22 : Fantastic Bliss

72.2K 1.4K 63
                                    


" Love is unmerited. You don't need to be worthy of it before you get to experience it" - Fantastic Bliss

-----

Pia

Trust

Bakit ba madaling bigkasin ngunit mahirap ibigay at paniwalaan ang salitang iyon.

" Huy Pia, okay ka lang? Nakatunganga ka ata diyan?" Rinig kong wika sa akin ni Fiona. Andito kami ngayon sa basketball court at pinapanood ang mga Jaguars na naglalaro. Pierce was happily dribbling the ball while smirking at my direction.

Pansin ko ang mga tingin niya sa akin. The Pierce I am seeing right now is still the same playboy Pierce I know.

Ang daming kinikilig na mga estudyante sa likod namin. They were all cheering while I don't. Pierce was so energized while I watch him play. Yung tipong binibigay niya ang lahat ng galing niya dahil alam niyang nanonood ako. Ngunit sadyang walang anu mang bagay ang nagbibigay na sa akin ng lakas ng loob para magcheer para sa kanya. Sapat na yung saya at kontento na nasa puso ko ngayon.

" Okay lang ako, yung monthly report pala na isusubmit natin?" Bahagya kong tanonv kay Fiona na tila ba hindi na pinapakinggan ang tinatanong ko dahil nakatutok ang mga matang nakatingin kay Tyrone. Hindi ko alam kung totoo ba ang napapansin ko ngunit pansin kong pasipol sipol si Savier habang paminsan minsang tumitingin sa gawi namin, lalo na kay Fiona na hindi iyun halata dahil kay Tyrone ang kanyang baling.

Sa kanilang lahat masasabi ko na si Pierce parin ang pinkamagaling. He is the point guard. Halos karamihan ng puntos ay galing sa kanya.

Everything is never the same again. Iyung relasyong meron kase ngayon ay hindi na gaya ng dati. I can see now the difference. Kung siguro noon ay baka may banner pa akong hawak at kanina pa sumisigaw. Baka nga masmalakas pa ang sigaw ko kaysa sa mga estudyanteng nasa likod ko ngayon. That's how I am very supportive of Pierce. Minsan lang naman ako hindi dumalo ng laro niya nong kami pa. Sadyang marami lang talaga akong gagawin noon. And look what happened. Mabilis kong binura ang anumang nasa isip ko ngayon. I wanted to make this relationship work.

Nang matapos ang praktis nila ay lumapit agad siya sa gawi namin. Kahit pawisan ay hinalikan niya parin ako sa labi gaya nalang ng dati niyang ginagawa. Halos mapatingin pa sa amin ang ibang mga eatudyante na nasa likod ko. I know that for a hearthrob like him, being in a relationship with a woman like me is somehow still not supported and approved by all of those girls who planted their hearts on him. They always somehow wanted a hearthrob to be single.

Tuwing nangyayari 'to na hinahalikan ako ni Pierce ay para bang namumula pa ang aking pisngi. Hindi naman basta basta kase halik ang ginagawa niya kundi may kasama pang dila at laway niya. Ganon naman kase humalik si Pierce.

He continued kissing me not minding that my friends, the Jaguars and a lot of students are all eyes on us. But the mere fact that he is used to public display of affection makes me want to talk to him about this matter.

" The kiss is too long Pierce. We are in the open" I whispered while our lips are still glued on each other. I felt him smirk and ended the kiss. I saw him smile.

" Gutom ka na ba?" He asked me. Kakakain lang namin nina Dean kanina bago kami pumunta dito.

" Ako gutom ako" Sabat ni Fiona.

" Tara kain tayo!" Rinig naman naming sigaw ni Tyrone na mukhang narinig pa ang sinabi ni Fiona. Savier just stayed silent but his eyes are darted on Fiona who was happily eyeing Tyrone. Parang noong isang araw lang e magkaaway ang dalawang 'to ngayon naman na e mukhang bati na sila.

Piercing Fate (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon