2 : Mark Twain

113K 2.9K 251
                                    


" Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option" - Mark Twain

-----

Pia

The weather is warm but everybody seems so busy still. Hindi nila alintana ang init mula sa sikat ng araw. The oval is full of students practicing most specially the cheering squad.

" Pia!" Rinig kong tawa sa akin ni Camille na mukhang kagagaling lang sa praktis ng mga Jaguars.

" Camille" Nakangiti kong wika sa kanya. Hinihingal siyang lumapit sa akin bago ito napatili sa harapan ko.

" Muntikan na kaming maghalikan ni Pierce. I can't believe we almost kissed." Masayang wika niya sa akin. Behind those smiles that she gives me lies something more. Camille is inlove with him. Babae din ako at alam ko kung paano kiligin ang isang babae.

" Ganon ba" I smiled. Ngumiti din siya pabalik sa akin.

" By the way, nag-aaya pala ang grupo na lumabas mamaya pagkatapos ng klase. Don't tell me, hindi ka na naman sasama Pia" Medyo masungit niyang pabiro sa akin.

" Sasama sana ako pero madami pa kase akong gagawin e. Bukas na yung intrams kaya marami pa akong hahabuling mga requirements." That's true. Marami akong ilalakad mamaya, hinihintay ko lang sina Fiona at Dean.

" Iyun lang naman pala e. Edi tutulungan ka naman namin nina Dean. Tatapusin natin lahat ng mga kailangan ngayong araw para makasama ka sa amin mamaya. The Jaguars are going to eat somewhere. Libre ni Pierce" Wika niya.

I may be a fool to myself for giving excuses all damn time just to avoid being with him but that doesn't make me stupid at the same time. Two years had passed but still I cannot face him. Ewan ko ba. His eyes and gazes are making me uncomfortable every damn time.

" I'll try to come this time" I said. Napasimangot si Camille.

" Iyan na naman tayo sa try mong iyan Pia. Kung sa ibang barkada natin sumasama ka naman pero kapag sa Jaguars na palagi kang busy." Wika niya.

Magsasalita pa sana ako ng marinig namin si Fiona.

" Camille andyan ka na pala. Pasama pala ako sa office ni President mamaya para maibigay na natin yung mga final list ng mga manlalaro bawat team" Saad ni Fiona.

Ngumiti si Camille.

" Pasensha na at ngayon lang ako nagpakita. Kailangan meron ako sa gym ngayon, praktis ng mga Jaguars. Kailangan ng Pierce na yun ng moral support" Wika ni Camille.

" At tsaka lalabas pala ang mga Jaguars pagkatapos ng klase, sama daw kayo nina Pia sabi nila" Dagdag niya.

Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyun ni Fiona.

" Oo naman. Darating kami nina Pia mamaya. Sabihin mo kay Tyrone na sunduin nalang niya kami mamaya." Saad ni Fiona.

Halos alas quatro na ng hapon ng matapos kami sa ginagawa namin.

Hindi na ako nagulat ng makita ko ang mga Jaguars na naghihintay sa amin sa gate ng university.

" I thought it would be Tyrone who's gonna fetch us" Fiona voiced out.

Piercing Fate (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon