10-- TRAUMA

5K 74 4
                                        

Pumasok na ako sa malaking gate namin.

Eto nanaman ako nanginginig sa takot.

Kada hakbang ko papalapit sa pinto ng bahay, mas lumalakas ang tibok ng puso ko.

Bumabalik nanaman ang mga ala-ala, mga ala-alang hindi na mabubura kailanman.

Pagpihit ko ng doorknob, nangangatog na ang tuhod ko.

"IKAW NAMAN ANG MAY KASALANAN NYAN!"

"IKAW ANG NANAY, PANO'NG AKO?! IKAW ANG KASAMA SA BAHAY!"

"TINGIN MO, AKO MAGSASABI'NG MAGBAKLA SYA AH!"

Sigawan at pag-aaway ang narinig ko sa may kusina.

Nakita ko namang umiiyak ang kapatid ko'ng si Sunshine sa sala habang yakap-yakap ang teddy bear nya.

"TUMAHIMIK KA!"

"ANO INIIYAK-IYAK MO AH?! TUMAHAN KA!"

"AYAW MO TUMAHAN AH!"

Ang mga ala-ala'ng yun. Nung araw na pinakain sakin ni Papa ang medyas nya habang hinahataw ng sinturon nya.

Bumabalik ang mga ala-ala at bangungot.

Agad ko sya'ng nilapitan at niyakap.

"Baby, what's wrong?"

"Ate, mama and papa are fighting..huhuhu" hinagod ko lang yung ulo nya.

Feeling ko mapapa-iyak ako habang nakikita ko yung kapatid ko'ng umiiyak mag-isa.

"ADALENE ANO'NG GINAWA MO SA KAPATID MO AH!" ang boses na yun.

"Papa...hindi po--" napatigil ako nung nakikita ko'ng nagtatanggal nanaman sya ng sinturon.

Para ako'ng nanigas, nawala ako sa mundo at parang isang demonyo'ng may hawak na ahas ang naging imahe ni Papa sakin.

Ang paglakas na pag-iyak ng kapatid ko ang nagpabalik sakin sa katinuan.

Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala si Papa at sinabunutan nya ako palayo sa kapatid ko.

"LUMAYO KA SA KAPATID MO! YAN NALANG ANG NATITIRANG MATINO DITO SA BAHAY!"

Napa-upo ako sa sahig pero hinihila parin ni Papa ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng bahay.

Wala ako'ng tinitignan kundi ang sinturon nya'ng nakarolyo sa kamay nya.

Parang ahas na mapupula ang mga mata at tutuklawin ako hanggang sa mamatay ako.

Pinangsalag ko ang mga kamay ko habang hinahataw nya ko.

Ang sinturon nya, parang nag-aapoy at pinapaso ang balat ko sa kada hataw sakin.

Iyak nalang ang nagagawa ko.

Gusto ko ng mamatay, ayoko na makita ang sinturon nya.

"KAYONG DALAWA NI VINCE, MGA PASAKIT AT WALANG UTANG NA LOOB!" paulit-ulit nya'ng sabi habang hinahataw ako.

"DYAN KA MATULOG SA LABAS! WALA AKO'NG PAKELAM KUNG LUMAYAS KA PA! MAS MAGANDA NGA YUN, PARA MABAWAS-BAWASAN MGA SALOT SA BUHAY KO!" pagkatapos nun ay sinara ni Papa nang padabog ang pinto at narinig ko pa ang paglock nito.

Pumunta ako sa pinakasulok, niyakap ko ang tuhod ko at umiyak.

Wala ako'ng magawa kundi umiyak.

Nakita ko ang hita ko, puro sugat at pasa.

Tapos na ang pamamalo pero parang paulit-ulit sa isip ko.

"Papa tama na..." humagulgol ako sa pag-iyak.

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon