Kasalukuyang nagdidiscuss ang english teacher namin pero lutang ang utak ko.
Naalala ko parin ang mga binitiwang salita kanina ni Gesriel..
'Napakaliit na bagay, pero napakalaking HALAGA....just like you'
His eyes, I saw it. I saw the sincerity.
Napapangiti nanaman ako kapag naaalala ko yun.
"UY" sinigawan ako ng katabi ko'ng si John Mark, pansin ko ring nagtitinginan sakin ang mga classmates ko pati narin ang english teacher namin.
"Huh? Ano yun?" nagtawanan naman yung iba ko'ng classmates, bakit may nagawa ba ako'ng nakakatawa?
"TWO!" sigaw sakin ni John Mark.
"Two?" tanong ko.
"three"
"four"
"one"
"two"
Sunod-sunod na bilang ng mga classmates ko.
Gets ko na! "May groupings tayo?!" bulong ko kay John Mark.
"Tanga mo, kanina pa sinabi ngayon mo lang nalaman" napakamot nalang ako ng ulo.
"Maka-tanga naman John Mark, you're so mean" I pouted .
"You're so mean..ang cute mo talagaaaaa"
"Aaawww" piningot ba naman ang ilong ko.
Hinawakan ko yung ilong ko'ng kumikirot.
"Ang sama mo John Mark!" sabi ko sabay tulak sa kanya at halos mahulog sya sa upuan, center aisle pa naman sya naka-upo.
"John Mark, Adalene, mamaya na 'yang loving loving nyo"
Napansin pala kami ng teacher namin. Bigla naman kami umayos ni John Mark.
"Ayyiiie" sabay na sabi ng mga classmates ko.
Tss, baka maging love team pa kami sa room, yuck! Ayoko nga!
Napayuko naman ako sa sobrang hiya.
Binigyan ng specific seating place ang kada group at buti nalang sa may side ko uupo ang group 2 kaya no need na lumipat ng upuan, hehe
"Loving loving hah" napatingin ako sa tumabi sakin.
Si Gesriel habang salubong ang mga kilay.
"Sandale, group 2 karin?!"
"Obvious ba?" tumayo ako at binilang ulit ang upuan hanggang sa upuan nya.
"Aba, pang number 3 ka eh! Dapat si Emmanuel ang kagroup namin, hindi ikaw!"
Tinignan nya lang ako ng ubod ng sama.
"Eh bakit ba, eh sa gusto ko makipagpalitan eh may magagawa ka ba dun?!" inirapan ko lang sya at umupo na ako. Ang sungit nito.
"Okay, ikaw nalang Gesriel ang group leader, ikaw naman top 1 eh" sabi ng epal kong classmate at naki-oo narin ang iba pa naming epal na kagrupo.
Tumango lang si Gesriel at tumingin sakin.
"Ano'ng tini-tiningin-tingin mo?" another irap.
BINABASA MO ANG
School Project
Novela JuvenilMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!