13-- REPORT

5.9K 69 0
                                    

"J-John Mark?!" nanlaki ang mga mata nya pagkakita sa itsura ko.

"ANO'NG NANGYARE SAYO?!" nagsimula na ako humagulgol at niyakap nya lang ako.

"Shhh, sino may gawa nito sayo ah, papatayin ko" sabi nya habang hinahagod ang likod ko.

Tinayo nya ako at tinanggal nya ang polo nya para isuot sakin.

Sya mismo ang nagsuot sakin ng polo nya.

"Oh, eto muna ah, samahan mo ko sa locker ko, kukunin ko yung jacket ko para may maayos kang maisuot"

Tumango lang ako at pumunta kami sa locker nya at tulad kanina, sya ang naghubad ng polo nya sakin, sya din ang nagsuot ng varsity jacket nya sakin.

Nananahimik lang ako habang pinapanuod sya'ng isuot ang polo nya.

Pagkatapos ay hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako sa mga mata.

"Ada, sabihin mo..sino may gawa nito sayo? Si...Gesriel ba? Sya ang huli mo'ng kasama kanina diba? Sya ba?" umiling lang ako at niyakap ko sya.

Ayoko sabihing si Gesriel..

Kilala ko magalit si John Mark..

Mas matindi sya magalit, alam ko mapapahamak si Gesriel.

Kahit ganto ang ginawa nya sakin, ayoko parin sya mapahamak.

Dahil MAHAL ko sya.

***

Sabay kami pumasok ni John Mark sa room.

Nagtama ang mata namin ni Gesriel, kita ko ang guilt sa mga mata nya pero..

Hindi na nya ko maloloko..

Mahal ko sya, pero ganto ginawa nya sakin.

Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko nanaman lahat ng ginawa nya sakin.

Napahigpit rin ang hawak ko sa braso ni John Mark.

Umupo kami at saktong dumating ang english teacher namin.

Binati namin ito at sabay na umupo.

"Okay, who's the first reporter?"

Nagtaas naman ng kamay si Gesriel.

Kami nga pala ang partner ngayon sa reporting nya.

"So, Mr. Resus, where's your partner?" napatingin sakin si Gesriel.

It's like he's calling me through his look.

Nagtagal ang tinginan namin, kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya.

"Aaa..Ma'am..I-I will report individually"

Tumango naman ang teacher namin.

"Okay then, kaya mo naman yan, go ahead"

Nagreport sya at hindi mo maitatanggi'ng top 1 nga sya.

Pero pansin parin ang pagtingin nya sa mga mata ko, pero umiiwas lang ako, dahil sa mga nangyari.

***

Uwian na at kahit may atraso sakin si Gesriel, hindi ko parin mapigilang mamiss yung mga panahong kinukuha nya ang bag ko.

"Adalene, nakikinig ka ba?"

"HUH?...aaa..oo"

"Oh sige, bukas ah, agahan mo, alam mo naman ang bahay namin diba? punta ka para mapag-usapan natin yung gagawin sa reporting"

"Magrereport tayo?"

"Kala ko ba nakikinig ka?"

"Aaa...nakinig ako..nililinaw ko lang" tumango naman sya at nginitian ako.

Napatingin ako sa may corridor at nakita ko si Gesriel.

Mukhang hinihintay nya ko.

Bigla naman may humawak ng kamay ko.

Kahit nasa malayo si Gesriel, ay una'ng pumasok sa isip ko na hawak nya ang kamay ko.

Pero pagtingin ko..

Si John Mark.

"Tara na?" tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad.

Hinatid nya ako hanggang sa tapat ng bahay namin.

"Salamat" sabi ko at nginitian naman nya ko at hinalikan sa noo.

"Nandito lang ako para sayo, wag mo'ng kalimutan yun ah" tumango ako at pinanood ko sya'ng umalis hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagbihis.

Tinignan ko ang cellphone ko,

Puro texts ni Gesriel.

I blocked his number, para wala ako'ng marecieve na texts at tawag sa kanya.

Last night, I realized that I love him..

But after what happened earlier..

It's like my feelings are wasted.

Akala ko, malaki ang respeto nya sakin.

Pero mali ako ng akala..

Bakit ko nga ba naisip na may respeto sya sakin?

Eh gusto nya'ng mag sex kami kapalit ng school project ko!

'Napakaliit na bagay, pero napalaki'ng HALAGA...just like you'

Bumalik ang mga sinabi nya sakin.

Hindi, tama na Adalene, he's good in lies, he's good in acting.

Naloko ka nya, yun ang tanggapin mo.

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon