ikaw at ako...

4 0 0
                                    

June 15, 2007

Part 2

Friday

Hapon

            Matapos kong isara ang room, lumakad na ko sa hallway para umuwi. Isang linggo nang hindi napasok si crush sa school. Hindi ko iyon masyadong pinansin dahil mukhang hindi naman nag-aalala ang mga close na babae ni crush sa room at hindi ko rin naman siya madalaw sa kanila bilang pagtupad sa deal naming dalawa, kaya inisip ko na lang na papasok din siya isang araw pero mali yata ang pasya ko.

            Pababa na ko ng hagdan nang marinig ko ang usapan ng mga teachers.

Maam: kawawa naman ang batang ‘yon

Sir: kailan pa ba ‘yon nangyari? Parang ‘di pa alam ng mga estudyante n’yo maam a!

Merro: Kahapon lang, tsk! Kahit ako naaawa talaga, ayoko munang sabihin para          makapagpahinga muna siya sa Hospital. Kasi kapag nalaman ‘yun ng mga       kaklase niya magdadagsaan ‘yun du’n, lalong hindi siya nakapagpahinga nu’n!

Maam: sa bagay, e yung tatay, nasa’n na?

Merro: naka kulong ngayon sa Barangay, gusto ngang kasuhan ng DSWD e

Sir: tama lang naman ‘yun, e panu pala yung bata sino na lang mag-aasikaso ng bayarin        nu’n?

Merro: Nakakaawa talaga, walang kamag-anak na gustong umako. Yung totoong tatay          kasi nu’n patay na, nag-asawa ulit yung nanay niya kaya nagalit yung mga    kamag-anak ng lalaki, e yung side ng stepfather hindi naman tutulong ‘yun   dahil   nga pinakulong yung kamag-anak nila.

Sir: e yung sa side ng nanay?

Merro: ayun, gusto nga tumulong kaso naman, gustong ipadala sa probinsya, doon       daw    aalagaan

Maam: hala! E bakit pa!? Nandito na nga ang Ospital, hindi ba nila alam ‘yung lagay ng          bata kaya ganiyan sila mag-isip?!

Merro: ayun nga maam, wala kasing pampa-Ospital kaya gusto dalhin sa kanila, wala   rin kasing pamasahe.

Sir: mas kailangan n’yo ‘yang i-announce maam, para kahit papano makalikom tayo ng pera.

           

            Biglang nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan, nagitla ako at parang pakiramdam ko ay tinkasan ako ng kulay sa pamumutla ng mukha. Binaba ko ang hagdan at mabilis na binuksan ang pintuan ng room kung nasaan ang mga teachers.

Ako: maam, ano pong Ospital?!

Merro: Abel! Hindi ka pa rin----

Sir: sa kabilang bayan, yung bagong tayong Ospital ‘dun!

ako: salamat Sir!

          Kumaripas na ko ng takbo, natatandaan ko ang Hospital na tinutukoy ni Sir, agad na kong sumakay sa bike at buong lakas na pumadyak, wala na kong pakialam kung abutin man ako ng isa o dalawa o ilang oras bago makarating doon dahil ang tanging nasa isip ko ay makapunta sa Ospital na iyon.

            Mabilis ang pagtakbo ng aking bisikleta. Ang kani-kanina lang na mainit na hangin ay unti-unti nang lumalamig. Lumulubog na ang araw kaya’t nakikita ko na ang mga bituin sa langit, ang malagkit kong pawis ay natuyo na rin. Hindi ko man malinaw na nakikita ang daan, hindi ko alam kung sa dilim ng paligid o sa bilis ko, pero ininda ko na ang mga iyon para lang makarating sa pupuntahan.

to be continue...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon