CROSS' POV
Pag lingon ko ay kita ko ang kinang sa mata ni Blaire at ang pagka buhay ng loob niya nung nakita niya si Aiden
Aga kong inilabas ang baril ko saka ko ito itunutok sa daddy ni Blaire dahil alam kong iyon lang ang makakapigil sa mga body guard niya
" wag na wag kayong mag kakamaling gumalaw "
Sinenyasan ko na si Secretary Kim kaya naman tinutukan ni secretary kim ng baril si dad kasabay ng pag tutok ng baril ni Tita Janice kay Mom
Nagulat naman ako nung mag labas ng baril sila Kyle , Addiona at Mark saka ito itunutok sa iilang body guard na nakatutok ang baril kay Aiden at gusto ko naman matawa nung kumindat pa si Kyle sa akin na parang sinasabing nasa panig namin sila
" Blaire, tumakas kana "
Seryosong sabi ko kay Blaire at kita ko ang pag tulo ng luha nito
- Flashback ... -
" I need your help Mr. Dela Crus "
Sabi ko sa telepono
" ano nanamang kailangan mo? Nakuha mo na sa akin si Blaire "
Galit ang tono niyo dahilan para mapa ngisi ako
" itakas mo si Blaire bukas, ise send ko sayo kung saan ang kasal at ikaw ang mag desisyon kung itatakas mo ba siya o tuluyan mo nang ibibigay sa akin si Blaire "
Sabi ko rito saka ko siya pinatayan ng telepono
Sunod na tinawagan ko kay si Secretary Kim at ipinaalam sakaniya ang posibleng mangyayare at sinunod ko naman ay si Mrs. Santos
Silang tatlo lamang ang mapapagkatiwalaan kong makakapag takas kay Blaire
Nag kita kaming tatlo nung gabing iyon saka namin pinlano ang gagawin sa oras na dumating si Aiden
- End of flashback ... -
Mahal ko si Blaire, Mahal na mahal ko siya pero kinailangan kong lokohin siya dahil utos ng mom ko, kinailangan kong patulan ang bestfriend niya para makuha ang mga ari arian nito
- Flashback ... -
" no mom hindi ko magagawa kay Blaire yun "
Inis na sabi ko kay mom dahil gusto niyang lokohin ko si Blaire
" CROSS! Babagsak na ang kumpanya natin kaya kailangan nating makuha ang mga password ng account ng pamilya ni Scarlet! Cross! Makinig ka sa akin! "
Galit na sigaw ni mom
" sa oras na hindi mo ko sundin ay hindi ako mag dadalawang isip na may magawang masama sa girlfriend mo! Kilala mo ko Cross gagawin ko ang lahat maisalba lang ang kumpanya natin kaya pag isipan mo yan "
Nakangising sabi ni mom saka na siya umalis at iniwan akong nakatunganga
Mala demonyo ang nanay ko at wala siyang takot na pumatay na kahit sino para lang sa kumpanyang pinamana sakaniya ni lolo kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya para maisalba ko si Blaire
- End of flashback ... -
Pag tapos kong gawin ang kagaguhang ginawa ko kay Blaire ay tumira na muna ako sa ibang bansa dahil sobrang hiya ako sa ginawa ko
Isipin mo niloko ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako para lang sa putanginang kumpanya na yan
Ilang taon akong kinakain ng lungkot sa ibang bansa habang ini stalk ko na lamang ang social media account niya gamit ang dummy account ko
' babalikan ko siya '
Ayan ang ipinangako ko habang nag iipon ng lakas ng loob para harapin muli si Blaire at nung dumating ang araw na yun ay umuwi ako sa pinas
Hinanap ko kaagad si Blaire ngunit huli na pala ako, may mahal na siyang iba
Napuno ng galit ang buong pagkatao ko dahil sa nalaman ko kaya naman pumayag ulit ako sa sinabi ni mom
- Flashback ... -
" anak balita ko isa sa pinaka malaking kumpanya na ang kumpanya nila Blaire "
Bungad sa akin ni mom pagka uwi ko galing bar
" hhhmm yeah "
Walang ganang sagot ko saka umupo sa kaharap na sofang inuupuan ni mom
" paano kaya kung makipag business partner tayo sa magulang niya at ikasal kayo para wala nang kawala si Blaire sa oras na patayin natin ang daddy niya ay sa atin mapupunta ang buong kayamanan nila "
Nakangiting sabi pa ni mommy dahilan para mapakunot ang noo ko
' sa oras na pumayag ako ay mapupunta sakin ulit si Blaire '
Napa ngisi ako at tumango kay mom
" yeah, sure "
- End of flashback ... -
Siguro ay nag tataka kayo kung anong nangyari pag tapos kong landiin si Scarlet
Pag tapos kong makuha ang password ng account ng pamilya ni Scarlet ay pinapatay ni mom ang buong pamilya ni Scarlet kaya sa amin napunta ang mga ari arian nila
Ganyang ganyan ang balak gawin ni mom sa pamilya ni Blaire
Ang gago ko dahil hinayaan ko pang umabot sa ganito
Ang gago ko dahil hinayaan kong ma kontrol ako ng sarili kong ina
Hindi ko ginusto ang nangyari sa pamilya ni Scarlet ngunit ayun lang ang tangging paraang para mailigas ko si Blaire sa kamay ng sarili kong iba
Hindi ko sinasadya ang pumayag sa pinlano ni mom na gawin iyon sa pamilya ni Blaire
Ang gago ko dahil sa akin nag simula ang lahat ng ito kaya nahihirapan si Blaire
Pag tapos ng pag aaway namin ni Blaire kagabi ay doon ko napag tanto lahat ng kagaguhan na ginawa ko
Doon lamang namulat ang mata ko sa lahat lahat ng pananakit na ginawa ko kay Blaire
Hindi ko sinasadya lahat ng iyon
Hindi ko ginusto lahat ng iyon
Hindi ko inaasahan na magiging ganonAko ang may kasalanan ng lahat ng toh kaya pinilit kong ayusin ulit ang ginawa kong gulo
Kung hindi ako pumayag sa plano ni mom ay hindi magiging ganto ang sitwasyon ngayon
Hindi magiging ganto ka komplikado ang sitwasyon ni Blaire ngayon
Alam kong mali ang mga nagawa ko pero kasalanan ko bang nabulag ako sa pag mamahal?
Ang ginusto ko lang naman nung una ay ang iligtas si Blaire at hindi ko inaasahan na mahuhuli niya kami ni Scarlet
Hanggang sa lumala ng lumala ang sitwasyon dahil patuloy lang ako sa kagaguhan ko kahit alam kong mali na ang ginagawa ko
Nag mahal lang naman ako eh, minahal ko lang si Blaire
Hindi ko alam na aabot sa ganito ang pag mamahal ko
Ngayon alam ko na at handa na akong pakawalan si Blaire dahil alam kong doon siya liligaya, doon siya sasaya
Kaya tatanggapin ko kung ano man ang mangyayari ngayon basta po protektahan ko ang babaeng mahal ko hanggat sa makakaya ko
BINABASA MO ANG
Trouble Maker (COMPLETED)
ActionIto ay kwento tungkol sa isang serial killer na walang choice kundi ang pumatay dahil sa kahirapan at sa utang na loob na rin at mag babago ang buhay niya nung nakilala niya ang anak ng boss niya na napaka bratinela. Mula sa pagiging serial killer a...