16-- LIES

5.5K 87 57
                                    

John Mark's PoV

Pumunta ako sa isang abandonadong bahay.

Dito kami tumatambay ng mga tropa ko.

Ang itsura nito ay puro hollow blocks at may mga nakalawit pa'ng bakal.

May mga nakakalat ding kahoy at sako ng semento sa sahig.

Kita 'kong andun sya, hawak ng mga tropa ko ang mga kamay.

Hindi sya nagpupumiglas. Nakatingin lang sya sakin ng sobrang sama.

natawa ako ng bahagya.

"Hindi mo 'ko mapapatay sa mga tingin mo Gesriel"

"FUCK YOU!" lumapit ako sa kanya at hinablot ang buhok nya.

"Gago ka, alam ko'ng ikaw gumawa nun kay Adalene, ang kapal ng mukha mo, tang ina mo ka!" sinapak ko ang mata nya at kita ko ang pagka-itim nito.

"Hindi ko...sinasadya yu--AAHH!" pagkarinig ko nun, sinikmuraan ko sya agad.

Kita'ng-kita ko ang pagsuka nya ng konting dugo.

Hinablot ko ulit yung buhok nya.

"TANG INA MO KA! SINO KA PARA GAWIN YUN SA KANYA AH! MADAMI NA SYA'NG PROBLEMA SA BAHAY AT PAMILYA NYA, DINAGDAGAN MO PA'NG HAYUP KA!"

Kita ko naman ang 'guilt' sa mga mata nya.

Kalokohan!

Hinampas ko ang likod ng palad ko sa mukha nya at kita ko ang pagputok ng labi nya.

Binitawan sya ng mga tropa ko at nakahandusay sya sa sahig hinang-hina.

Hinablot ko yung buhok nya at tinignan ang mukha nya'ng puno ng pasa.

"Alam mo, may sasabihin ako sayo..." binigyan ko sya ng malademonyong ngiti.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.

"Akin lang si Adalene...wala'ng makaka-una sa kanya kundi....AKO lang"

nakita ko ang galit nya sa mga mata nya "PWE!" nagulat naman ako nung dinuraan nya ko sa mukha.

Kinwelyuhan nya ako at sinapak, pero nasipa ko sya at napa-upo sya, sinapak ko nang sinapak ang mukha nya.

"GAGO KA!"

Pagkatapos pagsawaan, tumayo ako at tinadyakan sya sa likod at tagiliran.

Tuwang-tuwa ako habang nakikita ko'ng pagsuka nya ng dugo sa kada tadyak ko.

Yan ang dapat sayo Gesriel.

Yan ang dapat sa mga tao'ng umaagaw sakin kay Adalene!

Pinakawalan namin si Gesriel. Napapangiti ako habang nakikita'ng paika-ika sya'ng tumatakbo.

"Oh, pre" may inabot sakin ang tropa ko.

Isang baril.

"Ano'ng gagawin ko dyan?! Hindi ako mamamatay tao, gago ka ba?!"

Natawa lang sya ng bahagya.

"Hindi mo naman babarilin eh, papuputuka mo lang, tignan mo matutuwa ka"

Kinuha ko yung baril at pinaputukan yung sahig malapit kay Gesriel.

Napangiti ako.

Natatawa ako habang nakikita sya'ng padapa-dapa dahil nagmamadaling tumakbo at takot na takot.

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon