John Mark's POV
"Oh, John Mark, bakit anong oras ka na umuwi?" salubong na tanong sakin ng mama ko.
"Oh bakit ang aga nyo'ng umuwi?" agad ko'ng sagot.
Akala ko matatagalan pa sila sa probinsya dahil kay Lolo? Buti hindi nila naabutan si Ada dito kundi iba na naman iisipin nila.
"Okay na Lolo mo nung isang araw pa, kaya napa-aga uwi namin buti nalang talaga sinamahan kami ng tito mo. Oh, yung tanong ko naman ang sagutin mo,"
napakamot nalang ako ng ulo. "Napasarap lang tambay sa school,"
"Mas inuna mo pa tumambay kesa tapusin mga gawain mo dito sa bahay?"
ayan na naman yung bunganga nya, tss.
"Eh, akala ko matagal pa kayo uuwi, eh," pangangatwiran ko.
"At sumasagot ka pa! Edi sana tinapos mo muna mga gawain dito bago ka tumambay, tignan mo yung plato hindi mo manlang nahugasan ang alikabok pa ng sahig. John-john naman, alam mong bawal maalikabukan tong bahay diba? Pano kung atakihin ng hika yung kapatid mo? Yung labada, bawas-bawasan mo na baka magdumi na naman yung kapatid mo wala akong pamalit! Pano na yung kapatid mo? Di ka na naawa sakin at sa kanya!"
Naiyukom ko ang palad ko. Para na naman sa kapatid ko, eh para sakin? Wala ganun?
"Gagawin ko naman, naunahan mo lang," pangangatwiran ko.
"Eh kelan ka pa maglilinis? Kung hindi pa ko umuwi baka inahas na tong bahay na to wala ka pa ring pake! Wala ka na ba talagang gagawing makabuluhan? Kahit para sa kapatid mo nalang? Wala ka ba talagang puso at alam mo kung san bawal kapatid mo, ginagawa mo pa rin?"
TANG INA, PAGDATING SA KAPATID KO TALAGA EH NO!
"Mamaya lilinisin ko!"yan nalang ang nasabi ko baka mamaya di ko mapigilan ang sarili ko at kung anu ano masabi ko.
Napakamot nalang ako at dali-dali'ng umalis kahit nagsasalita pa sya, nakaka-inis eh. Kaya mas gusto ko pa na wala sila dito sa bahay eh!
Ako nalang lagi nakatoka sa gawaing bahay. Maglinis, maglaba, maghugas ng plato, lahat puro sakin! Tapos ako pa rin yung walang awa, yung walang puso? Tang inang buhay to, oh!
Nagulat naman ako nang pagpasok ko sa kwarto, eh pinaglalaruan nung kapatid ko yung g-tech ko. Hindi lang basta pinaglalaruan, sinusupsup pa!
"HOY BITIWAN MO YAN BALLPEN KO YAN!"
nagulat sya sa pagsigaw ko kaya natilapon nya yung ballpen ko. Dali-dali naman ako naghalughog kung san na napunta yung ballpen na yun. Halos itilapon ko na yung mga gamit ko sa paghahanap at sobrang gigil. Napa-iyak nalang yung kapatid ko habang nakikita ang galit ko.
"AYAN PUTANG INA, DI KO NA MAHANAP! BAKIT KA BA KASI PUMASOK DITO? AYAN! WALA NA ANG MAHAL MAHAL NUN EH!"
bigla naman sumulpot si mama at nagulat sa nakita. "JOHN MARK, WAG MO SIGAWAN YUNG KAPATID MO!"
"Eh, sya eh nangingialam ng gamit, ayan di ko na makita yung g-tech ko!"
"Ano ba yung g-tech? Cellphone?" sigaw ni mama at napakamot na naman ako ng ulo.
"Ballpen yun ma!" sambit ko habang naghahalughog pa rin.
"Ballpen lang, nagkakaganyan ka na?" di nya makapaniwalang tugon.
"MAHAL YUN MA!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw at nanlaki narin ang mga mata ni mama sa inasal ko.
"NANG DAHIL SA BALLPEN MUMURAHIN MO YUNG BATA? BAKIT KA GANYAN SA KAPATID MO? HINDI MO NALANG INTINDIHIN ALAM MO NAMAN KUNDISYON NYA DIBA?" hindi na namin napigilan an magsigawan, idagdag mo pa yung ingay ng pag-iyak ng kapatid ko... Nakakarindi talaga.
"MINURA KO BA? NAGMURA LANG AKO SA NANGYARI HINDI SA KANYA! WALA NA NGA KO GINAGAWA SA KANYA EH, SYA TONG MANGINGIALAM NG GAMIT! SYA NA TONG MAY KASALANAN, AKO PA RIN SISISIHIN! ILAYO MO NGA YAN DITO NAGKAKALAT PA NG LAWAY!"
"BASTOS KA! HINDI MO MANLANG NAISIP YUNG KONDISYON NG KAPATID MO!"
