Chapter 10

22 3 0
                                    

BLAIRE'S POV

Lumipas ang mga araw, medyo ok na ako pero wala parin si Aiden

Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi talaga ako maka hanap ng information tungkol sakaniya

Kung saan siya naka tira or kung may family pa ba siya

" ano girl? Bakit ba kase hanap ka pa ng hanap kay fafa Aiden? Baka wala na talaga yun "

Sabi sa akin ni Kyle habang nag aayos ng make up niya sa salamin

" gusto mo ikaw yung sumunod na mawala at hindi na maka balik ha?! "

Inis na sigaw ko kay Kyle kaya naman nag make face ito

" grabe girl ah mas sumungit ka nung nawala si fafa Aiden "

Maarteng sabi nito sa akin saka ko na lang siya inirapan

Nung matapos mag ayos si Kyle ng make up ay lumabas na kami sa kwarto ko at dumiretso sa parking lot saka na kami pumunta sa bagong bukas na club malapit sa penthouse ko

Pagka rating namin ay sinalubong kami ng mga guard at kinapkapan muna bago kami pinapasok

Pag pasok namin ay may sumalubong samin na waiter at tinuro kung saan ang table namin

Pagka upo namin sa table namin ay agad kong binuksan ang phone ko para i text ulit si Aiden, umaasa na mag reply siya

" uyyy girl ano nasa club tayo para mag partttyyy hindi para mag mukmok ah?! Mamaya na yannn tara naaaa "

Pag aaya sa akin ni kyle kaya inirapan ko na lang siya

" sige na mag party kana dun, susunod na ko "

Sabi ko rito at tinarayan naman niya ko

" nako girl bahala ka jan! "

Sabi niyo saka pumunta na sa crowded na lugar para makipag sayaw kung kani kanino

Na iwan akong mag isa sa table namin habang nag aabang sa phone ko na baka may mag text o tumawag pero wala

' ano ganun ganun na lang yun? Basta basta na lang siyang mawawala? '

Umorder ako sa waiter ng beer at pagka serve na pagka serve sa akin ay tinungga ko kaagad

' bakit ko ba kase siya hinahanap?! '

' ano naman kung iniwan niya ko sa ere? Body guard ko lang naman siya '

Sa sobrang inis ko ay tinungga ko lang ng tinungga yung Beer na nasa table namin nung dumating sila adiona saka mark

" oh girl bakit mag isa ka lang jan? Asan si kyle? "

Bungad sa akin ni addy saka sila na upo ni mark sa harap ko

" nandun, sumasayaw "

Walang ganang sabi ko kay addy kaya naman napa tango na lang siya

" oh sige girl dun na muna kami ni mark ah "

Sabi nito saka na sila umalis ni mark at pumuntang dance floor

Hindi ko tinigilan ng beer na nasa harap ko hanggang sa ma ubos ko lahat ng yun at pag tayo ko ay dun ko lang naramdaman ang pagka hilo ko

Tila nilalamon na ng alak ang sistema ko at sa huling pagkakataon ay tinignan ko kung may text mula kay Aiden at halos inihagis ko na sa table namin ang phone ko at iniwan na lang yun saka pumunta sa dance floor

Hindi ko alam kung sino sino ang kasayaw ko dahil medyo madilim at disco lights lang ang nag sisilbing ilaw sa club na ito

Nagitla na lamang ako nung may bumuhat sa akin na parang sako pero masyado na akong lasing para manlaban pa rito

Tila pamilyar sa akin ang amoy ng pabango ng lalaking ito ngunit hindi ko na maalala kung kaninong pabango ito

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dala na rin ng kalasingan ko

" giiirl! Gising! "

Nakakairitang bungad nila Kyle at Addy sa umaga ko

" girl grabe ka ha! Nang iiwan ka na lang basta basta, hanap kami ng hanap sayo kagabi tapos ikaw natutulog kana pala dito "

Maarteng sabi ni Kyle saka ako inirapan

" nagulat na lang kami wala kana dun kagabi, san kaba nag pupupunta? "

Takang tanong naman ni addy habang naka upo sa tabi ko at nag p-phone

" hindi ko nga rin alam, ang natatandaan ko lang may lalaking bumuhat sa akin "

Naguguluhang sabi ko saka na ako bumangon at dumiretso sa cr para mag hilamos

" nako girl! Ikaw ah nawala lang si fafa Aiden naging play girl kanaaa "

Pang aasar ni Kyle habang nag pipigil ng tawa

Hindi ko na muna siya pinansin at tinapos ang pag hihilamos ko saka na ako bumalik sa kama ko

" tigil tigilan mo kong bakla ka "

Inis na sabi ko sakaniya saka naman sila nag tawanan ni addy

" so ibig mong sabihin hindi mo alam kung anong nangyari sa inyo nung lalaking bumuhat sayo kagabi? "

Pag uusisa pa ni Adiona habang naka titig sa akin

" wala nga akong maalala, sure ako isa lang yun sa mga body guard ni daddy "

Inis na sabi ko saka humiga ulit sa kama ko at kinuha ang phone ko

" bakit? Alam ba ng daddy mo kung nasan ka kagabi? "

Takang tanong pa ni adiona

" uh no? "

" eh pano magiging body guard yun ng daddy mo kung d niya alam kung nasaan ka? "

" kilala mo naman yun si daddy "

Nag tuloy tuloy na lamang ang kwentuhan namin at maski ako ay nag c-curious na kung sino yung lalaking yun

Pero sigurado akong body guard yun ni daddy

Habang nag ku kwentuhan kaming mag kakaibigan ay napag desisyonan naming mag luto na lang ng breakfast at umorder ng pizza

Buong magdamag lang kaming nanood ng movies, kumain at mag kwentuhan dahil gusto lang naming mag pahinga na muna dahil medyo hindi pa kami nakaka recover sa mga ininom namin kagabi, well except kay Addy na binantayan ni mark

" kayo na ba ni Mark? "

Takang tanong ko kay Addy dahilan para mabulunan siya sa pizza na kinakain niya

" hello? Nahihibang ka ba girl? Hindi noh! "

Inis na sabi niya sakin saka uminom ng softdrinks

" ahaha eh bakit defensive ka girl? Ikaw ha may hindi ka sinasabi samin "

Pang aasar ni Kyle kay addy kaya naman nag tawanan kami ni Kyle hanggang sa mapikob na lamang sa amin si Addy

Halata naman kaseng may feelings sila sa isat isa eh, sila na lang talaga yung nag de deny ng feelings nila


Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon