11

90 1 0
                                    

Ares" mahinahong awat ni Tita Mariella. Akala ko ba magkasundo na kayo ng apo ko tanong ni lolo Ping na nagulat din sa outburst ni Ares.

Hinawakan ni Sandy ang braso ng abuelo.  lolo siguro po hindi alam ni Ares ang tungkol dito. iba ang magkakakilala lang sa ipapakasal na. mas maganda po siguro kung magkakilala muna kami ng mabuti.

S-she's right," Sabi ni Ares na nahimasmasan na at uminom ng wine. nakita niya ang panginginig ng mga kamay nito. Hindi niya alam kung ayaw nito sa ideya ng arranged marriage o ayaw lang siyang pakasalan.

ayaw niya ng ganoon. kung magpapakasal siya sa isang lalaki, ay dapat ay mutual ang nararamdaman nila. Yes, the marriage would not be based on love pero gusto niyang magkasundo sila. at hindi niya alam kung magkakasundo niya si Ares.

NAKAUPO sa bamboo beanch si Sandy habang nasa harap niya si Ares. pagkatapos ng hapunan ay sinadya silang iwan nita Tita mariella at Lolo Ping sa malahaui cabana sa tabi ng pool. Negosyo raw ang pag uusapan ng dalawa.

Nag-aalalang tiningnan niya si Ares  sa pag inom ng pangatlong kopita ng red wine. "Baka malasing kana naman",  paalala niya.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Ares at hindi inalis ang tingin sa kanyang inumin na wine. As if he was daring her to stop him. "Masyado mo naman yatang sineseryoso ang role mo bilang future wife ko.

Gusto ko lang paalalahanan ka.

Baka nakakalimutan mo kung sino ang nag alaga sayo ng halos gumapang ka sa kalasingan, my hero. malambing niyang sabi pero may nakapaloob na sarkasmo.

He look at her like an eagle eyeing its prey and he was going to kill.

iniikot ni Ares ang wineglass kaya animo nagsasayaw ang pulang likido sa kopita. Then he watched her intently, as if he was enjoying it.

"So demure, How fragile-looking alam ba ng lolo mo na nag-uuwi ka ng lalaki sa apartment mo sa ibang bansa? na hinubaran mo and i dont know what else?  hindi ko yata matanggap na katulad mo ang pakakasalan ko",

Pilit lang tumawa si Sandy sa matalim na mga salitang ibinato ni Ares. iba nga siya sa babaing  nakilala nito sa korea. She had been living a different life. Ngaun, nakasuot na siya ng eleganteng damit at amoy salapi. Samantalang mukha siyang gusgusin ng magkita sila dati. "Gusgusin" to a man of his standards.

Mukhang hindi matanggap ni Ares na ipapakasal ito ng sariling ina kay Sandy. Sa halip na magalit sa mama nito., he was taking it out on her ang akala siguro ni Ares ay masisindak si Sandy sa mga banat  ng binata. She might look like a fragile doll but she was tough.

"Ah! Hindi ko na kailangang ikwento sa lolo ko ang kabutihang ginagawa ko sa mga nilalang na naliligaw ng landas",  she crossed her legs and relaxed. Gusto niyang i-enjoy ang pakikipagtuos kay Ares. "Hindi ko na kailangan sabihin na dahil sa kabutihan ng puso ko ay tinulungan ko ang isang lalaking nanliligaw sa poste at halos gumapang sa kalsada sa kalasingan.

Namutla si Ares at pinanlakihan siya ng mga mata.

"You. . .

hindi ako nanliligaw sa poste.!

TAGUMPAY ! Naamoy na ni Sandy ang tagumpay.

Mali si Ares ng kinalaban. Si Ares ang dapat na matakot sa kanya. hawam niya ang alas.

Marahan niyang hinalo ng kutsarita ang tasa ng tea habang may ngiti sa mga labi na pinagmamasdan ang malalalim na paghinga ni Ares. "A young succesful tycoon. alam kaya nila na yumayakap ka sa poste kapag Nalasing? at alam ba nila na wala ka sa tono kapag kumakanta?

"Ako? kumanta? " Umiling si Ares. "imposible yan,

Bakit? confident ka sa vocal prowess mo?

No! I dont sing"

Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon