Pagkatapos ng nangyare sa lumang room, bumalik na kami sa tunay nami'ng room at kakatapos lang ng next subject namin, eto ako ngayon naka-upo sa room habang nakatingin sa kanya.
I wonder what he is doing now.
Sa unahan kasi sya naka-upo at ako sa dulo, kaya likod nya lang nakikita ko.
Kita ko'ng nakayuko sya at mukhang nagsusulat.
Bakit kaya ang gwapo nya parin kahit nakatalikod na.
Napabuntong-hininga nalang ako at naghalumbaba.
"Adalene! Adalene!" nagulat ako sa classmate ko na tumatakbo papunta sakin.
Si Reggie, ang nag-iisang POGAY sa room.
"Reggie, bakit naman tatawagin mo ko, nakasigaw pa!" halos napatingin sa kanya yung iba naming classmates eh.
"Hehe"umupo sya sa tabi ko, since pagala-gala yung seatmate ko. "May boyfriend ka ba ngayon Adalene?"
"Wala ako'ng boyfriend noh, bakit mo naman naitanong?" napakamot naman sya ng ulo.
"Eh, may manliligaw ka?" umiling ako.
Wag nya'ng sabihing trip nya ko! Nako, gwapo sya pero please lang, hindi ako pumapatol sa mas babae pa kumilos kesa sakin.
Bigla naman sya may tinuro sa labas.
"Ada, ayun si Gabrielle, tropa ko taga section 10 yan" nakita ko'ng nagwave pa samin yung Gabrielle.
"Oh, ano'ng gagawin ko?"
"Type ka kasi ng tropa ko eh" nanlaki naman ang mga mata ko.
"JOKE BA YAN?!" bahagya ko sya'ng tinulak.
"Oo nga, dali labas tayo!"
"Huh, eh sandale--"hindi na ako naka-angal pa, bigla na ako hinila ni Reggie palabas.
"Hi" bati sakin nung Gabrielle, ngumiti naman ako.
Gwapo ah, infairness.
"Maiwan ko na kayo dyan, good luck girl!"
Tinulak naman ako ni Reggie papalapit kay Gabrielle, natapakan ko tuloy yung paa nya.
"Sorry, sorry"
"Okay lang...Gabrielle nga pala, Gabrielle Roldan" inabot nya yung kamay ko.
"Adalene Arce" nakipag kamay ako sa kanya.
Infairness ah, matangos ang ilong, ang kinis ng mukha, matangkad, tapos yung eyes mga teh! Sparkling, parang nanghyhypnotize!
"Nice meeting you Ada" whoa, hinalikan nya pa yung likod ng palad ko!
Yiiiee, kenekeleg nemen eke seye eh, hehe
"Ada, you're spacing-out"
"Ene? Este ANO?" kahiya yun ah!
Hindi nya parin binibitawan yung kamay ko! Yiiiieee!
"As I was saying, can I ask you on a date?"
"NO" napatingin naman kami sa nagsalita.
Si Gesriel.

BINABASA MO ANG
School Project
Подростковая литератураMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!