bukangliwayway

7 0 0
                                    

April 26. 2014

Saturaday

09:00 p.m.

            Nandito ko ngayon sa tabing dagat, nakahiga habang tanaw-tanaw ang malawak na kalawakan.Madilim man ang paligid, malinaw ko pa ring naaaninaw ang makulimlim na mga ulap na tumatabon sa mga bituin sa langit.Ang malamig na hangin at ang tahimik na pagdampi ng tubig sa aking katawan, sabay ko itong nararamdaman habang walang tigil ang aking mga daliri sa pagpindot sa keypad ng cellphone.

            Isinusulat ko ang mga bagay na gusto kong sabihin pero wala akong alam na pwedeng pagbigyan nito para basahin, kaya sa huli, ikaw na lang ang pinili ko dahil wala naman akong pagpipilian sa umpisa pa lang.

            Noong lunes lang umuwi si Mamita, napakasaya talaga ng pamilya kapag nagsasama-sama.Gabi-gabi sa bahay nila, ang ilang taon nilang bahay na madalas mapagkamalang haunted house  ay napuno ng kasiyahan at parang may pista mapa- agahan, tanghalian lalo na kapag hapunan.Dahil malaki ang makalumang bahay na iyon, ilan sa mga kamag-anak namin na nanggaling pang probinsya ay doon na muna nanuluyan.

            Ngayon ang araw na maalwan para sa lahat, holiday para sa mga may trabaho at bakasyon sa mga estudyante, kaya naman nagpasya si tita Les na ngayon na idaos ang aming Family Reunion.

            Madaling araw pa lang ay nasa byahe na kami, kinailangan naming mag-arkila ng isang jeep dahil hindi na kami kasya sa van ni Mamita.Ang dami na ngang nagbago. Nagkatawana na lang kami nang maalala na noon ay kasya kaming lahat, lahat-lahat sa van na iyon.Pero ngayon? Tama, nagsipaglakihan na nga kami at ang ilan sa'min ay may sarili na ring pamilya kaya hindi nakakapagtakang kailangan na talaga ng back up!

            Pagkatigil ng sasakyan, nag-uunahan ang mga pamangkin ko sa pagababa para pumunta sa dagat.Ha! Nakakatawang tingnan ang mga pinsan at kapatid ko habang sinasaway ang makukulit at 'di maawat nilang anak. Nakikita ko ang sarili namin sa mga batang iyon. Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti at pagmasdan sila, nakakatawang isipin na ang mga pasaway noon ay sumasaway na ngayon.

            Noong umaga ding iyon, pinangunahan na ni Mamita ang mga palarong inihanda niya, tag of war, family vs. family, paper dance na mag asawa o kapatid ang mag partner at ang pinakamahirap sa lahat, ang hanapan ng piso sa dagat na walang manalo-nalo dahil agad na naaanod papalayo o kaya naman ay natatabunan ng buhangin ang piso.Pagkatapos ng kulitan ay nagsipagkainan na ang lahat, 'di mahulugang karayom ang pagkain na nakahanda sa mahabang lamesa sa cottege ngunit anong panama ng mahabang lamesa kung isang batalyon ang haharap dito, parang dinaanan ng buhawi ang hapag, naubos ang lahat ng pagkain.

            Handa nang maligo ang lahat sa dagat ng mapansin ako ni Mamita.

tita: Oh Abel, ano pang hinihintay mo diyan? come on let's have some fun!

ako: sige po mamita, susunod na lang po ako.Tulungan ko lang po si tatay          dito mag-asikaso ng pagkain.

tatay: Naku, 'wag na! Les, hilahin mo na 'yan papuntang dagat doon may           mararating pa yan kaysa sa pagluluto

tita: hmm, kuyaaaaaa...come here my darli'n, let's go, I'll teach you how to     hunt some chicks out there!hihihi

            Ipinalupot na ni Mamita ang braso niya sa braso ko, kaya wala na kong nagawa kundi magpatangay na rin.Hanggang ngayon alam kong may hinanakit pa rin si tatay sa pasya ko, kahit pa pinatunayan ko na sa kaniya na hindi napawalang saysay ang pagkuha ko ng Fine Arts.

tita: Hey! Don't mind your father OK? give me some smile...

            Ako naman ay pilit na napangiti.

ako: yes, tita, sorry.

tita: wait,wait,wait...what did you just call me?

ako: Mamita, Mamita po!hahaha

tita: Nasa'n na yung full of joy na Abel na pamangkin ko? You're not you.I      knew it.Eversince na nag message ka sa'kin at sinabi mong pag-aralin kita.I was shocked back then, because I really thought na kung may   tutulungan ako sa inyo ay ang kuya mo 'yun, but when I heard the news    na sinapak ka ni kuya, sa isip-isip ko bakit kaya? Tapos sinabi nila ate     mo ang dahilan, tapos sinabi ko sa tatay mo na mali namang ipilit niya    sa'yo ang business n'yo kung ayaw mo talaga at nanghinayang din naman      ako sa'yo so I helped you.Pero kinausap ko rin si kuya, hindi naman niya     ginawa 'yun dahil gusto mong mag-aral o dahil sa course na gusto mo,       nabigla lang siya nung sagutin mo siya.Why did you do that? Sinabi ni      kuya na para kang ibang tao that time, why?

ako: Po?hahaha, baka po nanibago lang po si tatay dahil hindi naman po talaga ko palasagot.

tita: no that's not the point.Hayyy...I said too much but you know what?        umiyak noon si kuya dahil sobra siyang natakot sa hitsura mo that time, he said your eyes are dull,angry or something else na hindi    niya maipaliwanag, at first time nya lang daw nakita kang ganoon           plus,   puro ka bruises, putikan and basang-basa.Abel, what happened?

                    

            Mapakla akong ngumiti habang nakayuko at iwas na sinagot si tita Les.

ako: sorry po Mamita, parang napagod po yata ako sa byahe, pahinga po muna ko.

tita: sure, sure, okey...take your time.

          Tinapik-tapik pa niya ko sa balikat bago ito dumiretso sa karamihan ng taosa dagat.Hindi ako makapaniwala sa narinig, sa buong panahon ng aking kolehiyo hanggang ngayon akala ko ang suntok na iyon ay dahil sa kurso ko pero mali ako.

            Alangan pa kong bumalik sa cottege dahil siguradong naroon si tatay, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nagkita kami, kapag pumunta naman ako sa mga kamag-anak ko ay walang katapusang kamustahan at kwentuhan na naman kaya lumakad ako sa kabilang direksyon, malayo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

Blangko ang utak ko habang nakayuko, pakiramdam ko ay unti-unti akong lumulubog sa napakalalim na tubig, lumalalim pa ito ng lumalalim hanggang sa  wala na akong marinig.

            Iginala ko ang mata sa paligid, walang tao, ang maliliit na tuldok sa kabilang dulo ng pampang, naroon silang lahat.Narating ko ang dulo ng resort, isang mataas na pader na semento ang naroon.

Tanging tagbik sa dagat at huni ng ibon ang maririnig sa paligid.Tinanaw ko pa ang pader at hindi ko alam kung bakit, pero parang tinatawag ako nito.

            Umakyat ako at tahimik na umupo, dapit hapon na noon, nararamdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura kaya tumayo na ako, ngunit ang gutom ko ay biglang nawala dahil nabusog ako sa ganda ng papalubog na araw.

'          Ang pakiramdam ng araw na iyon, walang pagbabago, mali, malaki ang ipinagbago.

ako: ngayon alam ko na ang pakiramdam na kahit tanaw na tanaw mo ay   hindi mo naman mahawakan.Salamat Shin.

            Napakaganda ng lugar na iyon.Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni tita Les.Ang pag-iyak ni tatay.Ang tanong na "Bakit?" mga katagang "you're not you".

            Sa lumipas na mga taon, Sino na nga ba ako? Kung ganoon, ang pakiramdam na parang may kulang, galit, kalungkutan.Hindi lang pala ako ang nakaramdam noon, pati si tatay.Nawala na ang dating Abel."Nasaan na ang full of joy na Abel?" Ang pagiging palabiro ko, ang kumpyansa ko sa sarili, lahat-lahat ay naglaho na.

Simula noong araw na iyon, naging malamig na ang pakikitungo ko sa lahat.Hindi ako takot mapag-isa sa eskwela o sa trabaho o sa bahay dahil iyon talaga ang mas gusto ko.Kinakaya ko ang lahat ng ako lang mag-isa, ayoko nang umasa pa sa iba, ayokong mapalapit kahit kanino.Ano bang nangyari noong July 09, 2007, lunes, fourth year high school.Handa ka na bang malaman?

                                                                                                -Ako

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon