July 09, 2007
Lunes
Umaga
Papasok na ko sa school,nakita ko sa bukana si Rannie.
Rannie: Abel, kanina pa kita hinihintay, tara sabay na tayo
ako: hinihintay? Pumunta ka pa dito para sabayan lang akong pumasok?
Rannie: hindi a!...narinig ko kasi yung nangyari dito kagabi. Nalaman ko si Max pala
‘yung pinag-uusapan kaya pumunta ko dito.
Wala akong balak na makipagkaibigan sa kaniya kaya naman tumuloy na ko sa pagbibisikleta. Pero patuloy pa rin siya sa pagsasalit, kabastusan naman kung bigla na lang akong aalis, kaya wala sa loob na sinabayan ko na siya sa mabagal niyang paglakad.
Rannie: Pinuntahan ko siya kanina, sabi ni tita Nena, hindi daw siya makakapasok ngayon
ako: mmmmmm
Rannie: tsk! Wala ka na ba talagang pakialam kay Max? Kung wala na...iapaubaya mo na siya sa’kin
ako: tama...tama ka Rannie, ikaw na ang bahala sa kaniya, wala kong kakayahang protektahan o pangalagaan ang kahit sinoman.
Sinabi ko iyon sa mababaw na tono habang matamang nakatutok lang ang aking mata sa kalsada. Matagal bago umimik si Rannie kaya’t nang tingnan ko siya’y nakita ko na madilim ang kaniyang mukha at tila nagititgis ang mga ngipin.
Ako: sa totoo lang hindi ko alam kung bakit sinasabi mo sa’kin ‘to. Hindi mo kailangang ipagpaalam sa’kin si Max, kung me’ron kang dapat sabihan n’yan ‘yung tatay niya. Si kuya Toto, kaibigan ko lang si Max pero hindi ko siya pag-aari
Rannie: ilusyon mo lang ‘yon, Abel, wala kang kwenta...
Pagkatapos niyang sabihin ang maga katagang iyon sa mahinahon ngunit sersyosong tono ay binilisan ko na ang takbo ng bike, tapos na ang batian namin sa umaga. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa sinabi niya sa’kin para kasing tamang-tama iyon para sa’kin. Hindi iyon ang unang beses na narinig kong ako lang ang nag-iisip na magkaibigan kami ni Max. Kung hindi ano kami? Punong-puno na ng mga alalahanin ang aking isip, hindi ko na malaman kung ano pa ang uunahing isipin.
Nakapangalumbaba lang ako sa’king mesa, hinhintay si Maam para simulan ang klase. Pumasok na ang aming guro kaya’t sabay-sabay na kaming tumayo para bumati gaya ng kinagawian, nagkatinginan pa ang lahat dahil absent ang mangunguna sa pagbati pero pinangunahan na ito ng vice president ng classroom kaya bumati kami pagkatapos ay umupo.
Classmate: maam, excuse po. Magbibigay po ba kami ulit ng excuse letter para mangolekta ng donation?
Merro: maupo muna kayo, about that, simula ngayon ititigil na natin ang paghingi ng donasyon.
Biglang tuamahimik ang buong klase, ang lahat ay matiyagang naghihintay sa muling pagbuka ng bibig ni Maam. Ako nama’y pinagpapawisan na ng malamig, pakiramdam ko’y dinig ng aking mga katabi ang lakas ng kabog ng aking dibdib, sa mukha ng lahat mahihiwatigan ang iniisip ng bawat isa, ang inaasahan na nag lahat.
Merro: inatake siya sa puso kagabi. Ala una ng madaling araw. Totoo, nakakalungkot
talaga ang sinapit ng classmate n’yo na maaga siyang nawala ,sa edad na 16,
hindi man lang niya na-enjoy ang buhay ng matagal, ang masaklap pa doon ay sarili niyang pamilya ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Ibuburol siya sa Barangay nila at ililibing dito dahhil Barangay na rin ang sasagot sa lahat, kaya ang abuloy n;yo ay personal n’yo nang ibibigay sa kaniya
Isang pangyayaring inaasahan na ng lahat pero hinid ako. Hindi pa ko handang tanggapin ang katotohanan, sa mga taon na lumipas, natanggap ko na nga ba ang katotohanan ?
-Ako
BINABASA MO ANG
to be continue...
Teen Fictionpa'no ba mag move on? "be patient, but don't wait forever for something that isn't going to happen" "sometimes you just have to pick yourself up and carry on" "one has to learn to forgive not only the person who have done one wrong but also oneself"...