April 2007
Summer Vacation
Natapos ang thrid year, dumating ang bakasyon.Namimiss ko na ang school hindi dahil sa kating-kati na kong mag-aral kundi dahil gusto ko nang makita si crush kaya nakaisip ako ng paraan para mangyari iyon.
ako: please Max, sige na, sige na pleaseeeee...besfren sige na naman oh!
Max: alam mo nakakahalata na ko e! Hindi ako bagay na pwede mong gamit-gamitin kapag gusto mo a! alis na!
Aling Nena: hoy Max-kolado, ano na naman ‘yang naririnig ko sa’yo?!
Gan’yan ba tayo tumanggap ng bisita? Hindi kita tinuruan ng gan’yang asal,
saan ka ba natututo n’yan?! Parang----
Max: joke lang po nay! Binibiro ko lang po si Abel...tara pasok ka, tuloy, tuloy!
Pinutol na niya ang mahabang litanya ni Aling Nena at nagsalita ng may kabaitan sa’kin pero nanlalaki ang mga mata habang mariing nakadikit ang mga ngipin at may malawak na ngiti.Ganito ba ang feeling ni Batman kapag kaharap niya si Joker? Siguro sobrang lakas talaga ng loob ni Batman para harapin si Joker dahil hitsura palang nito nakakatakot na, gaya ng kaharap ko.
Binuksan na ni Max ng maluwang ang kulay gray nilang gate.Mababa lang ito, kasintaas niya mismo.Napapalibutan ng hanggang bewang na pader ang bahay nila na pinatungan ng mga di gaanong kakapal na bakal na may pataas at pahalang.Sa unahan ng bahay nila ay may malalagong bulaklak ng santan, may kulay pula, dilaw at pink.
Pumasok ako sa kanilang sala, tatlong single-sofa lang ang naroon, sakto lang para sa kanilang tatlong miyembro ng pamilya.Minsan lang ako makapasok roon dahil minsan lang naman magpapunta ng bisita si Max, mali,dahil pilitan pa pala bago ka niya mapapasok sa kanila.Isa pang factor ay ang tatay niya, si Kuya Toto, tall, dark ang handsome.Sayang nga talaga dahil hindi niya nakuha ang height ng tatay niya, pero nakuha niya naman ang mukha nito.Parang siya ang babaeng version ni Kuya Toto, hindi lang pala sa mukha pati sa ugali.Para kasing laging galit ito sa lahat, kapag nasulyapan mo nga ang mga mata nito, laging nakasalubong ang kilay at matatalim na mata ang tititig sa’yo!
Umupo na ko sa sofa na nasa gilid ng televison set.Sa gitna ay may maliit na babasaging lamesa na may bonsai sa halaman sa gitna.Sa likod ko ay may malking bintana na natatakipan ng kulay pink na kurtina.Sa gilid nito ay may malaking Tokador, doon makikita ang lahat ng mga medals, trophy, certificate, diploma, picture frame at album ng pamilya.Marami ring maliliit na picture frame si Max.
Max: hoy! Nakita mo na ‘yan dati ‘diba? Tama na kakatingin!
ako: taray naman nito...bakit pa idinesplay kung bawal tingnan?
Sa kabilang gilid naman ay may maliit na pintuan na tinatabingan ng mga nakalawit na beads, iniluwa nito si Aline Nena na may hawak na timba ng isasampay.
Aling Nena: bigyan mo ‘yan ng tubig Max, tingnan mo pawis na pawis!
ako: salamat po te
Max: opo
Pumunta na si Max sa kusina para kumuha marahil ng inumin.Masaya pa ang aking pagngiti sa mapagpatuloy na nanay ni Max.Ang pa-slouch kong upo ay napalitan ng military position nang makitang nakasunod pala dito ang esposo.Nakatingin lang ako sa sahig at nanahimik.
Toto: sino ba ‘yan!? Katanghaliang tapat ang iingay n’yo!
ako: magandang tanghali po
Toto: bawal pa ligawan si Max. Kita mo hindi pa niya alam kung ano talaga siya, maghanap ka na lang ng iba, sige na!
BINABASA MO ANG
to be continue...
Teen Fictionpa'no ba mag move on? "be patient, but don't wait forever for something that isn't going to happen" "sometimes you just have to pick yourself up and carry on" "one has to learn to forgive not only the person who have done one wrong but also oneself"...