March 12,2007
Monday
5:00 pm
Isang malungkot na balita ang sumampal sa'kin nang puntahan ko sina Niel at James,daig ko pa ang na-busted dahil dalawang 'HINDI' ang natanggap ko.Ang pamilya pala nina James ay uuwing probinsya kinabukasan kaya't hindi na siya pinayagan, nagkaroon naman ng problema sa bahay nina Niel kaya hindi na siya umalis.
Ngayon ko lang naramdamang sobrang bigat pala ng dalahin ko, hindi gaya kanina na para lang itong supot na nakapatong sa likod ko.Bigla kong naisip si crush, pero hindi rin ako sigurado kung sasama ba siya o hindi, gayunman, nagbakasakali na rin ako.
Ilang beses na akong tumawag pero walang nasagot sa mataas nilang kulay pulang gate.Aalis na sana ko nang biglang marinig kong may nagbubukas nito.
Lalaki: ang kulit!!anong kailangan mo?
ako: magandang hapon po...classmate po ko ni *****,andiyan po ba siya?
Lalaki: wala kong pake kung sino ka, anong kailangan mo sa anak ko?
ako: um...isasabay ko lang po sana siya sa pagpunta sa camping mamaya
Lalaki: bakit kailangang magsabay-sabay pa!?...sinasabi ko na nga ba...sinasabi ko na e! umalis na siya kanina pa!layas na!
ako: sige po salamat po...
Hindi pa man ako nakakatalikod ay pinagbagsakan na niya ng pintuan ang aking mukha.Nabigla ako...paanong ang isang tupa ay nasa loob ng bahay ng isang lobo?Hindi ko alam pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang unang beses na umangkas si crush sa bisikleta ko at naiyak,iyon ang naging dahilan ng lahat, ang simula ng aming pagkakaibigan.Sandali, parang may iniisip akong iba, related sa eksenang iyon pero ano nga bang iniisip ko?Hindi ko na maalala kaya, kinalimutan na lang at lumakad saaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...saan na ko pupunta?
Naalala ko si Max, noong super close pa kami, as in close, kahit saan at kahit kailan, laging kami ang magkasama, parang hindi kami nauubusan ng oras sa isa't-isa, pero ngayon iba na ang lahat, kailangan kong kontrolin ang sarili ko na hindi na masyadong maging malapit sa kaniya para hindi ako ma-misunderstood ni Shin, mahirap na, mamaya masayang lang ang friendship naming tatlo.
Haayyy...nandito na 'to, wala na kong nagawa kundi pumunta na sa camp...mag-isa.
Nasa jeep pa lang ako ay marami na kong nakikitang pamilyar na mukha. Mga naka bagpack, ang ilan ay nagdala pa ng tent, hindi naman halatang handang-handa sila.Pagkababa ko sa may bukana pa lang ng school, ang dami nang tao, maraming nakatambay na marahil ay naghihintay pa ng mga kasama.Nagmistulang grand meeting iyon ng mga frat kung titingnan, dahil mayroong iba't-ibang grupo ang nakakalat.Ang maliit na gate lang ang binuksan nila para masiguradong bawat papasok ay siguradong may maipapakitang parental consent.Mahirap pumasok sa maliit na gate na iyon, bukod sa matatabang mga tanod na nag-gwa-gwardiya ay nag-uunahan din ang mga estudyante na akala mo mauubusan ng space sa malaking school na 'yon.
Wala nang ayos ang pila kaya nakisingit na rin ako.Iniabot ko ang parental consent at ipinakita ang I.D.Kinuha ang papeles ko at ibinalik sa'kin ang I.D; nagulat ako nang bigla akong higitin sa kuwelyo ng isang tanod, hindi ko na nakuhang magalit dahil intindi ko naman, dahil kung hindi niya ako hihilahin mahihirapan akong makapasok dahil sa malaking bag na dala ko at maiipit lang ako ng mga estudyanteng nagsisiksikan sa may entrance.
ako: salamat po!
tanod: sige na...sige na!
Mukhang torete na rin ang utak ng mga tanod sa dami ng estudyante.Hindi na niya nakuhang lumingon sa'kin, senenyasan na lang niya akong umalis na.
BINABASA MO ANG
to be continue...
Teen Fictionpa'no ba mag move on? "be patient, but don't wait forever for something that isn't going to happen" "sometimes you just have to pick yourself up and carry on" "one has to learn to forgive not only the person who have done one wrong but also oneself"...