BLAIRE'S POV
Pag gising ko ay bumungad sa akin ang simple ngunit napaka gandang gown at sa tabi ko ay nakahanda na ang breakfast ko at may sulat dito kaya naman inuna kong bukasn ang sobra at binasa ang naka sulat roon
To: Ms. Santos soon to be Mrs. Dela Cruz
Good Morning Baby Girl, kumain kana muna ng breakfast mo bago ka mag asikaso para sa kasal natin. Patawad kung ganitong kasal lang ang mabibigay ko sayo dahil hindi naman ako ganun kayaman.
Ito ang pinaka hinihintay kong araw sa buong buhay ko, aaminin ko na sa simula ay naiinis ako sayo ngunit hindi ko inaakalang ang kinaiinisan ko ay ang mamahalin ko ng sobra sobra
Alam kong nasaktan ka nung mga oras na bigla bigla na lamang akong nag lalaho na parang bula at patawad sa nagawa kong iyon, nung mga panahong iyon ay hindi pa kita kayang ipag laban kay Boss dahil napaka laki ng utang na loob ko sakaniya pero ngayon hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo dahil ipag lalaban na kita kahit pa buhay ko ang naka salalay rito
Blaire Santos, You have no idea how much I love you. Thank you dahil pumayag kang mag pakasal sa akin at pinapangako kong aalagaan kita hanggang sa pumiti na ang mga buhok natin at kumulubot na ang balat natin
Love, Mr. Dela Cruz
Sobra akong na touch sa nabasa ko at ramdam ko na rin ang pamamasa ng mga mata ko
Pumunta muna ako sa cr para mag hilamos at mag toothbrush saka naman ako nanalamin at tinitigan ang itsura sa salamin habang nag susuklay ng buhok
Kumain na ako ng breakfast at pag tapos nun ay naligo na ako
Pag tapos kong maligo ay ako na mismo ang nag ayos sa sarili ko
Nag pulbos lamang ako at buti na lamang ay nakahanap ako ng lipstick kaya nilagyan ko ng onti ang aking labi
Hinayaan ko lamang nakalugay ang aking buhok at ngayon ko lang napag tanto na may flower crown pala dito na puti kaya isinuot ko yun
Tinitigan ko muna ang gown ko, simpleng gown lamang ito pero para sakin ay napaka ganda nito
Nung masuot ko na ang gown ko ay may kumatok sa pinto kaya naman tumingin muna ako sa salamin kung maayos na ang itsura ko saka ko binuksan ang pinto
" Aide--- "
Akala ko si Aiden ngunit mali pala ako
Isang maskuladong lalaki at brown ang buhok habang singkit ang mata na may matangos na ilong at magandang hulma ng labi at may jawline pa ang bumungad sa akin
Napa kunot ako ng noo
" sino ka? "
Takang tanong ko rito at ngumiti siya sa akin
" isa ako sa matalik na kaibigan ni Aiden, Ken Fuentes "
Sabi nito sa akin saka inabot ang kamay para makipag shake hands ngunit tinitigan ko lamang iyon
" pano ko masisigurong kaibigan ka talaga niya? "
Tinaasan ko pa ito ng kilay at inilabas niya ang phone niya saka may tinawagan na number
" Pre gago ka hindi mo man lang ako pinakilala sa magiging asawa mo, nag dududa tuloy sakin "
Sabi nito sa kausap niya sa telepono habang naka kunit ang noo
" gusto ka daw niya makausap "
Sabi pa nito sa akin saka ibinigay ang phone niya kaya naman kinuha ko iyon
" Hello? "
Sabi ko at narinig ko naman ang pamilyar na boses
" Blaire, Baby girl ako toh, He's my friend, Ken. Kakabalik lang niya dito sa pinas kagabi para maging witness sa kasal natin "
Pag papaliwanag nito sa akin at hindi parin ako kumbinsido sa sinabi niya
" pano ko nasisigurong ikaw nga si Aiden?! "
Tanong ko rito at rinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabilang telepono na tila naiinis na
" nang yari yung first kiss natin sa pool mo "
Walang pakundangang sabi nito dahilan para mamula ang pisngi ko
" ano anniniwala kana? Tss "
Inis na sabi nito
" oo na bye! "
Sabi ko rito saka ibinigay yung phone sa kaibigan ni Aiden
" so tara na? Kanina pa nag aantay yun sayo "
Sabi ni Ken kaya naman tumango na lamang ako at sumunod sakaniya
Lumabas na kami ng bahay at bumungad sa akin ang puting kotse na may bulaklak pa sa harapan
Pinag buksan ako ni Ken ng pinto at pag pasok ko ay ibinigay niya sa akin ang isang bouquet na puro puting rosas
Nag simula nang mag drive ang kaibigan ni Aiden at ilang minuto lang ata ang nakalipas at hininto na niya ang kotse sa harap ng maliit na kapilya at ang maganda rito ay tabi siya ng dagat
Pinag buksan ako ni Ken ng pinto at saka naman na siya nag lakad papasok sa loob ng kapilya
May pulang carpet sa gitna nito at may mga puting rosas naman ang nasa gilid ng carpet
Tanaw ko ang naka puting Suite na si Aiden sa may altar at naka ngiti ito sa akin
Apat lamang kaming tao rito Ako, Si Aiden si Ken at ang pari
Tila ako na lamang ang hinihintay kaya naman nag umpisa na akong mag lakad pa punta sa altar habang naka ngiti at naka titig kay Aiden
Hindi ko inaasahang ganito ang magiging love story ng buhay ko, tangging saya lamang ang nararamdaman ko sa oras na ito
Nung maka rating ako sa altar ay agad kinuha ni Aiden ang ang kamay saka ito inilagay sa braso niya
Ngumiti siya sa akin saka kami sabay na humarap sa pari
Nag simula nang mag salita ang pari sa aming dalawa
" i now pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride "
Pag tapos ni father sa pag sasalita ay agad akong hinalikan ni Aiden
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong mag asawa na kami ni Aiden
Hindi ko inaasahan lahat ng mga ito pero kahit na ganun ang nangyari ay napaka saya ko at si Aiden ang makakatuluyan ko
Pag tapos ng lahat ng mga pinag daanan namin ay sa wakas nagiging payapa na ulit ang buhay namin
Hindi man tanun ka bongga gaya ng naka sanayan ko ay kontento na ako dahil si Aiden ang makakasama ko hanggang sa pag tanda
BINABASA MO ANG
Trouble Maker (COMPLETED)
ActionIto ay kwento tungkol sa isang serial killer na walang choice kundi ang pumatay dahil sa kahirapan at sa utang na loob na rin at mag babago ang buhay niya nung nakilala niya ang anak ng boss niya na napaka bratinela. Mula sa pagiging serial killer a...