June 15, 2007
Part 1
Friday
Hapon
Grupo namin ang cleaners at ako ang leader kaya ako ang huling umuwi.Fourth year na ko at maraming nangyaring maganda at pangit noong third year.Mas naging malapit kami ni crush, dahil magkagrupo kami, lagi kaming sabay umuwi, kapag masyadong hapon na siya nakakauwi dahil sa mga school activities, hinihintay ko siya para ihatid sa kanila, nadala na kasi ako at ayoko nang maulit ang nangyaring pambabastos ng tricycle driver sa kaniya.Kaya kahit pa lagi niya kong tinatanggihan ay hindi ako tumitigil sa ganoong rutin.
Marami akong nalaman tungkol sa kaniya.Noong first year siya ay namatay ang nanay niya sa sakit kaya ang stepfather niya na lang ang kasama niya.Sa tingin ko ay mahal na mahal niya talaga ang kaniyang ina dahil wala siyang tigil sa kaka-kwento tungkol dito at masaya naman akong nakikinig dahil nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya habang binabanggit ang tungkol dito.
Nakita kong hindi lang ito isang ina, kundi kaibigan, hindi, matalik na kaibigan, kapatid at ate.Sa kwento niya ay tila napakasipag nito, kinailangan nitong magpursige dahil maaga silang naabandona ng kaniyang tatay na nawala dahil sa sakit sa puso noong limang taong gulang pa lang siya. Kahit pagod sa trabaho ay hindi ito nawawalan ng oras para sa kaniya.
Madalas silang mamasyal, kumain sa labas, sa parke at sa tabing dagat, kaya doon ko nalaman na kaya pala siya naluluha noon sa bus noong third year kami dahil naalala niya ang kaniyang ina.
Pero isa lang ang hindi ko maintindihan, kahit isang beses ay hindi niya nababanggit ang kaniyang stepfather.Alam kong wala ako sa lugar para mag-usisa kahit pa gusto kong magtanong, dahil may mga bagay na gumugulo sa isip ko, tulad ng nangyaring pambabastos sa kaniya ng driver, nang banggitin kong sabihin namin ito sa magulang niya imbes na makaramdam ng seguridad ay bigla siyang natakot.
Kabaligtaran naman ang kalagayan sa'ming dalawa ni Max.Simula noong field trip noong third year, kahit anong gawin ko ay hindi niya ako pinapansin.Binabati ko sa daan, school, room, sa lugar namin, nasubukan ko na ring magbigay ng letter pero napahiya lang ako at nawalan ng gana nang makita sa basurahan ang letter.Kaya maglaon, tumigil din ako sa panunuyo.
February ganoon ding taon, nagkaroon ng JS Prom.Nakasali ako dahil nasa third year level na ko.Nilakasan ko na ang loob na ayain si crush bilang maging partner ko, dahil kung paiiralin ko ang pagiging torpe, siguradong mauunahan na ko ng mga lalaking nakapila sa labas ng room namin, may ilan pa kong nakitang galing sa ibang school.
Kinakabahan na ko, dahil kung ikukumpara ako sa mga lalaking todo ang effort na magdala ng mga bulaklak, chocolate, teddy bear at iba pang regalo, walang-wala ako sa kanila.
Nando'n lang ako sa may tapat ng pintuan ng room , may hawak na tingting at dust fan, hindi makapasok sa nakaharang na malalaking lalaki sa pintuan.Nagpupumilit na kong pumasok at natuwa ako nang biglang nagsipaghawian ang mga lalaking iyon sa pagdaan ko, akala ko lang pala,angkad, maputi at sobrang tangos ng ilong, may maangas na ngiti na hindi ko alam kung bakit humaling na humaling ang mga babae kapag nakikita 'yon.May dala siyang flower boquet na sa unang tingin pa lang ay mukha nang mamahalin.
Dire-diretso lang niyang ipinasok ang maruming sapatos sa nilalampasong tiles naming sahig.Nakita ito ng vice lesader sa grupo ko.YES! kilala ang vice leader naming iyon bilang istrikto pagdating sa kalinisan, minsan nga pakiramdam ko siya ang mas leader saming dalawa kung pagalitan niya ko.
BINABASA MO ANG
to be continue...
Jugendliteraturpa'no ba mag move on? "be patient, but don't wait forever for something that isn't going to happen" "sometimes you just have to pick yourself up and carry on" "one has to learn to forgive not only the person who have done one wrong but also oneself"...