Ma'am salamat po sa libreng dinner at merienda sarap! nakangiting sabi ni Mirzi.
Bigay lang yon sakin.
Galing sa secret admirer niyo?
Gustong humalakhak ni Sandy sa sinabi ni Mirzi. Si Arez secret admirer niya? hindi nga niya maintindihan kung ano ang gustong mangyari ng binata. ayaw raw ni Ares sa coconut oil lotion niya pero bigla nitong hinakot lahat. Ang akala niya joke lang iyon. Na gusto lang nitong ilayo sa kanya si Dalton pero makalipas ang labinlimang minuto ay dumating nga ang assistant ni Ares para kunin ang lahat ng stock ng coconut lotion at may dala pang beef teriyaki para sa kanya. may tauhan pang nagdala ng merienda at hapunan para sa kanila ni Mirzi.
Sala sa init, sala sa lamig si Ares. Sasabihing ayaw sa kanya pero iba naman ang ginagawa. hindi niya alam kung ano ang gustong mangyari. But the food won her over. gusto niya ang pakiramdam na inaalala siya ni Ares. May ten pogi points ito sa kanya.
Nilalagyan nila ng net ang mga kahon ng paninda ng mag-ring ang kanyang cellphone. kumunot ang kanyang noo ng makitang tumatawag si Ares. Baka tungkol sa order nito.
"Hello",
Matagal ka pa ba diyan sa loob? kanina pa ako naghihintay dito sa labas," maangas na tanong ni Ares.
Natigagal si Sandy. Hindi ko naman alam na naghihintay ka.
Then hurry up. Gutom na ako," masungit na utos ni Ares at saka tinapos ang tawag.
Naghiwalay sila ni Mirzi sa labas ng would trade center dahil sinundo si Mirzi ng asawa nito. Hindi nagtagal ay tumigil ang kotse ni Ares sa harap ni Sandy. Binuksan ng driver ang pinto at sumakay siya.
Pasensiya na kung natagalan. Thank you pala sa pagkaing padala mo.
Wala yon, sabi ni Ares sa mababang boses. at tumahimik ito sa buong byahe hanggang tumigil sila sa harap ng isang seafood restaurant. Ng makaupo sa harap ng mesa ay hinayaan siya ni Ares na um-order ng kanyang pagkain dahil may tinanggap itong tawag.
Salamat sa pagbili ng products namin. marami kaming nabenta," sabi ni Sandy ng dumating na ang kanilang order.
hiniwa ni Ares ang tuna steak. hindi ko alam na kasama pala ang pagiging human tester sa trabaho mo," sarkastiko nitong sabi.
Human tester? naguguluhan niyang tanong.
Yong ginagawa mo sakin kanina at kay Dalton. Ginagawa mo ba yon sa lahat ng lalaki?
Babae, lalaki. . . .sa lahat. lahat naman ng sales staff kahit sa tindahan ng pabango ginagawa yon. saka hindi ko kasalanan kung hindi mo pareho ng taste ang ibang tao. Hindi dahil ayaw mo sakin o sa produkto ko, wala ng magkakagusto sa amin."
So, if I dont find you desirable, ipagtatanong mo sa iba pang lalaki kung ganun din ang opinyon nila sayo? Naningkit ang mga mata ni Ares. "At kung hindi ka masaya sakin kapag nagpakasal tayo, hahanap ka ng ibang magpapasaya sayo?
What the heck is your problem? Hindi pa nga tayo nakakasal, gusto mi na akong hanapan ng butas. stop playing dirty, Ares. huwag mong isaksak sa utak mo na masama akong babae dahil lang sa assumptions mo. hindi ako commodity para ibenta ang sarili ko at lalong wala akong ilusyon sa pagpapakasal natin. alam ko kung ano ang magpapasaya sakin. definitely not a man. Not you, or any other man. dahil kahit hindi normal ang arrangement natin irerespeto ko angv kasal natin.
Sana nga,
bahala ka na nga diyan. basta kakain ako at kung ayaw mong magpakasal sakin kumbinsihin mo si Tita Mariella. alam mo bang ipapagawa na niya ang isang kwarto para sa nursery? Exciting yon di ba? Gusto raw niya ng maraming apo.
Kumain ka na lang diyan.
tahimik na lang siyang kumain.
the battle was on. papasukuin siya ni Ares sa kahit anong paraan. and he starting to show her how impossible it was to live with him.
kung gusto siyang pahirapan ni Ares, mas pahihirapan niya ito. hindi siya ganun kadaling mawawala sa buhay ng binata.
Nagtatagis ang mga bagang ni Sandy habang dino-drawingan ng pangil ang na download na picture ni Ares mula sa internet para mababoy ang gwapo nitong mukha. Ngumisi siya ng mapag masdan ang kanyang masterpiece. He was a devil pero ang nkakainis ay gwapo pa rin si Ares kahit na lagyan ng pangil at sungay.
Wa------a! sigaw ni Sandy at pinanggigilan ang mukha ni Ares hanggang matabunan iyon ng pulang mga linya.
Tinapik siya ni London sa balikat. "Hoy! Anong problema mo? kanina mo pa pinagtitripan ang picture ni Ares. akala ko pa naman okay na okay kayo dahil binili niya lahat ang coconut lotion natin sa fair. Tapos sabi sakin ni Mirzi sinundo ka pa raw para mag dinner bukod sa pagkaing padala sayo,
Tumirik ang kanyang mga mata, "Oo.tapos pinagbintangan niya ako na nagiging human tester.
para makipag-flirt sa lalaki. Ibig daw sabihin kung ayaw nya sakin. hahanap ako ng ibang lalaki kahit na kasal na kami. Tingnan mo nga kung paano mag isip ang isang yon. hindi mo alam kung mabait o hindi, bipolar ata ang isang yon.
"May paraan naman para hindi na siya magiging masungit sayo, sabi ni London. Walang lalaking pweding magsungit sa kaakit akit na babae.
Ano? Aakitin ko siya? tanong ni Sandy.
Siyempre. kung ikakasal kayo at magkakapamilya, hindi naman pweding magtitigan lang kayo. walang mangyayari sa inyong dalawa. Sayang naman ang pagka-hot ng mapapangasawa mo kung hindi mo mapapakinabangan. you need a lesson in seduction. tignan natin kung tanggihan ka ng lalaking
yan. Mawawala ang pagkabato ni Ares. Walang lalaking bato at masungit sa babaing maganda at kaakit-akit. Simulan natin sa make-up mo.
Hindi sukat akalain ni Sandy na kakailanganin niyang pag aralan iyon para sa isang lalaki. she knew how to look beautiful. pero iba pala kapag sinabing gusto mong maging maganda para sa isang lalaki.
makalipas ng kalahating oras ay nag iba na ang kanyang hitsura. Hindi na siya mukhang maputla at na emphasize din ang maganda niyang mata. Itinali din ni London ang kanyang buhok paraa lumabas ang hugis pusong mukha.
See? Na-enhance ang features mo," Sabi ni London at hinawakan ang kanyang balikat habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Eh, paano kung hindi pa rin gumana to?
aba! Gamitin mo ang natutunan mo sa india hindi ba isang linggo ka rin umattend ng kamasutra lesson sa isang guru doon.?
Ngumiwi si Sandy. May isang eskwelahan sa India na nagtuturo kung paano maging seductive at paano mang-akit ng lalaki. Nakatuwaan lang niyang subukan iyon dahil sa rekomendasyon ng isang kaibigan at hindi pa rin niya nagagamit. Ang tanong ay gusto ba niyang akitin si Ares.?
May kumatok sa pinto at nilapitan siya ni Mirzi. "Miss Sandy, may dumating po na fax galing sa Pearl of the Orient bank.
Na-excite siya. Mahahil, marahil tungkol iyon sa loan. Salamat, aniya ng kunin ang fax message.
Positive ang loan officer ng mainterview siya Final approval na nga lang ang kailangan. Maganda ang kanilang line of products, de kalidad at may napatunayan na rin ang mga kasama niya sa negosyo. Sa wakas, magtutuloy-tuloy na ang kanilang mga plano. Mailo-launch na nila ang mga products sa lalong madaling panahon. Lalo tuloy siyang na-excite.
Subalit halos matuyot ang dugo sa katawan ni Sandy ng makita ang sulat mula sa bangko. "Denied ang loan ko." Napaupo siya sa couch. Manhid ang buong katawan parang ginulpi ang kanyang puso dahil lahat ng kanyang pag asa ay bumagsak.
BINABASA MO ANG
Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)
General FictionHindi makalimutan ni sandy ang huling gabi niya sa seoul,south korea bago umuwi sa pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng kanyang lolo para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa kanyang apartment and the guy stripped in front of her...