"BAKIT AKO BA MAY KASALANAN AT SPECIAL CHILD YAN? AT BAKIT KO IISIPIN YUN? AKO BA GUMAWA DYAN DIBA IKAW?" at dun ako nakatikim ng sampal kay mama.
nanahimik ang paligid pagtapos nun. Yung kapatid ko nakatingin nalang sakin at sumisinghot samantalang yung nanay ko, maluha-luha na yung mata.
Ewan ko parang feeling ko maiiyak na rin ako kaya dali-dali na lang ako umalis sa kinatatayuan ko. Narinig ko pang umiyak nang tuluyan yung nanay ko pero mas binilisan ko lang yung takbo papalayo pagkarinig ko nun.
***
"Tang ina special child naman pala kapatid mo eh, hindi mo nalang inintindi," sabi ng tropa kong si Franz. Sya lang kasi lagi kong takbuhan tuwing may problema sa bahay.
"Pre naman, buong buhay ko na inintindi! Isang taon lang naman agwat namin nun eh pero daig pa 4 years old kung umasta!"
"Eh, special child nga kasi, wala ka bang pagmamahal dun? Kahit awa lang?" sabay abot nya sakin ng baso na may red horse. Kaya gusto ko tong takbuhan ng problema eh, may painom agad. Narinig ko na naman yang 'awa' na yan!
"Syempre meron pero ang akin lang, hindi lang naman sya yung anak! Ako rin brad!" gigil kong sinabi habang naglalagay ng yelo.
"Malamang mas bibigyan ng atensyon yung kapatid mo kasi--"
"Kasi nga special child, putangina naman brad, paulit-ulit! Alam ko naman yun pero kahit ako yung normal na anak hindi ibig sabihin nun hindi ko na kelangan ng kalinga o atensyon! Brad, bata pa lang ako inaalagan na ni mama yun, ultimo laway nun bantay ng nanay ko. Tapos ako ano? Ako bahala sa gawaing bahay kasi nag aalaga sya ng kapatid ko, yun nalang silbi ko,"
Kaya nung nag high school ako, gumala-gala na ko. Ayoko na tumatagal sa bahay kasi lagi nalang ako papagawin ng gawaing bahay nakaka-puta lang. Kahit nga gumala ako, kahit iwan ko yung mga hugasin o labada, sakin pa rin nakatoka sa huli ako pa rin gagawa kasi nga hindi nya kaya isabay sa pag-aalaga sa kapatid ko. Ni ang bumubuhay samin eh yung tito kong walang asawa kaya todo bantay nalang talaga yun nanay ko sa kapatid ko.
"Ano ba kasing alaga ang gusto mo? Ano bang klaseng atensyon kelangan mo? Yung pupunasan din laway mo?" sabay tawa. Tangina neto.
"Hindi ko alam kung anong eksakto. Pero gusto ko lang maramdaman na kahit papa-ano may nag-aalaga sakin, yung hindi ako taga silbi lang sa iba. Isang taon lang agwat namin, nagkamalay na ko pinag-iigib na ko ng tubig pampaligo ng kapatid ko. Hindi ko na naranasan yung alaga na nakikita kong ginagawa nya sa kapatid ko. Siguro naranasan ko yun nung bagong panganak sakin ni mama, hanggang dun nalang siguro," napa-iling nalang si Franz sa sinabi ko. Ako napalagok nalang. Ayoko na talaga sa ganto'ng buhay.
"Pero Brad, hindi rin naman kaya ng nanay mo pagsabayin kayo, ikaw na rin nagsabi isang taon lang agwat nyo edi ang laking sanggol inaalagaan ng nanay mo tapos dadagdag ka pa,"
"Hindi naman kasi sa paraang pang-baby brad. Alam ko namang parehong wala na yung tatay namin, kinakaya ni mama mag-isa pero ano ba naman yung itanong manlang kung kumain na ko diba? Pag umuuwi ako nang gabing-gabi mas inaalala pa ni mama yung bahay na hindi ko pa nalilinis, yung labada, yung hugasin kesa sakin; kung san ako nagsususuot baka nasaksak na ko o kung ano. Wala Brad! Nganga, inaalala nya yung bahay na maalikabok kasi hihikain yung kapatid ko pag nagkataon.
"San yung parte ko brad? Wala diba? San ako sa buhay nya? Ano ako sa buhay nya? Kasambahay?" hindi ko na napigilang umiyak habang tumatagos lahat-lahat sakin. Ang sakit lang isipin, yung buhay mo eh binigay sayo hindi para sayo, kundi para sa ibang tao. Napahagulgol na talaga ako nang maisip ko yun.
Tinapik lang ni Franz ang balikat ko sabay hagod sa likod ko.
"Sige, iiyak mo lang yan Brad. Hindi ko naman alam kung anong dapat sabihin eh, pero gusto ko lang malaman mo na andito lang ako makikinig sayo," huminga naman ako nang malalim bago ako nakapagsalita ulit.
"Salamat Brad, yun lang kelangan ko sa ngayon. Tangina iinom na nga lang natin to,"
![](https://img.wattpad.com/cover/23493977-288-k321944.jpg)
BINABASA MO ANG
School Project
Novela JuvenilMatino ang title pero SPG ang kwento. NOT FOR DIRTY MINDED AND HYPOCRITE READERS, PLEASE LANG!