meet sandy

173 0 0
                                    

Parang kahapon lang ang ilang taong lumipas hindi niya is

Inaasahan ang maabutan niya. Ibang lalaki na ang inaalayan ni krystianna ng pagmamahal nito si Timothy na ang tiningnan ng dalaga ay puno ng pagmamahal.

Ares, do you mind? Tanong ni Timothy. i'm sorry siguro dapat kinausap muna kita tungkol dito pero lagi mong tinatanggihan ang mga tawag ko at ayaw rin ng secretary mo na bigyan ako ng appoitment.

Naramdaman ni Ares ang tensiyon sa kanyang buong katawan. "No. Its okay. Ano ba ang dapat niyang isagot? Dapat ba siyang magalit? May karapatan ba siya? Kung hihindi ba siya, may mababago ba?

Ares won't mind," maagap na sabi ni krystianna at ngumiti sa kanya. . .matagal na kaming hiwalay im sure masay siya para sa'tin.

Ilang taon nang nawala si Ares. Iniwan niya sina krystianna at timothy. Wala siyang karapatan na umangal. Hangal lang siya na isipin na titigil ang mundo ni krystianna na kapag binalikan niya ang dalaga ay siya pa rin ang mah nito.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili masyado na ba siyang nababad sa mundo ng negosyo at usaping pera kaya wala na siyang panghahawakang realidad sa mundong puno ng emosyon? It was silly,Really.

Of course, sabi ni Ares "Congratulations"

Manhid ang kanyang buong katawan nang kamayan ng dalawa. Parang nagmistulang yeloang himaymay namg kanyang laman ng maramdamanang diamante ng singsing ni krystianna nang kamayan niya ito. Kumagat iyon sa laman niya at parang hinihiwa siya hanggang sa kanyang puso.

Thank you Ares" Hinalikan si Ares ni krystianna sa pisngi at pagkatapos ay sina princeton at dalton naman ang niyakap. Nagpasalamat ito dahil tinanggap niyang isa siyang talunan na hinahayaan na niyang maging masaya si krystianna sa lalaking  mahal nito----- sa matalik na kaibigan.

I-announce na ninyo sa ibang bisita, agad namang sabi ni princeton. Share your happiness with everyone"

I will do the honors, sabi ni lolo teodicio na naglakad patungo sa entablado.

Humagikgik pa si krystianna na parang excited na excited na malaman ng lahat ng tao ang pagpapakasal kay timothy. Only a girl in love would do that.

Parang lumalaki ang ulo ni Ares habang inaanunsiyo ni lolo teodicio anv engagement nina timothy at krystianna.

It should've been Ares ring on krystianna's finger, not timothy's. Animo nagbabaga ang kahita sa kanyang bulsa at dahan dahang nasusunog ang kanyang pantalon. Dahil sa kanyamg harap ay tila unti-unting nasusunog ang kanyang pangarap.

Nakangiting hinawakan ni timothy ang kamay ni krystianna at kinintalan ng halik sa noo ang dalaga. Hindi siya ang lalaking may hawak ng kamay ni krystianna. Hawak ng dalaga ang kamay ng lalaking sumalo nang itaboy niya ito at hindi paniwalaan sa kasinungalingan ng mga taong gusto ay maghiwalay sila. Yakap si krystianna ng lalaking naniwala at hindi umalis sa tabi nito. Ang lalaking pumahid sa mga luha.

Parang may kumurot sa puso ni Ares nang makita kung gaano kasaya si krystianna kay timothy. Hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon na ngitian ang dalaga na puno ng pagmamahal. Pumikit siya parte nalang siya ng nakaraan.

Bumalik si Ares para itama ang pagkakamali sa buhay ni krystianna. Pero wala na siyang itatama dahil tama na ang lahat. Hindi na niya kailangan pang pawiin ang sakit dahil masaya na sila sa piling ng isat isa. Matagal ng napawi ang sakit sa puso ng dalaga dahil sa kanya.

Hindi na siya hinintay ng dating nobya dahil iba na ang may hawak ng puso nito.

Tinalikuran ni Ares ang masayang okasyon at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na siya kailangan pa roon.

"Ares, san ka pupunta? Tanong ni princeton.

"Sa labas. I just need to make a few calls", pumalatak si Dalton Trabaho na naman. Paano ka makakakilala ng babae kung ganyan ka? Bumalik ka agad."

Kumaway lang siya pero hindi nilingon ang mga kaibigan. Hindi na rin siya babalik pa sa ballroom.

