BLAIRE'S POV
" Blaire, gising na umaga na "
Pag gising sa akin ni tita Janice, naka tulog pala ako sa kakaiyak kagabi
Halos buong araw akong hindi kumain at naka kulong lang sa kwarto dahil sa nangyari
" kakain na tayo ng breakfast "
Naka ngiting sabi ni tita Janice sa akin
" ayoko "
Walang ganang sabi ko rito saka ulit nag taklob ng kumot
" Blaire sige na kahit onti lang "
Pakikiusap ni tita pero hindi ko lang siya pinansin
" Blaire, alam kong nahihirapan ka pero maski ako hindi ko makumbinse ang daddy mo "
Sabi ni tita sa akin
" at eto nga pala ang pinapabigay sa akin ni Aiden "
Sabi ni tita dahilan para bumangon ako at tignan kung ano iyon
Isang kwintas
" bago siya umalis ay pinabigay niya sa akin ito, galing pa ito sa mama niyang pumanaw na kaya ingatan mo raw ito "
Sabi ni tita sa akin dahilan para maluha nanaman ako
" wala din siyang magawa sa desisyon ng daddy mo nung gabing yun, gustuhin man niyang ipag laban ngunit hindi niya kaya "
Pag ku kwento sa akin ni tita Janice
" tita anong gagawin ko "
Umiiyak na sabi ko kay tita saka naman niya ako niyakap
" hindi ko rin alam Blaire, hindi ko kayang kalabanin ang daddy mo "
Sabi ni tita sa akin at umiyak lang ako ng umiyak
" Blaire iha sige na oh kumain kana "
Pakiusap ni tita sa akin at tumango an lamang ako saka ako dumiretso sa cr para mag hilamos
Pag labas ko ng cr ay agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Aiden
[ To: Aiden
Aiden please tulungan mo ko ]
Naiiyak na ako dahil walang reply, sinubukan ko namang tawagan ngunit hindi rin niya sinasagot
" Blaire? Tapos ka na ba? "
Sabi ni tita Janice sa akin at tumango naman ako sakaniya
Bumaba kami ni tita at naka kapit lang ako sa braso niya na parang batang takot na takot
Pag baba namin ay pumunta kami sa restaurant at don ko nakita ang pamilya ni Cross saka si daddy
" oh nandito na pala sila eh "
Sabi ni Mr. Montever habang naka tingin sa amin dahilan para mapatingin din sila daddy sa amin ni tita
" ma upo na kayo "
Ma otoridad na sabi ni daddy kaya naman umupo na kami at nanatiling naka kapit ako kay tita Janice
" mabuti naman at naisipan mong kumain iha "
Pamamlastik na sabi ng mom ni Cross sa akin at hindi ko naman siya pinansin
" about sa wedding niyo ni Cross, wala ka nang dapat alalahanin dahil ako na ang nag asikaso ng lahat "
Sabi pa nito sa akin at gaya ng ginagawa ko ay hindi ko siya pinansin
" ahaha mukha atang na bingi ang anak mo Mr. Santos at tila hindi ata ako naririnig "
Natatawa pang sabi nito kay daddy ngunit hindi ako nag patinag, hindi ko parin sila pinapansin at patuloy lang sa pagkain
Halos buong oras na kumakain kami ay tungkol sa wedding ang pinag uusapan nila at wala akong pake doon
Pag tapos kong kumain ay tumayo na agad ako at akmang aalis ngunit hinarangan ako ng body guard ni daddy
" saan ka pupunta? "
Sabi pa ni daddy sa akin dahilan para mag init ang ulo ko
" mag papahangin! Ang init dito eh, puro kase demonyo ang mga tao dito "
Inis na sabi ko sakanila at umalma pa ang mommy ni Cross ngunit hindi ko na siya pinansin
Sinenyasan ni daddy ang mga body guard niya saka naman na ako hinayaan nitong makaalis
Nag lakad na lamang ako sa dalampasigan at dinama ang simoy ng hangin
Naiiyak nanaman ako, tinignan ko ang ibinigay sa akin ni Aiden at saka ko naman na ito sinuot
" i miss you "
Iyan na lamang ang nasabi ko saka umupo sa puting buhangin sa isla
Pinag mamasdan ang mapayapang dagat
Napa yakap na lamang ako sa tuhod ko at muling nag ba badyang tumulo ang luha ko ngunit pinipigilan ko ito
" Blaire? Mag impake na tayo at aalis na tayo dito mamaya "
Napa tingin ako kay Tita Janice at tumango na lamang
Bumalik ako sa room namin at nag simula nang mag impake ulit ng mga gamit nung biglang tumunog ang phone ko kaya naman agad ko itong kinuha at sinagot
" giiirl sorry girl pinaalis na din kase kami ni tito nung gabing yon girl, ok ka lang ba? Nabalitaan ko kila mommy ang nangyari "
Bungad sa akin ni Kyle
" oum ok lang yun "
Kalmadong sabi ko pa sakaniya
" so anong balak mo girl? Ano mag papakasal ka talaga sa Cross na yun? "
Tanong pa nito sa akin
" hindi, hinding hindi mangyayare yun "
Sabi ko rito
" sino yang kausap mo? "
Agad akong napalingon kay daddy saka ko pinatay ang phone ko
" Blaire, sino ang kausap mo? "
Sabi pa ulit ni daddy ngunit hindi ko siya sinasagot at itinatago ko ang phone ko sa likudan ko ngunit kinuha niya ang kamay ko saka niya hinablot ang phone ko
" hindi ka makaka hawak ng phone hanggat hindi pa tapos ang kasal "
Maitoridad na sabi ni daddy saka na umalis daladala ang phone ko
Napa upo na lamang ako sa kama at sobrang hinang hina ako sa nangyayare
Maka lipas ang ilang oras ay sinundo na ako ni tita Janice dahil nanjan na ang sasakyan namin kaya naman lumabas na din ako sa kwaro at naka harap ko nanaman ang pamilya ni Cross
Sumakay na muna kami ng yate paalis ng isla at ang tanging ginawa ko lamang ay ang pag masdan ang dagat
Wala parin akong kinakausap sa kanila maliban na lamang kay tita Janice
Ilang oras pa ay kinailangan naman naming sumakay ng eroplano pabalik at ang tanging ginawa ko naman doon ay ang pag masdan ang mga ulap
Hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa kasal na binabalak nila at hindi ko nga alam kung makakatakas ba ako
Hinding hindi ako papayag na ikasal sa gagong yon at gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal kahit na ikamatay ko pa iyon
Dahil alam kong mas magiging impyerno ang buhay ko sa oras na ikasal ako kay Cross
BINABASA MO ANG
Trouble Maker (COMPLETED)
AcciónIto ay kwento tungkol sa isang serial killer na walang choice kundi ang pumatay dahil sa kahirapan at sa utang na loob na rin at mag babago ang buhay niya nung nakilala niya ang anak ng boss niya na napaka bratinela. Mula sa pagiging serial killer a...