Hinatid nya ako hanggang sa tapat ng bahay ko.
"Akin na yang bag ko" pabulong ko'ng sinabi, inabot naman nya sakin habang nakangiti "Dun na! Alis na!"
Baka kasi mamaya makita sya ni mama, edi isipin lumalandi ako kaya blangko ang grades ko.
"Tinataboy mo agad ako, oo na aalis na.....pero kiss muna" sabay kindat
Aba, kapal nya ah, hinayaan ko na nga sya'ng ihatid ako sa bahay bayad, sa PISO'ng tulong nya at ngayon holding hands para sa polo'ng nasira ko.
"Pwede ba, nakakarami ka na eh! UMALIS KA NA NGA!" tinulak-tulak ko pa sya.
"ANO NANGYARE SA MUKHA MO ADA?!"takot na takot sya'ng tumingin sa mukha ko.
Kala naman nya makukuha nya ulit ako dyan.
"Tss, style mo bulok!" nginitian nya lang ako.
Bigla naman sya tumingin sa likod ko at nanlaki ang mga mata.
"Ada, mama mo" bulong nya.
Agad naman ako nataranta'ng lumingon sa likod ko.
Sandale..
"Wala nama--mmp" lumingon ako sa kanya yun pala nakahanda nanaman sya magnakaw ng halik.
Ayun nagsimula na sya tumakbo
"TANG INA MO KANG HAYUP KA!"Pangiti-ngiti pa sya'ng nagwave ng hand sakin at tumakbo na.
Naisahan ako dun ah!
Umuwi na ako sa amin and as usual, diretso ako sa kwarto ko.
Hindi parin kami nagpapansinan ni mama at alam ko'ng hinihintay lang nya si papa.
Hindi naman sila mga perfectionist, tama ang sabi ni Cholyn, buong buhay ko hindi na ko nawalan ng line of 7 pero wala ako'ng naririnig sa kanila. It just happened na, always top 1 at gumraduate pa'ng valedictorian ang kuya ko, kaya hindi na sila nag-expect pa sakin, tanging kay kuya lang. Kaya nakakadissapoint ang makakita ng blangko sa report card ko.
May inggit din ako kay kuya, kasi lagi sya'ng napapansin at pinagmamalaki nila mama't papa. Pero wala na ako'ng magagawa, kahit naman ilang beses ko itry, hindi na ko nawalan ng line of 7 sa card.
Napabuntong-hininga nalang ako habang nakadapa sa kama at yakap-yakap nanaman ang unan ko.
*bzzzt*bzzzt*
Napatingin ako sa cellphone ko'ng nagvibrate meaning, may nagtext..
From: Pasaload
19-Sep 18-23-10:P50 has been transferred from 0908******* to 0999*******.
"Whoa, 50 pesos?!"
Ang laki'ng pasaload naman nito!
*RIIIING*
Gesriel_manyak calling...
Bakit naman bigla 'tong tumawag?!
"Hello?"
[Did you recieve it?]
"Recieve what?"
[the load]
Omg! Ibig sabihin sya nagload sakin nun?!
[Hey! I'm asking you!]
"Huh? Aaa..wala..wala ako'ng narecieve!"
BINABASA MO ANG
School Project
Fiksi RemajaMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!