Sa mga inapplyan niyang bangko, sa Pearl of the Orient Bank ang pinakapositibo. Paano pa siya makakakuha sa ibang bangko ng loan kung sa Pearl of the Orient pa lang ay bagsak na siya.
Nakakahiya kina krizzha at London kung siya pa ang magiging cause of delay ng kanilang operasyon niyang gumagawa na ng paraan ang mga kaibigan para makakuha ng pandagdag sa kanilang puhunan.
Nang bahagyang kumalma si Sandy ay tinawagan niya ang loan officer ng bangko. Kailangan niyang malaman kung saan siya nagkamali. Baka naman may paraan para makakuha siya ng pera, perhaps they might reconsider.
"Miss Lim, im sorry about loan, sabi ng loan officer. Parang alanganin pa ngang kausapin siya kundi lang sa pakiusap niya sa secretarya nito.
Ano po bang naging problema? I mean, akala ko po okay na lahat ng requirements. You sounded very positive after the interview.
Malaki kasi ang pagpapahalaga ng Pearl of the Orient Bank sa mga negosyong pro-poor at pro- environment. Iyon ay ayon na rin kay Mrs. Racelis.
Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga.,hindi ko rin po alam kung ano ang problema, Miss Lim. Akala ko rin po maa-approve na ang loan ninyo. Pero may utos po mula sa itaas. Biglang natigilan ang loan officer dahil maaaring masyado na itong maraming nasabi. I'm really sorry pero pwedi naman po kayong magpasa uli. We can reevaluate it. . . "
Wala ng naririnig o naiintindihan si Sandy sa mga pampalubag-loob nitong salita. Isa lang ang pumasok sa kanyang isip, Galing sa itaas ang utos na i-reject ang kanyang loan at kung itse-check ang heirarchy sa bangkong iyon, isang tao lang ang nakikita niyang nasa itaas na pweding maging dahilan ng kamalasang iyon.
Ares Manrique! Mariin siyang pumikit habang nararamdaman ang pagdaloy ng galit sa kanyang mga ugat kasabay ng pagbalik ng kanyang lakas Sumosobra na ang lalaking iyon.
Okay lang na nilait-lait siya ni Ares. Okay lang na ginawa siyang katatawanan ng pagmukhain siyang desperada para molistiyahin ito. Kahit ng bayaran siya ni Ares para lang umurong sa kanilang kasal at tratuhing mababang klaseng babae para talikuran ang kanyang pangako kay lolo Ping dahil sa pera.
Pero para sirain ang kanyang pangarap at ang mga kasama niya sa kompanya ay hindi niya matanggap. Makikita ni Ares ang hinahanap nito.
Taas-noo si Sandy ng pumasok sa lobby ng main office ng Pearl of the Orient Bank. She was in battle mode. Tumawag siya sa sekretarya ni Ares para mag-set ng appointment ng alas-dos ng tanghali it was granded. Kaya naman nagkukumahog siyang nagmaneho gamit ang kotseng hiniram sa asawa ng kanyang pinsan patungo sa opisina ni Ares.
Nagla-log in si Sandy sa reception ng magpalipat-lipat ng tingin ng receptionist sa kanya at sa cellphone nito. Ma'am kayo po ba ang girlfriend ni sir Ares?
"No ", sabi niya sa malamig na tono. Mukhang kumalat na rin ang ibang pictures niya sa mga tauhan ni Ares. Noong fair kasi ay may mga nagpakuha ng Pearl of the Orient Bank sa kanilang booth. After all, ilan sa mga tauhan ni Ares ang nag-deliver ng pagkain sa kanya ng nakaraang araw.
Uhm. . . . Ano po ang relasyon ninyo? Puno ng kuryosidad na tanong ng receptionist.
Iniangat niya ang tingin sa babae. I'm his worst nightmare." at saka siya taas noong naglakad patungo sa elevator.
Malapit-lapit na siyang sumabog ng makarating sa desk ng assistant ni Ares. Pilit siyang ngumiti at nagpakapormal pa rin. I have an appointment with Mr. Ares Manrique. At two o'clock." menos kinse minutos nun bago mag alas dos.
Naging alanganin ang ngiti ng assistant Ma'am, i apologize. Pero may importante pong meeting si Sir Ares ng alas dos. It just came up. Tatawagan ko nga po kayo dapat para sabihing cancel ang appointment ninyo."
BINABASA MO ANG
Arranged Married with Mr. Arrogant (Sandy&Ares)
General FictionHindi makalimutan ni sandy ang huling gabi niya sa seoul,south korea bago umuwi sa pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng kanyang lolo para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa kanyang apartment and the guy stripped in front of her...