March 12,2007
Monday
Umaga
Recognition Day.
Hindi ako kasali sa mga sasabitan ng medal, napagod na kasi ako, simula noong Elementary ay akyat-baba na ko sa stage,always present t'wing Recognition Day,kaya nagpasya kong pagbigyan naman ang ibang hindi pa nakaka-experience ng palakpak at medal kaya ngayon ang papel ko lang dito ay audience.Nakatayo ako sa may labas ng quadrangle, kasama sina Niel at James na ngayon ay wala na sa aking likuran dahil gaya ng kinasanayan, sumasama sila sa mga ganitong okasyon hindi para makisaya sa kaibigan naming makakatanggap ng honor kundi para maghanap ng ka-fling.
Tinaas ko pa ang dalawang kamay habang pumapalakpak para sa kaibigang katatapos lang sabitan ng medalya.Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni ALing Nena na ina ni Max.Nag-iisang anak si Max kaya proud talaga ito twing makakatanggap ng karangalan ang unica hija niya.
Kasama rin si Shin sa mga makakatanggap ng medalsssssssss...maraming medal.Best in Math,best in Science, best in Araling Panlipunan,isa sa mga Athlete of the year, Artist of the year.Siya lang naman ang second honor sa section namin.
Tapos na sabitan ang lahat.Muling umakyat si Max sa stage dahil ibibigay na ng kasalukuyang president ng student council ang maiiwang posisyin nito sa kaniya.Nanalo noong January si Max bilang president at si crush naman ay nanalo bilang muse at si James ang escort, nanalo lang ito kay Niel ng dalawang boto.Haaayyy...ang dalawang iyon, wala nang ibang ginawa kundi magkompetisyon at magpustahan kung sino ang mananalo.Laro-laro lang sa kanila ang lahat kaya 'wag kang magkakamali na isiping interesado sila sa kapakanan ng school.
Nang maiabot na ang simbolo ng SSG.Nanumpa na si Max.Matapos noon ay may inanunsyo siya na ikinatuwa ng lahat,napuno ng nakabibinging masayahang hiyawan ang quad,ito ay bilang regalo sa mga fourth year na magtatapos ngayong taon.Overnight Camping.Ito ang farewell party na naisip ng bagong president ng student council.Lahat ay pwedeng sumali basta't may parental consent.Hanga talaga ako sa husay niyang mamahala dahil napapayag niyang muli ang principal na magdaos ng ganito.
Lalong lumakas ang hiyawan ng malamang sa ibang eskwelahan malapit sa aming lugar gaganapin ang camping kung saan ito ay may mas malaki at mapunong sakop.
Niel: bakit sila naghihiyawan...may picture ba ko sa stage?
James: asa...kung picture ko 'yon walang duda...escort e...hahaha
Niel: hoy...nanuhol ka lang kaya ka nanalo!
James: may naamoy akong bitter...bwahahahaha
ako: tumigil na nga kayo...picture ko yung lumabas sa stage kanina!
N&J: BWAHAHAHAAHAHAHA!!!
Niel: hoy Abel!gising...nananaginip ka na naman ba?
James: hahahaha...aaaaa...natakot sila kaya naghiyawan!!!
N&J: BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
ako: wow...sobrang gwapo nyo..wala akong masabi...
Niel: Saan ba tayo didiretso...kila liit o sa bahay nila Shin?
James: kila Max muna tapos du'n na tayo tambay kila Shin, masarap tumambay dun e!
ako: lakas n'yo makapag-imbita sa sarili n'yo,natanong n'yo ba kung naghanda sila?
James: si Shin pa!mayaman sila...sigurado me'ron 'yan!
Niel: hindi, si Liit ang mas sigurado...nag-iisang anak e!
BINABASA MO ANG
to be continue...
Teen Fictionpa'no ba mag move on? "be patient, but don't wait forever for something that isn't going to happen" "sometimes you just have to pick yourself up and carry on" "one has to learn to forgive not only the person who have done one wrong but also oneself"...