"BAKIT NANDITO KA PARIN AH! DUN KA SA LABAS MATULOG!"
Napabangon ako sa kama ko.
"Ma?" kinusot ko yung mata ko at nakita ko ang galit na itsura ni Mama.
Nagulat nalang ako nung lumapit si Mama at hinablot ang buhok ko.
"DIBA SABI NG PAPA MO, DUN KA NA SA LABAS MATUTULOG?!"
"Ma..masakit po Ma.." napa-iyak na ako habang pasabunot na kinakaladkad ni Mama.
"Ikaw ang may kasalanan nito eh! Kung hindi blangko yang grades mo, hindi magbabakla ang kuya mo! Hindi magagalit sakin at sa pamilya'ng to ang papa mo!"
Tinulak ako palabas ng bahay ni Mama at padabog na sinara at ni-lock ang pinto.
*BLAG*BLAG*BLAG*
"MA! AYOKO KO PO DITO! MAMA!" kalampag ko sa pintuan.
"MAMATAY KA NA DYAN!"
Ilang beses ako nagdabog pero wala'ng nagbukas ng pinto.
Napa-iyak ako habang sinisiksik ang sarili sa sulok at yakap-yakap ang tuhod ko.
Para ako'ng asong gala na pinagtatabuyan.
Napatingin ako sa paligid..
Umuulan.
Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim.
Tumayo ako at umakyat ng bakod.
Ayoko na..
Suko'ng suko na ako..
Hindi ko na kaya..
Hindi ko narin alam kung hanggang saan ko pa kakayanin..
Kahit nakapajama ako, naglakad ako sa kalsada.
Balisa..
Wala ako'ng pakelam sa mga tao'ng pinagtatawanan ako.
Umuulan pero para'ng wala ako'ng nararamdamang lamig at tubig.
Naglakad lang ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Napatigil ako sa isang high way.
May naaanigan ako'ng ilaw mula sa isang sasakyan.
Isang truck.
Hindi ko na maramdaman ang hakbang ko.. Basta nandito ako sa gitna ng kalsada.
Inaabangan ang truck.
Palapit ng palapit ang truck, wala na ako'ng makita kundi ilaw.
Wala na ako'ng marinig kundi ang busina nito.
Handa na ako...
Handa na ako'ng mamatay..
*HOOOONNNNNKKKK*
Pumikit ako at inabangan ang truck.
"ADALENE!" naramdaman ko'ng may umaalog sa balikat ko.
"ANO'NG GINAGAWA MO!" binulat ko ang mga mata ko
Kita ko'ng inaalog nya parin ako pero nandilim na ang mga paningin ko at napabagsak na ang katawan ko.
Nagising ako'ng nasa hindi pamilyar na lugar.
Niliko ko ang tingin ko at nakita ko sya, nakahiga ang ulo sa kama habang naka-upo.
Kinalabit ko ang kamay nya.
Nakita ko'ng nagising sya at nanlaki ang mga mata.
"Adalene, okay ka na ba?"
Nagulat ako sa itsura nya.
May pasa sya.
Hinawakan ko ang mukha nya..
"Ano'ng nangyare dyan?" tanong ko.
Hinawakan nya lang ang kamay ko, naramdaman ko'ng tumutulo ang luha nya.
"Sagutin mo ko" hinawakan ko ulit ang mukha nya.
"Dapat...dapat andun ako eh, dapat naligtas kita...hindi ka sana magkakaganyan" tinakpan ko ng index finger ko ang labi nya.
"Shhh, okay lang John Mark, hindi mo kasalanan...ngayon, ano'ng nangyari sa mukha mo?" kita ko kasi'ng may sugat yung mukha nya.
"W-Wala yan....t-tumama sa truck..o-oo kanina nung niligtas kita" hinaplos ko ang mukha nya at nginitian sya.
Wala narin ako'ng maalala kundi yung ilaw ng truck, hindi ko na nga alam na may nagligtas pala sakin.
"Ada, ano'ng pumasok sa isip mo? Bakit mo nagawa yun?"
"Ayaw ko na" basag ang boses ko, pinipilit ko'ng wag umiyak.
"Anung ayaw mo na?!"tumaas ang boses nya.
"HINDI KO NA KAYA'NG TIISIN SILA...YUNG KUYA KO INIWAN AKO DUN SA IMPYERNO'NG YUN KASAMA ANG NANAY KO'NG SUNUD-SUNURAN SA DEMONYO'NG TATAY KO NA KINAKALANTARI YUNG KATULONG NAMIN...PABIGAT AKO SA KANILA, SILA PA MAY GUSTO'NG MAWALA NA AKO!" niyakap na ako ni John Mark, naramdaman ko'ng umiinit ang mukha ko dahil sa pag-agos ng luha ko.
"Adalene, wag mo na ulit gagawin yun. Hindi mo pa oras, maraming nagmamahal sayo, wala man sa loob ng bahay nyo o sa sarili mo'ng pamilya, eto kami...ako, nagmamahal sayo" kumalas ako sa yakap at hinalikan nya ako sa noo.
Napatingin ako sa damit ko at nagsalubong ang kilay ko.
"Ikaw ba nagpalit ng damit ko?!" pati underwear at bra iba eh.
Nakita ko'ng nagkamot sya ng ulo.
"Aaah..hehe, wala naman magpapalit sayo'ng iba dito eh...ako lang"
Inabot ko yung buhok nya at sinabunutan.
"AAAAWWW-ADALENE--AARRAAYY!"
"GAGO KA! EDI WALA NA AKO'NG MAPAGMAMALAKI PA HAYOP KA!" binitawan ko sya at napangiti ako sa mga hibla ng buhok sa kamay ko.
"Aray ko naman Ada, hindi naman kita nirape eh..hindi kita type" tinignan ko sya ng masama.
Ang kapal ah!
Inirapan ko sya.
"Oh" may nilapag sya'ng tray sa harap ko
"Maya ka na mag-inarte dyan, kumain ka na muna"
Nakita ko namang may sopas at napangiti ako sa nakita ko'ng carrots dun na hugis star ang pagkagayat.
"Alam ko'ng gusto mo ng ganyang gayat ng carrots"
Sinimulan nya ako subuan at napapangiti ako sa pagiging caring nya.
Bakit hindi ganyan si Gesriel?
Sarap mahalin ni John Mark, pero hindi ko kaya.
Si Gesriel parin..
Kahit ano'ng gawin ko.. Sya parin eh.
BINABASA MO ANG
School Project
Teen FictionMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!
