JS hang-over

5 0 0
                                    

February 2007

third week of the month

            Isang linggo pa lang ang nakalilipas, may J.S. hang-over pa ang mga third year at fourth year.Lalong sumikat sa mga babae sila Niel at James.Maging ang mga first year at second year ay kilala na sila.

            Naging sikat ang grupo namin sa school.May mga nagsasabing nasa grupo na raw namin ang lahat.May matalino (Shin),may mga gwapo (Niel & James), may bigatin (Max),may matalino,gwapo at bigatin (Ako) at nadagdagan pa ng maganda (crush).

            Matapos ng J.S. lagi nang sumasama sa'min si crush dahil wala siyang magawa sa pangungulit nina Niel at James.Masaya kong makitang nag-e-enjoy siyang kasama kami lalo na si Max.Sabagay, babae pa rin naman si Max kaya malamang na mas maging close sila.

            Walang nagbago sa'min ni Shin kahit pa nalaman ko ang sikreto nila.Wala akong pinagsabihan, hindi ko rin pinahalatang mayroon akong alam kaya walang kamalay-malay ang lahat sa kung anong relasyon mayroon sila Shin at Max.

            Noong hindi pa kami magka-ayos ni Max, hindi siya sumama sa grupo kapag naroon ako.Kapag nakikita na niyang palapit na ako sa kanila ay agad siyang aalis.Dahil mga kaibigan ko sila Shin, James at Niel sila lagi ang kasama at makakasama ko.Si Max na bagaman ay may ibang mga kaibigan bukod sa'min ay mas pinipiling mag-isa, hindi ko alam kung dahil hindi siya sana'y sa kanila o katulad din ng nararamdaman ni crush na kakilala lang sila at hindi talaga kaibigan.Tama siya, friendly si Max pero hindi siya plastik.

            Bati na kami, sa tingin ko naman dahil magkakasama na kami ulit sa grupo, hindi na siya umaalis o umiiwas kapag darating ako.Pero ang malaking pader sa pagitan naming dalawa ay hindi naalis, ngayon, nasa'kin naman ang problema.Binabati na niya ko at kinakausap, sinasabayan sa pagpasok gamit ang bisikleta, kinukwentuhan ng kung anu-ano.Ang Max na kilala ko ay walang pinagbago.Kapag magkukwento siya na sobra ang saya alam na namin na kasunod noon ay manghahampas o 'di kaya'y mangungurot o manununtok na siya, madalas na ako ang laging nakakasalo ng mga iyon dahil pinansasalag ako nina Niel at James pero ngayon, parang nagpalit kami ng rutin ni Shin.Kung noon ang papel lang nito ay tagatawa ngayon ako na ang nagawa noon, nakikisali na siya sa kaharutan ng dalawa, nabawasan ng kaunti ang pagiging seryoso niya, sa tingin ko nga mas malapit na siya sa lahat.

            Wala naman akong hinanakit kay Shin, pero hindi ko maiwasang mainggit, pakiramdam ko kasi na kahit marami akong kasama ay nag-iisa pa  rin ako.Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko dahil inilalayo ko ang sarili sa kanila.Madalas akong mapansin ni Max, ilang beses na siyang nagtangkang paaminin ako sa totoong nangyayari.Matalik ko ngang kaibigan si Max, matalas ang pakiramdam niya.Sa kanilang apat siya lang ang nakapansin na mayroon akong problema.

            Last week ng February, pauwi na kami galing sa paghahatid sa bahay ni crush.Napansin ko ang pananahimik ni Max.

ako: ui, ang tahimik mo a!delikado 'yan...hehe

Max: Abel...ok ba tayo?

ako: huh?

Max: kasi...pakiramdam ko hindi pa e...

ako: ano bang sinasabi mo? Ito? Hindi ok?

Max: Nag-uusap na nga tayo, sabay sa pagpasok,pag-uwi..pero parang may       nagbago

ako: paranoid ka lang!

Max: hindi...may mali...

          Tumigil siya sa pagbibisikleta kaya ganoon 'din ang ginawa ko.Nilingon ko siya sa likuran at nakita ang nangingilid na luha sa mga mata ni Max.Oo nga pala, iyakin nga pala siya.

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon