? Hindi ako maka paniwalang ganun ka pala Blaire. Bakit ganun kana lamang kung mag alala sa akin? Hindi kaya..'

Napa iling ako sa naiisip ko

" hindi pwede, boss ko siya tauhan lang niya ko "

Umiiling na sabi ko sa sarili ko

" anong hindi pwede Aiden? "

Halos ma estatwa ako nung makita kong kaka gising lamang ni Blaire at inaatok pa habang nag tatanong sa akin

" Aiden? Anong hindi pwede? "

Ulit niya sa tanong niya saka pa nag unat unat

" ha? Wala wala "

Hindi ko alam ang isasagot ko sakaniya dahil ako nga lang ay hindi ko alam kung bakit na isip ko ang bagay na yun dahil malabo talagang mangyari yon malabong malabo talaga yun

Kahit na sa sarili ko ay napapa tanong ako kung bakit ganun din ako mag alala sakaniya

Hindi ko rin ma intindihan ang sarili ko pero alam ko na

Alam ko mismo sa sarili kong nagugustuhan ko na siya ...


Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon