sakit sa mata

17 0 0
                                    

May 1, 2007

Saturday

2:00 pm

            Isang linggo na rin ang lumipas, ngayon ang araw na naipangako namin ni Max kay crush.Lulan ng bisikleta, kinahapunan ay umalis na ko ng bahay para pumunta sa kanila.Nadaanan ko ang bahay nila Max, sandali pa akong tumigil sa tapat nito pero nagpasya na kong umalis nang muling umalingawngaw ang iniwang kataga ni kuya Toto sa’kin, kaya naman hindi na ko naglakas-loob hamunin ang kaniyang salita.Hanggang ngayon palaisipan sa’kin ang lahat.

            Hindi ko sigurado kung ang pagtatalo namin o ang pagka-broken hearted ni Max ang dahilan kaya siya umiyak.Noong wala pa akong sinasabihan ng tungkol sa kanila ni Shin, buo ang loob kong dahil sa break up nila kaya siya nagkakaganoon pero nang kausapin ako ni crush, hindi maalis sa isip ko ang tanong niya sa’kin.Ngayon tuloy nagdadalawang isip na ko kung si Shin nga ba o hindi ang problema ni niya.

            Tulad ni Max hindi ko rin maintindihan ang gustong mangyari ni kuya Toto at pinapalayo niya ko sa anak niya.Hindi ba dapat ay nagtutulungan kaming alamin ang problema ni Max? Mas madaling pagsabihan kung minsan ang kaibigan kaysa magulang, gaya ng sa kondisyon ni Max. Pero bakit? Bakit?

            Ito ang mga iniisip ko habang papunta sa bahay ni crush.Nakita ko siyang nasa labas na ng bahay nila, mukhang hinihintay niya talaga ang pagdating namin ni Max dahil agad niya itong hinanap nang mapansing hindi ko ito kasama.Sa ngayon ayoko munang isipin ang pamilya ni Max, kaya naman iniwasan kong sagutin ang tanong ni crush.

Ako: tara practice na tayo, doon tayo sa may walang masyadong tao para makagalaw ka ng maluwag at hindi ka rin maaksidente, baka kasi makabunggo ka, hehehe

            Masaya naman ang nagdaang oras kasama si crush dahil halata naman sa mukha niya na nag-enjoy siya, sana ako din pero para sa’kin parang walang sigla, walang buhay.Ang kasiyahan ko kapag kasama siya ay tila nabawasan dahil sa bagabag na matagal nang gumagapang sa dibdib ko nitong nakaraang linggo.

            Sa ilang oras naming pagpa-practice ay marunong na siyang magbisikleta, mabagal man pero maayos ang kaniyang balanse at iyon ang mas mahalaga.Tuloy lang siya hanggang masanay ang kaniyang buong katawan sa pagbibisikleta.

            Nang mapagod ay nag-aya na siyang umuwi dahil nagsisimula na ring mamula ang araw, hudyat na malapit nang mag-agaw ang liwanag at dilim.Napakabilis ng oras sa kaniya, napakabagal naman nito sa akin ngunit kahit ganoon wala akong maramdamang ikinapagod ng aking katawan, ang tangi lang mabigat sa’kin ay ang aking ulo na punong-puno ng ‘di makalimutang problema kahit sandali.

Crush: Abel, okey lang ba kung maglakad na lang tayo pauwi?

ako: ha?!?...oo

          Lumilipad talaga ang utak ko, wala akong mahagilap na paksa na pwede naming pag-usapan.Ang ganitong tagpo ang lagi kong inaasam-asam pero ngayon...Anong ginagawa ko? Pinapa alpas ko ang perlas sa’king palad.Diretso lang kami sa paglakad.

Crush: may problema ba? Parang hindi ka kasi ngumingiti ngayon...

ako: anong hindi?!...ayan oh...EEEEEEEEEEEEEEEEEE!!! laki ‘diba?

crush: hindi ‘yan yung mata mo

ako: baka dala ng puyat kagabi hehehe

crush: may problema ba kayo ni Max?

ako: huh?!?.................wala naman........

crush: kung ganoon bakit ka umiiyak?

          Hindi ko naramdaman ang pagpatak ng aking luha.Bakit nga ba? Parang rumaragasang ilog na patuloy lang sa pagdaloy, wakang katapusan, walang hangganan.Tumigil kami sandali sa paglakad, hinipo ko ang basang pisngi.Tama siya may luha nga.

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon