26

74 1 0
                                    

"Fiancee? bulalas ni Dalton at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "but she's too pretty. Sabi mo mukhang unggoy ang ipapakasal sayo.

Biglang tinakpan ni Ares ang bibig ni Dalton. "Dont say anything more. You'll get me into trouble.

Nag-peace sign si Dalton at saka lang pinakawalan ni Ares. "it's a pleasure to meet you, Sandy. I"ll catch up with you two later.

"Nandito na ba si Princeton? Tanong ni Ares.

Not yet. Pero nandiyan si Timothy. Itinuro ng lalaki ang direksiyon ng mga mesa malapit sa stage.

Pagkatapos magpasalamat ay humawak si Sandy sa braso ni Ares. "Monkey girl? Nakataas ang isang kilay niyang sabi.

"A pretty monkey girl. If it helps, I'll be your monkey boy.

Sige na nga sabi ni Sandy na hindi napigilang ngumiti. Alam niyang wala sa character ni Ares ang maging charismatic at mambobola pero natututo na ito. Mas madiplomasya na rin ito at hanggang maaari ay umiwas makipag-argumento sa kanya. Magandang katangian iyon para sa mas mabuting relasyon.

Dinala siya ni Ares sa isang mesa. Isang pareha ang nakaupo roon. "Sandy, I'd like you to meet my childhood friend, and the famous music genius, Timothy Cerrudo. And this is his Fiancee, Krystianna Agustin. Tim, Krystianna, my Fiancee, Sandy Lim.

Pakiramdam ni Sandy ay nalagpasan na niya ang stratosphere sa sobrang saya. Iba ang pakiramdam na nakita ng mga tao ang engagement ring sa kanyang kamay at babatiin sila ni Ares. Pero iba rin kapag ipinapakilala siya ni Ares sa mga kaibigan nito bilang babaing pakakasalan nito.

Congratulations! Nakangiting bati ni Timothy kay Sandy at kinamayan siya. "I hope you'll ask me to play on your wedding.

Hindi masyadong nagulat si Timothy. Mas mukhang nagulat pa ang nobyang si Krystianna.

"Wow! Sabi ni krystianna. "Ni hindi mo to nabanggit noong nasa korea tayo. Basta ka lang kasing nawala sa party.

Naghihinala siyang tinignan ni Timothy. "Ares, huwag mong sabihing siya ang babaing dahilan kung bakit basta ka na lang naglaho sa korea at na-miss mo birthday bash ko?

"She's the one, sabi na lang ni Ares at pinisil ang kanyang kamay.

"Then we should celebrate your engagement as well, sabi ni krystianna na mukhang naka-recover na sa pagka-shock. "It must have been whirlwind romance. Ikwento nga ninyo kung paano kayo nagkakilala.

Ipinaghila siya ng upuan ni Ares. "Sa seoul kami nagkakilala. . . "Bigla siyang nag-alangan kung anong version ang ikukwento sa mga kaibigan ni Ares. "Sinagip niya ako mula sa lasing na gustong mambastos sakin.

Isinalikop ni Ares ang kamay sa kanyang kamay na parang malaking bagay rito ang kanyang sinabi. Hindi niya alam pero parang nasa isang laban ito at siya lang ang kakampi ng mga oras na yon.

"Hero ka na pala ngaun, komento ni krystianna.

Hindi ba siya hero dati? Parang maraming alam si krystianna tungkol kay Ares. Mukhang matagal na ring magkakilala ang dalawa.

"Well, he used to be a bully, nakangiting sabi ni krystianna. "Naaalala ko noon, takot ang mga estudeyante sa school namin na kontrahin siya. At gusto niya nakukuha ang lahat ng gusto niya sa paninindak.

"He is still a bully. Nakita ni Sandy ang panlalaki ng mga mata ni Ares. "See? Hanggang ngaun sinisindak niya ako.

"At hindi ka mukhang nasisindak,

Puna ni Timothy.

"Kasi bully rin ako, natatawa niyang sabi at saka pinisil ang pisngi ni Ares. "Mas bully pa ako kaysa sa kanya.

Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon