7-- SINTURON

6.2K 79 3
                                        

Hinatid nanaman nya 'ko papunta sa street namin.

Hindi pa kami nakakalapit sa tapat ng bahay namin nung biglang napansin ko ang taxi sa harap.

Sandale..

"SI PAPA!" nanginginig ko'ng sabi.

Napansin naman ni Gesriel ang panginginig ko kaya hinilod nya ang likod ko.

"It's okay, mukha'ng hanggang dito nalang ako. If something happens, don't bother to call me" hinalikan nya ko sa noo at umalis na.

Nanginginig naman ako sa kada hakbang ko papalapit ng bahay.

Hindi pupwede'ng umuwi agad si Papa, masyado pa'ng maaga, alam ko sembreak ang uwi nya!

Pumasok ako sa bahay at wala na ako'ng narinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko.

TAKOT

KABA

Yan ang nararamdaman ko.

"ADALENE!" napalundag ako sa gulat nang marinig ko ang boses nya.

Si Papa.

I tried to look calm at lumapit sa kanya para magmano, pero isang sampal ang nakuha ko.

Mas masakit ito sa sampal ni Mama. Napansin ko namang nakangiti pa si Mama habang pinapanuod ako'ng umiiyak sa takot at sakit.

Sunod-sunod ako'ng pinagsasampal ni Papa habang sinesermunan.

"IKAW BABAE KA, PINAG-AARAL KA NAMIN TAPOS GANTO IGAGANTI MO! BAKIT HINDI KA NAG-AARAL AH! DALAWANG BLANGKO'NG GRADES?! HAYUP KA! ANG BOBO MO!"

"Pa, tama na po" basag ang boses ko dahil sa paghagulgol.

"Yan turuan mo yan ng leskyon" sabi ni Mama.

Sinampal nanaman ako ni Papa, dahilan para mapa-upo ako sa sahig.

Sinisipon ako pero nagulat ako nung pinunas ko ang kamay ko sa ilong ko.

DUGO..

"Papa..." takot ko'ng sinabi habang tumitingin sa kamay ko'ng may dugo at ramdam na malakas ang agos nito sa ilong ko.

Hinablot nya ang buhok ko at pinagsasampal.

"SUMASAGOT KA PA!" sinabunutan nya 'ko at pinagsisipa.

Tumigil sya at tinanggal ang sinturon.

Ang sinturon nya. Ang kinakatakutan ko sa lahat. Ang lagi nya pinampapalo sakin nung bata ako.

Bumalik ang lahat ng ala-ala...

Nagsusulat ako ng pangalan ko sa isang papel. Tuwang-tuwa ako, kahit hindi pantay ang mga linya dahil grade 1 palang ako ay natutuwa parin ako dahil tama ang spelling ng pangalan ko.

"ADALENE! Diba ang sabi ko matulog ka na?!" nanlaki ang mga mata ko.

Kita ko si Papa'ng hawak ang sinturon nya at hinablot ang buhok papunta sa kwarto ko at pinadapa sa kama tsaka sinimulang hatawin sa pwetan.

"Papa...tama na po" pagmamaka-awa ko habang humahagulgol.

"HINDI BA SABI KO MATULOG KA NANG MAAGA?! HANGGANG NGAYON, GISING KA PARIN!"

School ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon