ang dahilan

27 2 0
                                    

Tumingala ako sa malawak na kalangitan

                        at nakita ko ang kulay ng karagatan

                                    ang ulap sa alapaap at ang nakasisilaw na araw

sandali...

ang init, napakainit

                        bakit lumalabo ang paligid?

                                                        HUWAG!!!

kaunting tiis pa, sandali na lang at  matatapos din ang lahat.

                                                                                                                        - Ako

April 06, 2014

Sunday 

06:05 pm

            Nandito ko sa sala ngayon, nakaupo, nagsusulat at hindi makapag-isip ng sasabihin dahil naabala ako ng T.V. Naisip ko kasing mas magandang kausap ang papel kaysa sa salamin.

            Bakit?...dahil sa t'wing gagawin ko iyon sa banyo, ganito ang senaryo.

TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! toktoktoktoktoktoktoktoktoktoktoktoktoktoktok

          Malalakas na kalabog sa pintuan ang biglang manggugulat sa'kin at kapag nabuksan ko na ang pinto, mukha ng ate ko at dalawang nakababatang kapatid ang bubulaga.

ako: Ano ba 'yon?! hindi pa ko tapos maligo..

kapatid 1: akala kasi namin may kasama ka nang naliligo sa loob at parang                            nagtatalo kayo

kapatid 2: oo nga kuya! me'ron ba kayong hindi mapagkasunduan?

ate: hoy Abel! ano bang nangyayari sa'yo?!?

          Naalala ko no'n napanganga na lang ako inis, nagtataka, masyado bang malakas ang boses ko?

ako: tsk! ewan ko sa inyo!­­

          Sabay sara ng pinto.Sa banyo pa lang 'yon, saan pa ba?

sa sala...

            na may biglang mambabato ng kung ano at ang laging gumagawa nito ay ang kuya ko.Minsan naman may sasagot na boses, ako naman magugulat pero tatay ko lang pala 'yun.Oo, medyo close kami, medyo lang naman.

            Pero ito ang nagpabago ng lahat...

sa classroom...

            Hapon noon at grupo namin ang cleaners, at sa  kasamaang palad ako ang leader, hindi ko alam kung bakit hindi lilipas ang ang bawat taon na hindi ako magiging leader.

            Hayyyy...napapagod na nga, nakakasawa na rin, kaya naman simula noong nakaraang taon ay tinanggihan ko na ang mas malalaking pwesto gaya ng president, presidente at pangulo, sapat na ang pagiging leader.

            At dahil ako nga ang leader, ako ang may hawak ng susi ng room kapag group namin ang cleaners, bukod diyan, ako ang laging una sa umaga ta huli sa pag-uwi...ang saklap 'diba?!?

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon