"Filipino 80, English 82, Mathematics 79, Science 79 , MAPEH 81, Character Education 78 at dahil wala ka'ng grade sa Ecoonomics at TLE, kaya pati Makabayan BLANGKO, so parang tatlong subjects narin ang ikinabagsak mo, grabe girl maiintindihan ko talaga yung galit ng mama mo eh"
Napabuntong-hininga nalang ako habang kitang-kitang nanlulumo sa grades ko ang bestfriend ko'ng si Cholyn.
"Kasi naman Adalene, hindi ka naman nakakatanggap ng sermon kahit may line of 7 ka eh, kung samin nga eh, kahit isang subject lang ang may line of 7, bugbug na aabutin. Kaya intindihin mo nalang ang mama mo, tignan mo naman card mo, may line of 7 na, may blangko pa"
Nagkibit-balikat nalang ako habang lungkot na lungkot.
"Hays girl ano ba kasi kulang mo sa mga subjects na to?"
"Sa economics, notes at sa TLE, yung activity naming magphotoshop ng pictures na nasa paligid ng school"
Sinabi ko yan na may super obvious na 'boredom tone'
"Oh? Bakit hindi mo na simulan manghiram ng notes at magphotoshop? Ano yun nganga ka lang dyan? You're grade will not write itself on your report card, you know"
Nakaka-inis, sermon sa bahay sermon pa sa school. Can this day get any worse ?
"Haayyss, sige papasok na ako sa room, at magsisimula na manghiram ng notes"
Nagbeso na kami at pumunta na ako sa room.
Hindi kasi kami classmates eh, sayang kung classmates kami, panigurado hindi ako magkakaganito sa room. Malamang tutulungan nya ako.
Pagpasok ko palang sa room, iba na ang atmosphere.
May mga classmates ako'ng nagsusulat sa isang papel.
Yung iba nagkakagulo at halos nag-aagawan pa ng iisang papel.
"Hoy, ako naman pagkatapos mo!"
"Oo, wait malapit na"
"Hoy ako din pakopya!"
OH MY GOD! Kapag ganyan magpanic ang mga classmates ko, that only means one thing!
"MAY ASSIGNMENT TAYO?!" sigaw ko at yung iba hindi ako pinansin dahil busy sa pagsusulat, pero may lumapit sakin at tinanguhan ako.
"Bakit Ada? Wala ka ring assignment noh?"
"HALA! Wala ako! anong assignment? Anong subject?" sabi ko habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Cecille.
"Sa math Ada, yung logarithmic activity"
"WHAT?! Meron ka? Pakopya!"
Please sabihin mo'ng merun ka, please Cecille, PLEASE!
"Meron syempre"nakahinga ako ng maluwag"Pero nakila Jerome pa eh, at alam ko lima silang kokopya kaya baka hindi ka rin makahabol, first subject pa naman yun"napasimangot ako sa sinabi nya.
Nakaka-inis, sa sobrang lungkot ko kagabe, nakalimutan ko na yung assignment namin sa math!
Umupo ako sa upuan ko malapit sa bintana, halos ako lang ang naka-upo sa row namin dahil yung iba ay nasa sulok nagkukumpulan habang nagkokopyahan ng assignment.
Kinuha ko yung notebook ko sa math at nanlumo ako sa mga punyetang numbers at exponents na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
Napakamot ako sa ulo ko, bakit kasi ang komplikado ng math eh!
Napatingin nalang ako sa kisame habang inaalala kung pano to sasagutan.
"Matutunaw na yung kisame, wala ka paring sagot" yung boses na yun! Napatingin ako sa nagsalita at hindi nga ako nagkakamale.
Inirapan ko lang sya. It's him, si Gesriel.
I heard him chuckled"You know, may isa ako'ng papel dito"
"Ano namang gagawin ko sa papel mo?!" hindi ko lang sya tinitignan at nagcrossed-arms pa 'ko.
Nilapag nya yung papel sa desk ko at laking gulat ko nung nakita ko'ng eto yung assignment at MAY SAGOT na sya!
"Alam mo, it's just a scratch paper, kaya maraming bura, kinokopya ko ulit lahat sa isa pang papel para malinis na tignan, wala naman ako'ng paggagamitan nito, sayang naman kung itatapon ko lang"
Hindi ko parin sya tinitignan, pero deep inside, gustung-gusto ko na sabihing 'please akin na nalang yan'
"You can have it if you want" napatingin ako sa kanya at kumuha lang sya ng ballpen at sinulat ang pangalan ko sa itaas na bahagi ng papel.
"Here you go" inabot nya sakin yung papel at napangiti naman ako dahil wala sya'ng hininging kapalit kaya kinuha ko iyon.
"T-thank you" I said pero he just gave me a naughty smile as 'you're welcome'
Dapat ba ako kabahan? Wait, wala naman sya'ng sinabing kapalit eh, kaya I'm sure libre to!
YAY, MAY ASSIGNMENT NA AKO!
***
Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa locker ko para ilagay doon ang pampabigat lang sa bag ko.
"AH!" naapasigaw naman ako nung pagkasara ko ng locker ko ay nakita ko'ng nasa tabi ko na pala si Gesriel.
"Surprised?" sabi nya and there's his naughty smile again.
"H-hindi naman"sabi ko sabay yuko.
Parang iba ang pakiramdam ko sa mga ngiti nya eh.
"Natuwa ka ba sa assignment mo?"
"O-oo naman! Thank you talaga ah" yung assignment kasi namin ay agad-agad din ni-checkan at nagulat ako nung kaming dalawa lang ni Gesriel yung nakaperfect!
"Thank you? That's not free Ada" ayan nanaman sya sa naughty smile nya.
"W-what do you mean?" I sounded like I don't know what he means.
"There are things that you don't get for free, LAHAT may kapalit" napalunok naman ako sa sinabi nya.
"A-ano namang kapalit?" his naughty smile got widen.
Please 'wag mo sabihing sex ang kapalit ng assignment na yun?
"This" the next thing I knew, he gave me a peck on my lips 3 times!
Napanganga naman ako sa ginawa nya. Nagulat naman ako nung nilapit nya nanaman yung labi nya at sinampal ko na sya.
"BASTOS! Pwe" sabi ko, pinasok ba naman yung dila sa bibig ko!
"Aww, nakanganga ka kasi eh, kaya akala ko gusto mo..." he paused and let his naughty smile give his point.
"EWAN KO SAYO! I was just dumbfounded kaya ako nakanganga hindi dahil gusto ko makipaglaplapan! Geez!" I left him there at narinig ko pa'ng tumatawa-tawa sya.
Letse sya, hindi nya ba alam na FIRST KISS ko yun?! At nakuha ang first kiss ko, dahil lang sa PUNYETANG ASSIGNMENT?!

BINABASA MO ANG
School Project
Fiksi RemajaMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!