25 : Carolyn Keene

66.4K 1.4K 99
                                    


" Do act mysterious. It always keeps them coming back for more." - Carolyn Keene

-----

Fiona

Tumingin ako sa ibang direksyon. Bakit ba nakakatakot ang mga tingin ngayon sa akin ni Savier. Si Ryver ay mukhang hindi inaasahan ang pagdating ni Savier kung kaya naman ay lumapit agad siya sa kanya.

Camille and Dean were also a little bit shocked to see him here.

" Savier, pare" Untag ni Ryver kay Savier na nakatingin parin sa akin.

" Savier" Kuha parin ni Ryver sa atensyon ni Savier. Parang may tumatambol sa dibdib ko ng mabasa ko kung ano ang nasa mga mata ni Savier. Medyo duguan din ang kanyang pisngi. Nakakuyom ang kanyang kaliwang kamao at halatang may sugat din ang mga ito.

" Susunduin ko lang si Fiona" Malamig niyang wika kay Ryver.

" Pero Savier-" Hindi na natuloy ni Ryver ang kanyang sasabihin ng tumingin sa akin si Savier at nagsalita.

" Let's go home, Fiona. Gabi na. Maaga pa ang pasok mo bukas" Utos niya. Seriously, what the heck is wrong with this man.

" Ayoko nga. Bakit sana e gusto ko pang maglangoy. At chaka halika dito at gamutin natin iyang mga sugat mo." Untag ko sa kanya at dumiretso sa may cottage.

Naiwan siyang nakangisi.

Ryver

Fucking shit! Hindi ako updated na pupunta dito si Savier.

" Susunduin ko lang si Fiona" Tangina. E susunduin din siya ni Tyrone at papunta na siya dito.

" Pero Savier-" Lintik na Jaguar na 'to.

" Let's go home, Fiona. Gabi na. Maaga pa ang pasok mo bukas" Kilala ko ang Savier na 'to. Mautak din 'to eh. Ngayon nagkakalabuan na ang lahat. Ngayon lang kase ako updated na matagal na rin palang may gusto 'tong si Savier kay Fiona. Kung kailan patapos na kami sa pag-aaral, ngayon na nagkakaganito. Savier wants to have her in the end as well as Tyrone. Pero sabagay, maganda naman kase talaga si Fiona. Mala Marian Rivera ang ganda. It's true, may kahawig siya kay Marian. Kaso nga lang maangas tignan si Tyrone. Pero mas sobra naman si Savier. Yung mga tropa kong iyon, sobra na talaga. Kailan pa naggaguhan ang grupo dahil lang sa babae. Si Captain ni hindi ko alam kung ano na ba ang estado ng relasyon nila ni Pia. Mahirap din kaseng manghimasok sa kanilang dalawa. Dahil bilang isang matalik na kaibigan ni Captain, kilalang kilala ko siya. From all his flirty nights. Lahat ng mga babaeng kinama niya. But all those women were just disposed by him like nothing. Matagal ko ng alam na isang babae lang ang bukod tangi ng aming pinuno. Iyun nga lang at nagawa niyang magtaksil. Yung pinuno kase naming iyon, minsan guwapo minsan gago. Tapos saka siya magwawala kapag iniwan na ng babaeng bukod tangi niya.

" Ayoko nga. Bakit sana e gusto ko pang maglangoy. At chaka halika dito at gamutin natin iyang mga sugat mo." Wika ni Fiona. Walang ginawa si Savier kundi ang sumunod. Kahit naman ano ang sabihin ni Fiona ay susundan at susundan iyon ni Savier.

Nakita kong sumunod na si Savier kay Fiona sa may cottage. Naglabas si Fiona ng isang med kit niya. Palibhasa nursing student 'tong si Fiona kaya laging may dalang ganon.

" Sa susunod kase huwag kang feeling. And stop staring at me like that. Hindi ako kuting at mas lalong hindi ka tigre" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabi ni Fiona. I know Savier is trying his fucking best to act cold infront of her still.

Dean

Kanino ba kase nakipagbugbugan 'tong si Savier at ganon na lang ang kanyang Pisngi at kamao. Pati si Tyrone ay wala rin dito.

Piercing Fate (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon