15 : Stephen Curry

87.6K 1.7K 109
                                    



" I've never been afraid of big moments. I get butterflies. I get nervous and anxious. But I think those are all good signs that I'm ready for the moment" - Stephen Curry

-----

Pia

Pabalik na kami ng Manila ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang binigyan kong muli ng pangalawang pagkakataon ang anumang meron kami ni Pierce. Hawak hawak niya ngayon ang aking kamay habang magkatabi kaming nakaupo sa van pabalik ng Manila. Paulit ulit kong iniisip kung tama ba ang naging desisyon ko. Sa ngayon kase magkahalong emosyon ang nararamdaman ko.

Saglit akong napatingin kay Pierce na ngayon ay nakangiting nakatitig sa akin.

" Bakit ka nakangiti?" Wika ko sa kanya.

" Masama na bang ngumiti dahil masaya?" Bulong niya sa akin.

Ramdam ko ang mga titig sa amin ng ibang mga Jaguars. Kaya nang tignan ko sila, hindi na ako nagulat pa nang makitang tahimik silang nakatingin sa Captain nilang kahapon pa hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa kanyang labi.

Tipid ko lang silang nginitihan.

Nang makarating na kami sa Manila ay nagprisinta siyang ihatid ako sa amin. Hinayaan ko siya.

Alam ko din kaseng walang patutunguhan ang pagtanggi ko.

Hindi ko alam pero bakit parang naninibago pa ako na kami na ulit. Yung tipong hindi parin ako sanay sa ganito.

Tahimik kaming pareho habang nakaupo ako sa shot gun seat. Batid kong gustong gusto ko ang pagkakataong meron kami ngayon.

Tahimik lang siya ngunit ramdam ko ang saya niya. Ilang beses din siyang napapasulyap sulyap sa gawi ko na para bang shonga.

This is what he does even before. Noon kase gusto niya palagi akong hinahatid. Kahit pagod siya ay darating at darating parin siya kapag kailangan ko siya. He never missed a celebration we both scheduled. He never missed a date. And he always comes on time.

I don't know the life ahead of us. Hindi ko alam kung pagkatapos ba ng ilang buwan, taon, ay mananatiling tapat si Pierce sa akin. He did it once and it broke my heart big time.

Nang makarating kami sa bahay ay agad niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa dati niyang espasyo. Alam kong nakauwi na sina mama dahil nakaparada na din sa tabi yung kanyang kotse. My dad may not be home now because I remembered that he is going to attend to an important business meeting abroad. Tanging si mama lang ang nandito sa bahay.

Hindi na siya nagulat nang makita niya ulit si Pierce na kasama ko. All she did was to smile.

" Andito ka pala hijo" Mom acknowledged his presence. Agad namang napangiti si Pierce bago niya niyakap ang aking ina.

" Namiss ko po kayo tita" Wika ni Pierce. Dahil sa kagustuhang magkaroon ng lalaking anak ni mama ay hindi ko siya masisi pa. Malapit ang loob ni mama kay Pierce noon pa man. Kaya noong nalaman niyang wala ng kami ay dinamdam niya ito.

" Kumain na ba kayo?" Agad niyang tanong.

" Ma" Untag ko kay mama ngunit pinalakihan niya ako ng mata. Hindi naman na kase kailangan. Nandito lang si Pierce dahil hinatid niya ako.

" Pasok ka hijo. Sina mama mo ba nandirito sa bansa?" Tanong sa kanya ni mama na para bang hindi kami nagkahiwalay ni Pierce ng ilang taon.

" Mag-isa ko nalang po sa bansa tita. Nagmigrate na po sina mama sa States noong nakaraang taon" Pati ako ay napatingin kay Pierce na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Piercing Fate (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon