38 : Dr. Jo Wilson

66.4K 1.4K 138
                                    



" I always thought that there was something wrong with me. And I always wanted to run, until I met you. You're so screwed up that you make me make sense. You and me, we just fit." - Dr. Jo Wilson

-----

Pia

Kanina ko pa pinapakiramdaman si Pierce habang nagmamaneho siya. Ewan ko ba at iba ang pakiramdam ko sa mga kilos niya. Yung pananalita niya. Yung mga ngiti niya.

" Are you alright Pierce?" Hindi ko na napigilang tanungin siya. Kanina pa talaga siya ngisi ng ngisi at ngiti ng ngiti na para bang ubod ng saya pero pilit niyang itinatago.

" Yes I am, more than you'll ever know, baby" He even winked at me. Seryoso ako hindi ko alam ang nangyayari kay Pierce.

" And you're calling me baby" Wika ko ulit na kanya na siyang dahilan ng pagngisi niya. He then smiled.

" Just practicing. Alam mo naman, ready na akong maging daddy" Biglaang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi makutuban sa mga sinasabi ni Pierce.

I looked at him.

Tumawa siya

" Just joking. You look so beautiful, Pia. Everyday, you seem to look more and more beautiful in my eyes" He said to me.

" Pierce, ano na ang mangyayari sa atin. Huwag mo namang sayangin ang pagkakataon na meron ka ngayon." Seryoso ko ng pakiusap sa kanya. Nakita ko siyang huminga ng malalim.

" Humingi ako ng isang buwang bakasyon mula kay papa. Mas okay na rin na ayusin muna natin ang meron tayo ngayon Pia. Huwag yung ganito tayo na araw araw nalang ako kinakabahan sa puwede mong maging desisyon. Mahilig ka kaseng magdesisyon na ikaw lang Pia. Sana naman ngayon ay ilugar mo ang desisyon mo at tanggapin mo din ang kung anumang gusto kong mangyari para sa atin. Pinagpili kita. It's either we both stay here or you come with me back in the Philippines. Either of the two, I will be by your side. I cannot leave you now. Not now, not ever." He said. Alam na niyang buntis ako. There's no doubt on that. Kilala ko si Pierce, gusto niya parin ay manggaling sa akin ang kompirmasyon na iyun. Kung alam na din lang niya, bakit ko pa itinatago. Sa larong nilalaro namin ay inaamin kong ako na ang talo. Kahit ano pang gawin ko, wala rin lang akong laban sa kanya. He always is one step ahead of me. At ngayon, alam kong marami na siyang plano. Iyun nga lang at kailangan ulit niyang ipagkaintindi sa akin.

Tumingin ako ng diretso sa kanya bago ako muling nagsalita.

" Ask me a question and I will directly answer it" I said to him.

Diretso siyang tumingin sa aking mga mata. Ang kanya'y tila ba apoy na biglaan nalang nasindihan at umaalab ito. Naging maiinit ang malamig na paligid dahil sa mga tingin niya sa akin. Ang kaninay tumatawa pang Pierce ay naging sobrang seryoso na ngayon. Kahit hindi paman siya nagtatanong ay alam na ng aking puso at isipan kung ano ang tatanungin niya at pinaghandaan ko na rin ang pagkakataong ito.

I guess this is the part where the father of my child will ask if I am pregnant or not.

" I don't need to ask you in order for you to tell me, Pia. It's my right to know it." He said. Napalunok tuloy ako.

Bakit ba parang pinagpapawisan pa ako.

" Tell me, why are you so scared of telling it to me. Bakit ka takot ma takot na sabihin sa akin. Because you know for a fact that I will jump as high as the mountains when I get to know it." Wika niya pa sa akin.

" Dahil alam kong wala ka ng ibang iisipin kundi ang sitwasyon ko. Alam kong hindi mo tatanggapin ang trabahong ibinibigay sa 'yo ng iyong ama dahil na naman sa kagustuhan mong makasama ako hanggang sa manganak ako" Untag ko sa kanya.

Piercing Fate (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon