deal

5 0 0
                                    

June 04, 2007

Monday

Umaga

            Pasukan na naman, ito na ang huling taon ko sa High school.Syempre bagong taon bagong mga mukha, magkakaklase pa rin kami nina Niel, James, Max at crush. Totoo nga, umuwi na si Shin sa Japan, umalis siya nang hindi man lang kami nagkaka ayos.

            Pagkatapos ng flag ceremony, umakyat si Max sa stage para sa orientation ng mga first year. Inabot rin ng isa’t kalahing oras ang tinagal namin doon, mula sa student council, teachers at principal ay ipinakilala sa mga bagong dating na estudyante sa school.Pagkatapos noon ay pinabalik na kami sa kaniya-kaniyang room.

            Ipinakilala na ng teacher namin ang kaniyang sarili.Si Mrs. Merro, may pagka mabagsik ang dating niya, mukhang istrikta, hindi rin siya palangiti at ramdam mo ang authority hindi lang sa boses maging sa tindig niya. Hindi siya agad nagturo sa’min dahil gusto niya munang makilala kami isa-isa.Dahil karamihan ng classmate ko ngayong fourth year at classmate ko noong third year hindi na kami nagtagal sa pagpapakilala sa isa’t-isa.

            Nag ring na ang bell, oras na ng recess.Nagsisilabasan na ang mga estudyante para bumili sa canteen o kaya naman ay para makakwentuhan ang mga kaibigang matagal ding ‘di nakasama ng ilang buwan.

Niel: hoy Abel! Walang hiyang Shin ‘yun! Hindi man lang nagpaalam sa’min!

James: oo nga...pa’no na yung bakasyon natin sa Japan?

Abel: ayan kasi..asa-asa pa kayo...

Niel: siguaradong alam mo ‘to! Bakit hindi mo man lang sinabi sa’min?! Asar talaga ko

James: ui chilax lang ‘wag mong siraan ang unang araw ng pasukan

Niel: tsk..bad trip talaga...labas nga muna ko!

James: hoy sandali lang!

          Ayoko mang magalit si Niel sa’kin pero hindi ko magawang magpaliwanag dahil kapag ginawa ko ‘yon kailangan ko ring sabihin ang inilihim na relasyon nila sa’min ni Max, baka lalo siyang magalit hindi lang sa’kin pati na kay Max.

            Naiwan si Max sa room, nag-aayos ng mga gamit.Matagal pa kong nag-isip kung lalapitan ko ba siya o hindi pero bahala na! Kaya naman tumayo na ko, pero biglang naudlot ang plano ko nang isang malakas na boses mula sa labas ang tumawag sa kaniya.Pinagtinginan ito ng nasa loob at labas ng room.

Teacher: Max, pagsabihan mo ‘yang kaibigan mo, hindi pwede ang ganiyan dito

Max: opo maam, sorry po

            Nilabas ni Max ang lalaki. Hindi ko kilala ang lalaki pero parang pamilyar ang mukha nito, matangkad, maputi na may bagsak na natural blonde na buhok. Matangos ang ilong at may manipis na labi. Parang nakita ko na ang lalaking iyon, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

            Nagtataka naman ako sa hitsura ni Max, nakakunot ang noo nito nang lumapit sa lalaki, samantalang ito nama’y may malawak na ngiti, friendly kung titingnan.Napansin ko pa ang nunal nito sa ilalim ng mata. Nakita ko na nga ang lalaking iyon pero saan?

Max: hello, anong kailangan nyo?

lalaki: hindi mo na ko natatandaan?

Max: hindi...hindi kita kilala. Bakit?

lalaki: ang harsh mo naman...magkabatch tayo nung Elememtary.

Max: hmmm...anong kailangan mo?

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon