BLAIRE'S POV
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin nila Kyle at Addy ay biglang may kumatok sa pintuan ko kaya naman pinag buksan ito ni Kyle
" ma'am pinapabigay po ng daddy niyo "
Sabi ng body guard sa akin kasabay ng pag abot nito ng isang box sa akin at nung nakuha ko na ang box ay umalis na siya
Pag bukas ko ng box ay bumungad sa akin ang isang invitation at isang dress
" girl para saan yan "
Takang tanong ni Kyle habang binabasa ko ang invitation kasabay ng pag ring ng phone ko kaya naman sinagot ko ito
" hello dad? "
Panimula ko
" princess natanggap mo ba ang invitation? "
" yes dad "
" papasundo kita tomorrow night kay secretary kim dahil may party tayo sa isang cruise "
" okay dad "
Maikling sabi ko saka ko binaba yung phone, hindi parin kami masyadong okay ni dad dahil kay Aiden pero nag papansinan parin naman kami
" ay oo nga pala giiiirl, nabanggit na sakin yan ni mommy kahapon, wala pa kong masusuot "
Nag aalalang sabi ni Kyle
" ako meron na ako "
Sabi naman ni Addy
" buti na lang pinaalala ni titooo nako girls gogora na muna ako ha "
Nai stress na sabi ni Kyle saka na siya lumabas sa bahay ko
" ako din girl una na ako ah, may pupuntahan pa kami ni Mark ehhh "
Pahabol naman ni Addy saka na umalis
At ngayon ay ako na lang ang natira mag isa dito sa bahay
Mag gagabi na rin naman kaya ok lang sa akin
Chineck ko muna ang mga pinto saka na ako umakyat sa kama ko at natulog na din para makapag pahinga naman ako ng sapat
*CCCCCHHHHHRRRRRIIIIINNNNNGGGGGG CCCCCHHHHHRRRRRRIIIIIINNNNNGGGGG*
Nagising ako sa tunog ng phone ko
' aga aga, tumatawag '
Inis kong sinagot ang tawag
" bakit ba?! "
Inis na sigaw ko sa kabilang phone
" Blaire? Papapuntahin ko na yung mag aayos sayo for tonight kaya gumising kana "
Si tita Janice pala
" oh uhm okay "
Malamig na sabi ko saka ko binabaan ng phone si tita at tinignan ang oras
' 1:00pm na?! '
Agad akong bumangon saka na naligo dahil ano mang oras ay dadating na yung mag aayos sa akin
Inubos ko na ang time ko sa pag f-facebook nung may nag doorbell at sigurado akong yun na yung mag aayos sa akin
Hindi ako nag kamali at pinapasok ko na ang mag aayos sa akin and after 1 hr natapos na nila ang pag aayos sa akin ang kailangan na lamang ay ang isuot ko ang dress na pinadala ni daddy
Umalis na yung nag ayos sa akin at isinuot ko na rin ang dress na padala ni daddy
Medyo curl ang ayos ng hair ko at naka lugay lang ako habang sakto naman sa shade ko ang make up ko
Spaghetti Straps and maroon silky dress ang suot ko habang naka silver metalic heels naman ako at silver mix glitter stone diamante front clutch bag Naman ang dala ko
Maya maya pa ay tumawag na si daddy sa akin na nasa parking lot na daw si secretary kim kaya naman bumaba na ako at pumunta sa parking lot
Gaya ng sabi ni daddy ay nandun na si secretary kim at yung driver
Pinag buksana ako ng pinto ni secretary kim kaya naman umupo na ko sa loob ng sasakyan habang si secretary kim naman ay nasa front seat katabi ng driver
Ilang oras lang ay naka rating na kami sa pupuntahan namin at agad akong inalalayan ni secretary kim palabas ng sasakyan hanggang sa loob ng cruise
Maganda ang pagkaka design sa cruise at halatang pinag handaan itong event na toh
Sinamahan naman ako ni secretary kim hanggang sa loob ng cruise at dun ko nakita sila daddy at tita janice na nakikipag tawanan sa ibang mga special guest
" oh there she is, Mr. And Mrs. Montever i would like you to meet my daughter, Blaire Santos "
Masayang sabi ni dad habang pinapakilala ako sa magulang ni Cross na para namang hindi nila ako kilala
" i know her Mr. Santos, she's the ex of my son, Cross "
Natatawang sabi ni Mrs. Montever at nginitian ko na lamang sila
Nag walk out na lang agad ako dahil ayokong makipag plastikan sa mommy ni Cross
I know naman na ayaw sa akin ng mommy ni Cross kahit noon pa ay kapag bumibisita ako sa bahay nila pinapahiya lang niya ko or kung ano anong pinag sasabi niya sa akin na nakakababa ng self confidence
Pumunta na lang ako sa open air terrace ng cruise para mag pahangin at wala kaseng tao sa part na yun kaya mas gusto ko dito
Mahangin, payapa
Lahat kase sila nasa loob habang sila kyle at addy naman ay hindi ko pa nakikita. Siguro ay kasama nila ang parents nila
Mahinahon lang ang andar ng cruise ship at kalmado lang naman ang dagat
Maya maya pa ay may natatanaw akong isa pang barko pero maliit ito kumapara sa sinasakyan namin
Medyo mabilis ang andar ng barko na ito at nagulat na lamang ako nung biglang may mga putok ng baril galing sa maliit na barkong iyon
Biglang nawala ang ilaw sa buong cruise ship at narinig ko ang mga sigawan ng mga tao
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napag pasyahan ko na lang na tumakbo papunta sa loob nung may biglang humatak sa akin at ipinasok ako sa isang kwarto
" ssshhh "
Halos ma istatwa ako nung narinig ko ang boses niya
Ilang araw ko ring hindi naririnig ang nakakairita niyang boses
" Aiden ... "
Mahinang tawag ko sakaniya habang siya naman ay busy sa pag mamasid sa labas ng kwarto
" marunong kang gumamit ng baril? "
Mahinang tanong niya sa akin at napa tango naman ako sakaniya saka niya ako binigyan ng hand gun
" barilin mo kapag hindi mo kakilala "
Mahinang sabi pa nito sa akin at lalabas na sana kami ng kwarto ngunit hinila ko siya
" ano bang nangyayare? "
Naguguluhang tanong ko sakaniya saka naman niya hinawakan ang kamay ko
" ipapaliwanag ko sayo mamaya basta mag tiwala ka lang sakin. Sa ngayon kailangan nating makaalis dito "
Pag papaliwanag niya saka naman kami lumabas sa kwartong iyon at maingat si Aiden sa pag lalakad at sinisigurado niyang walang tao o kalaban sa dadaanan namin
BINABASA MO ANG
Trouble Maker (COMPLETED)
ActionIto ay kwento tungkol sa isang serial killer na walang choice kundi ang pumatay dahil sa kahirapan at sa utang na loob na rin at mag babago ang buhay niya nung nakilala niya ang anak ng boss niya na napaka bratinela. Mula sa pagiging serial killer a...