Haaayys, bumuntong-hininga muna ako bago ako pumasok sa room.
Sandale..
English? Check!
Economics? Check!
Wala naman na kaming iba pang assignments eh. Two subjects lang buti naman.
Kaya naman taas-noo ako'ng pumasok sa room.
Lihim pa ako'ng napangiti habang nagkakagulo ang mga classmates ko, bukod kasi sa may assignments kami ay may long test pa kami mamaya sa Mapeh.
Kaya sabog ang brain cells nila kung ano ang uunahin sa paggawa ng assignments o pagrereview. Hehe
Nakita ko namang nakatitig ng masama sakin si Gesriel. Problema nun?
Inirapan ko nalang sya, kagabi halos naka 75 texts sya sakin eh at 25 missed calls and I didn't bother to answer all his texts and calls, why would I? Boyfriend ko ba sya?
Pumunta na ako sa upuan ko at nagsimula na magreview para sa Mapeh.
Grabe, mukhang absent pa ata yung math teacher namin, 30 minutes na'ng wala eh!
Ang ingay pa sa room, buti nalang may konti na ako'ng nareview kagabi at nagrerecall nalang ako ngayon.
"Ehem" nagulat naman ako sa taong nasa harap ko.
Si Gesriel.
Hindi ko sya pinansin at nagbalik na sa pagrereview.
"I said EHEM!"
"Yeah..I know" I said with a very careless tone and still my eyes are nailed on my notes.
"Bakit hindi ka nagreply kagabe?! Texts ako ng texts sayo!"
"Baka walang load?" I said with a boredom tone. Hindi ko lang sya tinitignan.
"Uso magpaload"
"Baka walang pangload"
"Tss, eh yung mga calls ko?"
"Hays"binaba ko na yung notes ko sa desk at tumingin sa kanya"Baka nagrereview para sa test sa Mapeh?"
Inirapan nya lang ako at umalis na sya.
"Psh, moron" I murmur at bumalik na ako sa pagbabasa
***
Nag-unat unat pa ako ng mga kamay.
Mayabang na kung mayabang pero proud ako'ng nakapgreview ako!
Haha, yung iba simpleng tago ng kodigo at nag-uusap-usap kung pano magpapasahan ng sagot.
"Are you ready for the test class?" sabi ni sir
"YES SIR" ako ata ang may pinakamalakas na sigaw eh. HAHA
Biglang pinalapit ni sir ang class treasurer namin at kina-usap ito.
I took the chance na makapagreview habang may time pa.
Bigla naman ako'ng kinalabit nung classmate ko, sya yung treasurer at napatingin ako sa palad nya'ng nakalahad at maraming barya.
"May patay nanaman? Wala ako'ng pang-abuloy"sabi ko sabay irap at balik sa pagbabasa, nadadalas ata ang namamatay ngayon.
"Gaga, piso para sa test, nagpaxerox si sir ng answer sheets para dun nalang tayo sasagot at hindi na magkagulo sa paghingi ng papel!" sigaw sakin ng treasurer.
BINABASA MO ANG
School Project
Fiksi RemajaMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!