Nahuli na siya ng dating. Kasalanan din naman niya ang lahat. Itinaboy niya ang babaeng mahal kung kailan na handa na siyang tanggapin ang lahat, saka naman may iba ng nagmamahal kay krystiann. Higit pa sa kanyang pagmamahal.

Wala sa sariling naglakad-lakad sa kalsada ng seoul si ares. Naririnig niya ang ugong na mga sasakyan at nakakasalubong niya ang mga tao tila lumilipad ang kanyang isip. Wala siyang maramdaman. Ang tanging nararamdaman niya ay ang malamig na hangin na mistulang may yelo sa kanyang balat. Maybe he was destined to be alone. Maybe he was destined to be unloved.

Kung wala nang ipaglalaban pa si Ares, wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang kanyang tadhana. Ang pakasalan ang babaeng pinili ng kanyang mama kahit na wala siyang nararamdaman para dito.

Then it was good-bye to love.

CHEERS! Sabay sabay na wika ng mga regular customer sa korean restaurant kung saan nagtatrabaho si sandy nang dalawang buwan. Traditional korean restaurant iyon at pulos low tables ang gamit nila kaya kailangang sumalampak sa sahig.

Despedida party niya at kailangan na niyang umuwi sa pilipinas bukas ng gabi. Ine-enjoy lang niya ang huling araw ng kanyang kalayaan.

"Kom bei! Sabi ni sandy at tinungga ang baso ng soju.

"Very good, Teacher! Sabi ni Ja Hae, isa sa mga costumer na malapit kay sandy. May kakaibang feature kasi ang restaurant na iyon. Ang mga taong nagpupunta roon ay hindi lang basta kakain. May tsansa rin ang mga ito na makipag-usap sa english sa mga waiter at waitress. Mas mura iyon kaysa mag enroll sa english school o kaya ay online english tutorial. At natutuwa siya dahil sa halip na utusang waiter at waitress ang trato sa kanila ay mistulang mga teacher sila roon.

Gumuhit sa lalamunan ni sandy ang soju hindi pa tapos ang kanyang trabaho at kailangan pa niyang mag serve sa mga customer kaya isang baso lang ng soju ang pinagbigyan niya para sa kanyang mga estudyante.

Nagustuhan niya ang bansang korea katulad ng ibang bansang napuntahan na niya nagdaang tatlong taon. Matapos maka-graduate ng kolehiyo ay pinili na niyang magbyahe sa ibat ibang bansa at mamuhay kasama ang mga tao roon. She took odd jobs to assimilate thier culture. Gusto niyang maranasan ang normal na buhay at makapag desisyon sa sarili. Dahil pag-uwi niya sa pilipinas, may mga responsibilidad na siyang haharapin para sa kanyang pamilya. Hindi na niya kontrolado pa ang kanyang buhay.

Yumukod si sandy nang ibaba ang wala nang lamang baso sa mesa.

"kamsahabnida. Thank you enjoy your dinner."

Siniko siya ng kaibigang si Nikka Jean nang makasabay niya itong kumuha ng order sa counter.

Pilipina rin si Nikka Jean na nagpasok sa kanya sa restaurant. Ini-refer siya roon ng Filipino na nagtatrabaho sa isang ubasan sa Chile kung saan nagtatrabaho rin siya bago pumunta sa seoul.

Last day mo na dito sa korea. Wala ka man lang gwapong boyfriend. O kahit fling-fling lang maraming umaaligid sayo dito."umiling si sandy. "Hindi na. Hindi naman lalaki ang ipinunta ko dito.

Kahit kailan ay hindi naman nagkainteres si sandy sa mga lalaki. Siguro dahil lumaki siya sa sambahayang pulos lalaki kaya nakita na niya ang ugali ng mga ito. Her cousins were some of the most gorgeous, intelligent and arrogant men she knew. Ang sabi pa nga ng kanilang lolo ay parang one of the boys na rin siya.

Nakaka-daya ang kanyang hitsura dahil kahil na mukha siyang payat at fragile na parang chinese doll, kayang kaya niyang patumbahin ang kahit sinong lalakidahil magaling siya sa ibat ibang klase ng martial arts. At para mag kainteres siya sa isang lalak, kailangan ay espesyal ito. At hindi niya alam kung kailan pa siyang magkainteres sa ibang lalaki. May lalaki nang itinakda para sa kanya so other men were out.

Tingnan mo yon" sabi ni Nikka Jean at inginuso ang isang lalaking kakapasok lang. "Hot siya, di ba?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon