Chapter 24

16 3 0
                                    

BLAIRE'S POV

" blaire, look at this "

Sabi sa akin ni tita janice saka ibinigay sa akin ang isang ipad

" ayan ang gown mo, gusto mo ba iyan? "

Tanong nito ngunit hindi ako sumagot kaya inilipat na lamang ni tita ang picture

" dito naman magaganap ang event, garden ang theme nito "

Sabi naman nito sa akin at hindi ko na lang rin binigyan ng pansin

" mamaya ay makikita mo rin ang venue at pwede mong sabihin sa akin kung ano pa ang gusto mong idagdag "

Sabi naman ni tita at hindi ko nanaman siya pinansin

Wala akong ka inte interes sa magaganap dahil hindi ko naman kagustuhan ang ikasal kay Cross

' I miss my Aiden '

Nakaraamdam nanaman ako ng kirot sa aking puso

Ilang oras lang ay nakarating kami sa venue at tanong ng tanong si tita ngunit hindi naman ao sumasagot

Ilang oras na nilang bukambibig ang mga tungkol sa kasal kaya naaman rinding rindi na ako

" hindi pa ba tayo uuwi? "

Inis na tanong ko kay Cross at napa buntong hininga naman na siya

" mag hintay ka "

Sabi nito sa akin at inirapan ko naman siya at mag w-walk out na sana ako ngunit hinarangan nanaman ako ng mga body guard ni daddy

" seriously?! Sa tingin niyo makakatakas ako sa sobrang daming mata na naka tingin sa akin?! "

Inis na sigaw ko sakanila at sinenyasan naman sila ni Secretary kim

" ano na ang sasama kay Ms. Santos "

Sabi ni secretary kim sa akin at hindi na ako hinarangan ng mga body guard kaya naman nag lakad na ako palabas sa venue habang naka cross arm

Sumandal na lamang ako sa likod ng kotse at nag palamig ng ulo at napansin ko naman si secretary kim na tumabi din sa akin

" siguro ay hindi ka sanay sa ganito, simula bata lahat ng gusto mo ay nasusunod "

Pag sisimula nito sa pakikipag usap sa akin at hindi ko na lang siya sinagot dahil inis na inis pa ko sa mga body guard

" kahit ako rin ay nagulat sa inasal ni boss at sa desisyon niyang ipakasal ka kay Cross hanggang sa may nalaman ako at sigurado akong maiintindihan mo din siya balang araw "

Sabi naman ni Secretary kim at inirapan ko naman siya

" pwede ba imbis na daldal ka ng daldal jan tawagin mo na sila at gusto ko nang umuwi "

Inis na sabi ko at tumango naman siya

Umalis na sa tbi kodsi secretary kim ngunit napapalibutan naman ng mga guard ang gate ng venue

Napa tingin ako sa langit na napaka liwanag at mapayapa

' Aiden i'm still waiting, please save me i can't live like this '

Naiiyak nanaman ako habang inaalala ang mga moments namin ni Aiden kaya naman tinignan ko na lamang ang kwintas na ipinaabot niya kay tita na suot suot ko

" let's go? "

Napatingin ako kay Cross nung nag salita siya at tumango na lang ako

Pinag buksan kami ng body guard ng pintuan at na una naman akong pumasok sumunod si Cross at si tita

" let's have a dinner "

Sabi ni Cross sa amin

" ayoko, mas matutuwa ako kung iuuwi mo ako "

Sabi ko rito at napa buntong hininga naman siya

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay kaya naman dumiretso ako sa kwarto saka isinalampak ang katawan ko sa napaka lambot na kama

I feel so tired kahit wala akong masyadong ginawa

Parang drain na drain ako

Nanghihina ako nung naisip kong bukas na ang kasal

Hindi ko alam ang gagawin ko, ang tangging gusto ko lamang ay hindi ikasal kay Cross

" Hey, pwede bang mag luto ka? Gutom na ako, wala yung maid "

Bungad sa akin ni Cross dahilan para mag init ng ulo ko

" bakit hindi ikaw ang mag luto?! Ikaw kakain ikaw mag luto! Hindi mo ako katulong! "

Inis na sabi ko rito saka ulit bumalik sa pagka higa

" bakit ba ang init init ng ulo mo sakin? "

Sabi nito at halatang may pagka inis na sa kaniyang boses

" alam mo kung bakit ako ganito sayo! "

Sigaw ko sakaniya saka ako bumangon at tinitigan siya ng masama

" ha! Ay iyan ang pinuputok ng butsi mo?! Blaire it almost 3 years ago! "

Sigaw nito sa akin saka pumasok sa kwarto at isinara ang pinto

" ano sa tingin mo?! Pagkatapos mong makipag SEX sa bestfriend ko ganun na lang yon?! Pagka tapos niyo kong lokohin dalawa ganun na lang yon?! Tangina! Cross! She's my bestfriend! You think after i saw my bestfriend ang my boyfriend having sex in my OWN room! Mapapatawad ko pa kayo?! Bakit? Hindi pa ba ako sapat Cross? Ha?! Sabihin mo nga! Saan ako nag kulang?! Cross binigay ko lahat lahat sayo! Pinag laban kita sa pamilya mo! Tinitiis ko yung mga sinasabi sa akin ng mommy mo! Lahat lahat! Ginawa ko para sayo Pero anong ginawa mo?! Habang tayo malalaman ko na lang na may relasyon din pala kayo ni Scarlet?! Sino bang mas na una samin Cross ha?! Sabihin mo nga nung oras na lagi tayong magkasamang tatlo at inuutusan mo ko para bumili ng ganto para kunin ang ganto, may nangyayari ba sa inyo Cross ha?! ANO?! Sagutin mo ko Cross!!! Tapos ano?! Pagka tapos kong mahuli kayo bigla bigla kang nag laho na parang bula?! Then after na maka move on ako bigla kang babalik at sisirain nanaman ang buhay ko ha! Ano bang nagawa kong kasalanan sayo Cross??? "

Naiiyak na sabi ko rito at natahimik na lamang siya, tila hindi malaman kung paano sasagutin lahat ng mga katanungan dahil alam mismo niya na tama ang sinabi ko

" i'm sorry "

Seryosong sabi nito at tila lalapit pa sa akin ngunit lumayo ako sakaniya

" umalis ka muna, please lang Cross umalis ka muna "

Sabi ko sakaniya saka itinuro ang pinto

Tumango na lamang ito at nakita ko ang pag tulo ng luha nito

Nag lakad na siya palabas ng kwarto at pansin sakaniya ang bigat ng paa niya

Pag labas nito ay tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko dahil parang bumalik ang lahat ng sakit na idinulot sa akin ni Cross

Kahit sabihin niyang matagal na yun, sobrang sakit parin para sakin

Ok na ako eh tapos bigla siyang dadating ulit sa buhay ko?!

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan saka ko umiyak ng umiyak hanggang sa lamunin na lamang ako ng antok


Trouble Maker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon