4 : Marilyn Monroe

99.3K 2.2K 164
                                    


"A strong man doesn't have to be dominant towards a woman. He doesn't match his strength against a woman weak with love for him. He matches it against the world." - Marilyn Monroe

-----

Pia

Today is the grand opening for this year's intramurals. Everybody is busy. Halos lahat ay para bang sobrang busy dahil sa kung anong larong sinalihan nila. It is basically because everybody craves to win.

The drums are creating noises and sounds everywhere. It is indeed the university's intramurals.

" Hey Pia!" Tawag sa akin ni Brent, kaibigan ko.

" Uy Brent, kamusta. Balita ko sumali ka raw sa baseball" Wika ko sa kanya. Magaling siyang magbaseball. Simula elementary palang kami ay baseball na ang kinahiligan niyang laro.

He is also the man behind our break up. We don't have any affair but for Pierce, we have. Kahit naman paulit ulit kong ipaliwanag sa kanya ay wala rin lang silbi dahil iyun parin ang tingin niya.

" Nood ka ng game namin ha." Wika niya sa akin. I smiled.

" Oo naman, darating ako" I told him. Ngumiti siya pabalik.

" Pangako mo iyan ah. Hihintayin kita dun" Untag niya bago tuluyang nagpaalam na umalis. Mukhang tinatawag na rin kase siya ng mga kasamahan niya.

" Iyan na nga kase ang sinasabi ko sa 'yo Pia eh. Masyado kang mabait. Alam ko namang pinapahalagahan mo ang pagkakaibigan niyong dalawa ngunit sana naman ay inisip mo din na may jowa ka noon na ubod ang pagiging seloso" Fiona told me.

" Matagal na kaming tapos, Fiona. Dalawang taon na rin ang nakakalipas. Kahit ano pa man ang naging dahilan ng paghihiwalay namin, naghiwalay parin kami. The relationship has ended because it has to. The relationship is no longer thriving. Araw araw nalang ay ganon ang nagiging dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan." I told her.

Nagpatuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gymnasium kung saan gaganapin yung grand opening ng intramurals.

" Dahil masyado ka rin namang mabait, Pia. Bakit, nung minsan bang nagkasakit si Pierce at kasabay non ang pagkaaksidente ni Brent kanino ka pumunta. Diba kay Brent." Singil sa akin ni Dean.

Alam ko namang hanggang ngayon ay issue parin iyun sa kanila. Hindi na natapos tapos ang lahat ng issue dahil sa paghihiwalay namin ni Pierce. If only they know that I went to Pierce's condo unit afterwards. And the scenario that greeted me pained me too much.

" Hay nako, kahit anong sabihin natin hindi rin lang iyun mababago ang katotohanang si Camille na ang meron si Pierce ngayon" Fiona said

" Si Camille nga ba?" Dean interrupted.

Dean

Hindi ako bingi at maslalong hindi ako bulag. 'Yung tipong halatang mahal parin nila ang isa't isa ngunit walang may gustong umamin. O siya lang.

Hanggang ngayon kase hindi ko din alam ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Pierce. It might be because of something painful. Pero alam kong hindi iyun dahil sa isang mababaw na dahilan.

Nakita ko din kase kung gaano kalala ang ginawang pagsuyo sa kanya ni Pierce noon. He tried fixing the relationship but Pia gave up. I can't blame my friend. She might have her reasons for that. Hindi ko din naramdaman ang naramdaman niya noon kaya wala din akong karapatang kwestyonin ang naging desisyon niya.

Maldita siguro ang tingin ng iba sa kanya dahil sa kanyang determinasyon at galing sa pamumuno ngunit pagdating sa pag-ibig at pagkakaibigan ay masasabi kong isa siya sa pinakamabait na kaibigang nakilala ko.

Piercing Fate (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon