let's continue

12 0 0
                                    

July 09, 2014
Wednesday
Dapit-Hapon

            Kumuha ako ng leave sa trabaho. Taon-taon kong ginagawa ito upang bisitahin siya. Sa lumipas na dalawang buwan, pinag-isipan ko ang lahat, ang dahilan kung ano na ako ngayon. Sa dami ng nangyari, halo-halong emosyon ang bumangon sa’kin at sa tingin ko hindi ko iyon kinaya kaya ang resulta? Ang malamlam na buhay ko ngayon.

            Malinaw pa sa ala-ala ko ang mga binitiwan kong salita kay Max.

“hangga’t hindi bumibitiw ang isa sa’tin may pag-asa pa”

            Nang mawala siya tuluyan na ring nawala ang  ugnayan namin ni Max. Pero araw ng graduation, wala siyang sinabi sa’kin bastat iniabot niya lang ang isang piraso ng papel na may nakalagay na “sa ilalim ng desk mo”. Para sa’kin iyon na ang pinakamaganda ngunit pinaka ayokong regalo.

            Isang lumang notebook. Walang nakalagay na pangalan sa pabalat maging sa loob, inakala ko lang na isa iyong frank dahil kung pagmamasdan ang notebook, tila patapon na ito dahil na malapit nang mapunit na cover at mapupunong pahina. Talagang mukhang niluma na ito ng panahon. Sinubukan ko itong basahin upang magkaroon ng ideya kung ano ang nilalaman ng notebook at sa pasimula pa lang nito ay mahahalata mo nang isa iyong diary.

            Patuloy lang ako sa pagbasa ng malungkot, masaya, makulay, madilim, mapait, matamis na buhay ng walang pangalang akda. Pero sa bawat paglipat ko ng pahina ay unti-unti kong nakikilala ang may-ari noon. Ang notebook na iyon ay bigay ng kaniyang pinakamamahal na ina, iyon ang itinuturing niyang pamana at kayamanan ng yumaong ina. Hirap sila kaya’t  ang notebook na iyon lang ang tanging bagay na maipamamana sa kaniya bukod sa magaganda at masasayang alaala nilang dalawa.

            Nag asawang muli ang kaniyang ina para sa kaniya, upang ‘di sila mahirapan sa buhay pero ang kaniyang pangalawang ama ay masyadong seloso at ayaw sa kaniya, kaya nang mawala ang kaniyang ina, parang gumuho na ang lahat-lahat sa kaniya.

“ pero may dumating na mahahalagang tao sa buhay ko at tinulungan nila kong muling buuin ang papaguho kong pag-asa”

          Ang dahilan ng hindi ko pagbanggit sa kaniyang pangalan ay isang hiling. Iyon ang unang beses na may hiningi siyang pabor kaya’t iyon na ang pagkakataon kong pagbigyan siya na mahirap tanggihan lalo na kung iyon ang una at huli.

“ Nagpapasalamat akong nakilala ko sina Shin, James,Niel lalo na sina Abel at Max, pero paano ko magiging masaya kung sa bawat pagngiti ko’y may nasasaktang iba? Kaibigan ang kailangan ko kaya iyon lang ang maibibigay ko kay Abel, nangako ako kay Max na kapag may pagkakataon, ibabalik ko ang lahat ng naitulong niya, kaya kapag dumating ang araw na mabasa nila ‘to sana tanggapin nila ang makasarili kong hiling...pakiusap kalimutan n’yo ang pangalan ko. ‘wag n’yong babanggitin kahit kanino, kahit sa sarili n’yo o sa isip o kahit sa anong paraan, pero ang ala-ala ko kasama n’yo ‘wag nyo sanang kakalimutan tulad ng hindi ko paglimot sa inyo hanggang sa ako’y nabubuhay...salamat sa inyo---”

          Hindi na niya natapos ang sasabihin, nakita ko na lang doon ang naiwang mantsa ng dugo. Nawala man siya pero buhay na buhay pa rin ang kaniyang pag-asa, hindi siya bumitiw.

            Ang sulat kamay na nasa huling mga pahina ay walang dudang kay Max. Sa bawat pagsulat niya ng mga panahong nasa kama ng karamdaman si *****, mararamdaman na ayaw niyang sayangin ang tulong na iniaalok nito sa aming dalawa, hanggang sa huli hindi bumitiw sa Max dahil patuloy siyang umasa na maaayos pa ang nasira naming pagkakaibigan.

            Kung ganoon...

            AKO...ako...a-ako...

“hangga’t hindi bumibitw ang isa sa’tin may pag-asa pa”

            Ako ang unang bumitaw. Inilayo ko ang sarili sa lahat, nagpakalugmok ako sa matinding kalungkutan at galit sa pag-aakalang wala nang saysay ang mabuhay sa mundong napapalibutan ng mga manhid na tao ngunit mali ako, sa una pa lang ako ang manhid.

            Binalewala ko ang lahat ng mga taong nais magmalasakit sa’kin, nais umabot sa’kin ng kamay. Sa bawat gagawin, sasabihin at reaksyon ko’y wala akong ibang inisip kund ang sarili ko kaya naman naiwala ko ang painakamahahalagang bagay sa’kin. Matagal na pala iyong nasa tabi ko pero patuloy pa rin akong naghahanap ng iba, tama si Shin, malalaman mo na lang na mahalaga sa’yo ang isang bagay kung wala na ito. Natatanaw ngunit hindi maabot, nakikita ngunit ‘di mahawakan.

            Biglang bumuhos ang isang malakas na ulan, hinid ko alam ngunit nakaailinsabay rin ang aking luha.

Ako: salamat...tinulungan mo kong makita ng malinaw ang lahat. Noon inisip kong
          tulungan ka dahil kahit maraming nakapaligid sayo, nakita kong walang buhay   ang mga mata mo na para bang laging             malalim ang iniisip mo pero ako pala ang   nangangailangan ng tulong mo. Ang dating laki ng tingin ko sa sarili ay nawala              na, pero heto ka hanggang ngayon tinutulungan ako, kung may magagawa lang   akong itama ang lahat...

            Naramdaman ko ang pagtigil ng patak ng ulan ngunit nakita ko sa paligid ang patuloy na pagbuhos nito.

“ wala ka nang magagawa para itama ang tapos na, bakit hindi mo na lang ayusin ang pwede pang ayusin sa ngayon?”
“M-Max?”
“hindi pa kami bumibitiw, Abel, abutin mo ang kamay ko para malaman mo”

          Lalong bumuhos ang ulan sa’king mga mata nang muli kong makita si Max. Nabalitaan kong nag ibang bansa ito pagkatapos sa college, buong akala ko ay hindi na talaga kami magkikita. Mahigpit ko siyang niyakap. Yakap na parang wala nang bukas habang patuloy lang ang aking paghagulgol.

            Ang nilalamig kong puso ay nararamdaman kong unti-unting nababalot ng mainit at nakagiginhawang pakiramdam. Ang pakiramdam na nakalubog sa kailaliman ng dagat ay wala na,para akong isang sasakyang pangkalawakang mabilis na bumubulusok paitaas.

            Ang pagluha ay napalitan ng ngiti. Ang kalungkutan ay napalitan ng kaligayahan. Ang galit, pangungulila at pakiramdam na may kulang ay hindi ko na makapa.

                                                                                                                        -Ako

Tumingala ako sa malawak na kalangitan

                        at nakita ko ang kulay ng karagatan

                                    ang ulap sa alapaap at ang nakasisilaw na araw

sandali...

ang init, napakainit

                        bakit lumalabo ang paligid?

                                                        HUWAG!!!

            kaunting tiis pa, sandali na lang...huh?...haha!

hindi na, dumating na ang araw na hindi ko na kailangang magtiis pa, sa wakas natapos din ang lahat.

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon